Kinuha ko ang mga paper na ipapa-sign sa CEO bago ako naglakad papasok doon.
Kumatok pa muna ako ng dalawang beses bago pumasok pero ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko sa nasaksihan.
Napalunok ako at parang nag-ugat sa kinatatayuan ko nang bumungad sa akin ang senaryo na iniisip ko sa pang-araw-araw na magkasama sila rito sa loob nang silang dalawa lang.
Bago pa nila ako makita ay agad ko na sinarado ang pinto at kagat ang labi na tumingin sa pinto. Kung tutuloy pa ba ako o hahayaan na lang sila na maghalikan doon.
"Abi," tawag sa akin ni Sev.
"H-huh? Ano 'yon?" tanong ko.
"Okay ka lang?" tanong niya sa akin.
"Okay lang," sagot ko at nag-thumbs up sa kaniya kasabay nang pagpapakawala ng ngiti. Tinawanan lang niya ako at inginuso ang papel na hawak ko sunod ang pinto.
"Bigay ko muna," sabi ko at tumango naman siya.
Kinatok ko ang pinto at mas nilakasan iyon upang marinig nila. Hindi rin ako pumasok hangga't walang nagsasalita dahil baka iba na naman ang maabutan ko. Kumatok pa ako ulit at this tine ay narinig ko na ang boses ng CEO.
"Come in!" malakas na boses na aniya.
Humigop ako ng hnagin at pinuno ang baga ko bago nakangiti na binuksan ang pinto.
Napangisi pa ako sa isipan ko nang makita sila na nakaupo at parang walang nangyari. Ngunguso-nguso pa si Eris na nakaupo sa upuan at pinapagapang ang mga daliri sa table habang si Dave naman ay may hawak na papel na kunwari ibinaba pa para mas lalong maging kapani-paniwala ang pag-arte.
"Sir, ibibigay ko lang po 'to. Need daw ng approval ninyo," nakangiting usal ko at pilit na nilataw ang crinkles ko sa mga mata para naman magmukhang genuine. Sayang naman effort nila kung ang pangit ng pag-arte ko. Bawas angas.
"Just put it there. I need to finish this one first," sabi niya.
Tinitigan ko pa siya ng sandali habang ipinapatong ang papel na dala ko sa table niya. Napangiti lang ako ng mapait nang makita ang naiwan na lipstick stain sa collar niya.
Ang layo ng inabot.
"Mauuna na po ako, Sir. Tawagin niyo na lang ako kapag may kailangan or finish na 'yung mga papers at maipadala na sa bawat dept." Tumango lang siya sa akim at hindi na ako tinapunan pa ng tingin.
Tumingin pa ako kay Eris na pinaglalapat ang dalawang labi at hahawakan iyon bigla.
Tuluyan na lang din ako tumalikod.
"Woah, is this mine?" boses ni Eris.
"What?"
"The roses. Oh . . . They smells nice and beautiful too! Is this mine?"
Napalunok na lang ako ng laway ko.
Akin 'yan eh.
Hindi pa sumagot si Dave noong una pero nang akala siguro niya ay naisarado ko na ang pinto ay saka lang siya um-oo kay Eris.
"Of course. It's yours. I have no other girls," sabi niya na nakapagpangiti sa akin ng sobrang pait. Tipong nalasahan ko pa.
Sabi deal lang? Hindi ako aware na 'yung deal kasama na 'yung kiss tapos may kasama pa na pagsisinungaling na malala.
Tumango na lang ako at bumalik na sa table ko. Kinukumbinsi na ayos lang lahat.
Lago mong tatandaan, Abigail. Wala kang karapatan sa kaniya ni katiting.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomantikA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...