CHAPTER 5

0 0 0
                                    

Sinundan namin ng tingin si Sir David na dire-diretso na pumasok sa opisina niya habang kunot na kunot ang noo.

"Ano'ng nangyari roon?" Nagkibit-balikat lang ako kay Sev. Mukha bang alam ko.

"Kanina pa tayo magkasama tapos ako tatanungin mo," ani ko.

"Mga ganiyan na umaga halatang lahat mababalingan ng galit," iiling-iling na usal niya.

"Mag-pray na lang tayo na walang masesante mamaya." Halos lahat din ng kasamahan namin ay nakatingin doon sa pinto pinasukan ni Sir David.

"Mabuti na lang sa head ang pasahan namin ng mga documents."

"Wala ka pa rin ligtas gaga," sabi ko.

"At least hindi on the spot."

"Miss Smith." Pareho pa kami na nagulat ni Sev sa tawag ni David mula sa speaker.

"Lagot ka," sabi niya. Nakatingin na rin sa akin ang iba.

"Tangina mo po," bulong ko sa kaniya bago ako dumiretso papunta sa opisina noon.

Kumatok lang ako bago pumasok.

"Sir?" tanong ko habang nakatayo sa harap ng table niya.

"Coffee please," sabi niya ng hindi pa rin tumitingin sa gawi ko at sa papel lang na hawak niya ang focus.

Ganiyan ang CEO, masipag!

"Okay, Sir." Umalis na rin ako nang hindi na siya sumagot pa.

Wala sa hulog.

Diretso ang lakad ko palabas hanggang sa coffee station. Ang mga katrabaho ko naman ay mukhang mga tanga na nakasunod ang tingin sa akin.

"Kumusta?" tanong ni Sev nang hindi na makatiis at lumapit na sa akin.

"Nagpapatimpla lang ng kape," sabi ko. Tumango naman siya.

"Hindi ba yelo dapat ang ibigay mo? Mukhang mainit ulo, 'te." Sinenyasan ko lang siya na manahimik dahil nakatingin din sa amin ang iba at mabuti na lang ay sumunod din.

"Dalhin ko lang 'to," sabi ko sa kaniya at tumango naman siya.

Sabay pa kami na naglakad paalis doon. Dumiretso na rin ako sa loob ng office at nilagay lang iyon sa table niya.

"May kailangan pa po ba kayo, Sir?"

"Wala na, just this coffee. You may leave. Thank you."

"Nasa labas lang po ako, Sir. Just call me if you need something."

Umalis na rin ako pagkatapos noon. Diretso ako sa upuan ko at nagsimula na mag-ayos doon.

Ramdam ko pa ang mga tingin nila pero nang lumipas ang mga minuto na hindi ko sila binabalingan ng tingin ay nagsimula na rin sila sa kaniya-kaniyang trabaho.

"Do I have another meeting after this?" tanong ni David sa akin.

"Wala na, appointment na lang din after nito," sagot ko.

Hindi na rin siya sumagot pa at nagdiretso na lang ng lakad. Nakasunod lang din ako sa kaniya dahil mukha siyang nagmamadali at tumatakbo pa ako ng bahagya para masabayan siya.

Pagpasok rin naman namin sa conference room ay nagsimula na rin ang dalawa sa harapan nang tuluyan ng makaupo sa sariling mga upuan.

"Thank you," sabi ko sa katabi ko. Ngumiti lang din naman siya at hindi na rin nagsalita pa dahil nagsimula na mag-present ang nasa harap.

Tumagal nang tumagal ang discussion na iyon ay mas nawiwili ako na makinig na lang dahil nakagagana sila pakinggan mag-present doon sa harapan.

"The table is open now for your questions," sabi ni Mr. Ramirez na siyang may-ari ng kumpanya na tinatapakan namin ngayon.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon