CHAPTER 31

1 0 0
                                    

"Hindi mo isasabay si Mich?" tanong ko kay Sev.

Magkasabay kami ngayon at pareho na kami ngayon na pababa para umuwi na.

Nauna na rin si Dave kanina na bumaba kaya wala tuloy akong kasama umuwi.

"Hindi ko alam. Hindi naman nag-message kanina kung sasabay," sabi niya.

"Hindi mo tinanong?"

"Parang ayaw rin naman niya sumabay sa akin," kibit-balikat na sagot niya.

"Ah. . . E 'di mauuna ka na niyan?" tanong ko at tumango naman siya.

"Ano naman gagawin ko rito?"

"Hintayin si Mich."

"Hayaan mo siya," sabi niya at lumapit sa sasakyan niya.

"Uuwi ka na?" Tumango siya. "Hindi mo na talaga siya hihintayin?"

"Alam mo ulit-ulit ka," reklamo niya. "Kanina ka pa."

"Nag-sorry nga ako kanina ayaw mo naman!"

"Sinabi ko ba kasi na yakapin mo ako!" sigaw niya rin.

"T*ng !na nito. Akala mo hindi pa ako nayayakap. Ano 'yan space para sa akin kasi baka may magselos na Annabelle?"

"Tigil-tigilan mo ako, Abigail."

"Sige na," natatawang taboy ko sa kaniya. "Ingat," sabi ko at sinarado na ang pinto ng driver seat niya.

"Woi! Sandali naman!" sigaw ni Mich mula roon sa lobby.

Kinatok ko ang pinto ni Sev na ngayon ay naka-lock na.

"Ano?" tanong niya nang maibaba ang bintana niya.

"Buksan mo 'yung sa passenger seat. H'wag mo i-lock," sabi ko.

"Ayaw ko nga! Mamaya may magbukas diyan habang nagmamaneho ako."

"G*qa, gawin mo na lang," sabi ko.

Kunot noo siya na tumigin sa akin bago binuksan iyon. Sakto rin na kadarating lang ni Mich at agad na pumasok sa loob.

"Hindi man lang naghihintay, amp*ta," hingal na sabi niya nang makapasok.

Mukha pa na nagulat si Sev pero umirap lang din.

"Hindi niyo ako dinaanan sa office namin!" reklamo niya.

"Ay teh, hindi na kami sumubok. Kaninang break biglang naglaho. Hindi man lang kami hinintay," sabi ko.

"Ay weh? Hinatak ako ni Sky sa café wala kasi siyang kasama kaya ako na lang sinama niya."

Tahimik na umirap si Sev kaya natawa ako.

"Sev, ayos ka lang?" tanong ko sa kaniya pero kahit ako ay inirapan niya.

"May dalaw?" tanong ko kay Mich.

"Tigang," maikling sagot niya kaya pinukulan siya ng masasamang tingin ni Sev. "Joke lang. Napakainit naman ng ulo mo!" biro ni Mich sa kaniya.

"Alis na kami," paalam ni Sev. Hindi na pinansin pa si Mich.

Grabe pride nito eh bumubula pa.

"Ay, sige. Ingat," sabi ko.

Tumango lang siya sa akin bago itinaas na ang bintanan niya. Bumusina pa siya ng isang beses bago tuluyan na umalis tuloy ay naiwan ako mag-isa.

Tumingin pa ako sa lobby ng DCC kung may tao pa roon kaso wala na rin. Kami kasi talaga ang huli na lumalabas madalas.

Napangiti ako nang makita ang bata na sinasabi ko kanina. Naroon siya at dala-dala ang kapatid niya na babae.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon