Hapon na rin nang lumabas kami ulit sa unit. Natulog na muna rin siya kanina matapos namin mananghalian at ngayon ay pababa naman na kami sa ibaba.
Gusto ko makita 'yung sunset kaya pababa na sana ako kanina kaso bigla siyang lumabas sa kwarto.
"Bababa muna ako," sabi ko.
"Where are you going?"
Bababa nga.
"Manunuod ng sunset," sabi ko.
Wala akong ginawa kanina kung hindi ang maglaro sa cellphone ko. Kaya ngayon gusto ko na lang ulit lumabas dahil boring na boring na ako.
"Saan ka punta?" tanong ko nang mauna siya na lumabas kaysa sa akin.
"Will watch the sunset too," sabi niya.
Nakangiwi ako na nagbaba ng tingin bago umayos at sumunod na sa kaniya.
"Sorry," sabi ko nang may mabunggo sa akin na bata.
"Hi po," nakangiting aniya.
Cute.
"Hello," nakangiting sabi ko sa kaniya.
Babae siya an kulot ang buhok. Nakasuot din ng dress na yellow na lalong nagpatingkad sa maputi niyang balat.
"Where's your Mommy?" tanong ko rito.
Tiningnan ko si David na nakatayo lang din doon habang makatingin sa amin.
"Ace!" tawag nang babae roon.
Maya-maya lang din ay nakalapit na rin siya sa amin.
"Ah, anak niyo po?" tanong ko.
"Oo," naoangitingbaniya at tumango pa ng bahagya.
"Maganda po," sabi ko. "Pati po kayo," dagdag ko.
Halos magkahawig lang silang dalawa pero hindi literal dahil mukhang sa Ama niya nakuha halos lahat. Pati na rin sa kulay dahil morena itong babae sa harapan ko.
Tumawa lang siya at hinagod ang buhok ng anak niya. Nagpaalam na rin naman na siya na aalis na kaya tumango na lang ako at tiningnan si David sa kung nasaan siya ngunit wala na siya roon.
Maraming tao na naglalakad pero dahil alam ko ang tindig niya ay nakita ko rin agad.
Tumabi aoo sa kaniya ng upo roon. Nakashort lang din naman ako at spaghetti strap mabuti na lang at may nadala pa ako na sando.
Bibili sana ako kanina ng damit ko pero hindi ko naman dala yung pera ko kaya hindi na langm. Umuwi lang kami kanina na walang dala bukod sa pagiging busog.
Pareho lang kami ngayon nakatingin sa dagat. Tahimik na pinagmamasdan ang nasa harapan. May mga naliligo rin doon sa harapan kaso nga lang yung mga dalaga ay hindi nagmimintis kakasulyap sa katabi ko.
Pogi eh.
Lumipas pa ang mga oras at pareho lang kaming tahimik. Alas singko na rin at unti-unti ng bumaba ang araw.
Kahit kailan hindi talaga ako magsasawa na tingnan o panuorin 'yan. Ito yung view na hindi ko talaga pagsasawaan.
"Why can you just chase her," sabi ko. Naramdaman ko na tumingin pa siya sa gawi ko pero binalik din naman agad sa harapan marahil ay nabigla sa itinanong ko.
"I'm not that desperate," sabi niya nang makuha ang punto ko.
"Kung mahal mo naman talaga bakit hindi mo subukan."
Kung ako kasi jinowa mo edi sana sa kasalan ang tuloy natin na dalawa.
"I love her but I am not that kind of person who will chase after her. She is the one who did something wrong and I already forgave her. I told her that I already forgave her and I want to start again without naything just purely love but she declined it so. . . ."
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...