"Sev," sagot ko sa tawag.
"Ay shala! Marunong ka na ngayon makipag-usap?" tanong niya sa akin.
"Woi! Abi, tara mamaya. Sa the bar!" sigaw ni Mich mula roon.
"Ay, p*kinang-"
Gusto ko na lang matawa nang ma-imagine ang mukha ni Sev ngayon. Panigurado ay pamatay na naman ang tingin ang ipinupukol niya kay Mich.
"Hayaan mo na mahal mo naman," bulong ko sa sarili ko.
"Ano?" tanong ni Mich.
"Sige, anong oras ba?" tanong ko.
"9 lang tayo. Libre mo ah," sabi niya.
"Kapal mo naman!"
"Woi! Hindi mo naman kami nilibre noong nakaraan ah. Sabi mo ililibre mo kami hindi ka naman bumaba ulit the next day at sa mga sumunod pa. L*che ka, napakalandi mo. Pati CEO tinatarget mo na," pabirong aniya.
"Oo na nga," sabi ko. "Sige na ililibre ko na kayo."
"T*ng !na ka kapag scam na naman 'yan ah!" banta niya.
"Akin na nga 'yan!" masungit na saad ni Sev na marahil ay inaagaw na kay Mich ang inagaw ni Mich na phone niya.
"Sandali naman! Nakikipag-usap pa 'di ba?"
"Sandali! H'wag kayong mag-away. . ." Sandaling katahimikan ang namayani bago ko kinagat ang labi at tinuloy na ang sunod na sasabihin. "Walang titingin kung sino ang mananalo."
"L*che ka, Abigail! Akala ko pa naman sinapian ka na ng Anghel at biglang inawat mo kami na mag-away tapos dadagdagan mo no'n. Alam mo t*ng !na mo sagad. Ang laki ng dulot mo, promise," sarkastikong usal ni Sev dahilan upang matawa ko.
"Akala mo naman hindi ko kayo inaawat na dalawa," sabi ko.
"Dati pa 'yon, hindi na ngayon. Ilang araw ka naman na hindi nakasama ah! Friendship over!" sabi niya.
"T*nga! Kapag hindi tayo nilibre niyan mamaya ah," sabi ni Mich na mukhang binulong pa kay Sev dahil sa sobrang hina. Sa sobrang tatalino rin nila ay nakalimutan yata na ilayo ang phone para hindi ko marinig ang pinag-uusapan nilang dalawa.
"Ay manlilibre naman pala. Sige hindi muna friendship over," bawi naman agad ni Sev.
Napapasapo na lang ako sa noo ko. Hindi sila kapos sa buhay pero tingnan mo naman. Tingnan mo 'yung mga anak ng may-ari ng mga kumpanya at umaasa sa libre ng isang kaibigan.
"Isang beer lang sagot ko," seryosong sabi ko.
"Ay, t*ng !na mo. H'wag ka na pati magpakita," singit ni Mich dahilan para matawa ako.
"G*qo," natatawang usal ko.
"Hindi ako nakikipagbiruan, t*nga."
"Nakikipagbiruan ako, t*nga. Kung ayaw mo naman ay sige," sabi ko.
"G*qa hindi ka na mabiro. Nakikipagbiruan lang si Mich," sagot ni Sev.
Narinig ko pa ang pagpapatahimik niya kay Mich kaya iiling-iling na lang ako na natawa.
"Nasaan kayo ngayon?" pag-iiba ko ng usapan.
Saturday ngayon kaya pare-pareho kami na walang pasok ayon nga lang dahil na rin sa nakabukas ang email account ng DCC sa phone ko ay sabog din ang notifications at mas lalo akong naii-stress dahil marami na namang gagawin.
Weekends na weekends hindi man lang sila magpahinga sa pagtatrabaho baka pati ako naaapektuhan.
"Nandito kami sa bahay nila Mich. Sa parents," sagot ni Sev.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...