CHAPTER 41

1 0 0
                                    

Another weeks have passed. A week para pag-isipan kung ano ang talagang desisyon ko. Buong linggo na nag-finalize kung tama lang ba ang decision na ginawa ko.

Bukod sa akin ay ang baby lang na nasa sinapupunan ko ngayon ang karamay ko. Siya lang at wala ng iba.

Ngumiti na lang ako nang magising sa isang hapon. Sa araw-araw na paglipas ay mas gumagaan na rin ang pakiramdam ko.

Hindi na iyon gaano pumapasok sa isip ko at napag-isipan ko na lahat ng pagkakamali ko sa lahat ng aspeto.

Natanggap ko na, na ako ang may kasalanan ng lahat. Nadamay ko lang si Dave dahil nananahimik naman talaga siya noon tapos ako nanggugulo and I realize na bakit ako umaakto ng ganoon gayon ay hindi naman dapat.

Napalaya ko na 'yung sarili ko at unti-unti ko natatanggap lahat.

I felt betrayed when I saw them pero mali iyon. Mali na maramdaman ko iyon dahil wala naman kami. We are just a pure f*ck buddy who love to satisfy their own fantasy.

Pakiramdam ko tuloy sa nagdaan na dalawang linggo nag-mature ako bigla.

Natawa na lang ako sa sarili ko bago tumayo sa kama at tiningnan ang bag pack ko na nilagyan ko ng iilan lang na mga damit at ang envelope na kinuha ko sa ob-gyn ko.

Balak ko muna manalagi sa bahay nila Mommy. Iba na 'yung mga tingin ni Yumi sa 'kin eh. Parang anytime tatanungin na niya ako kung buntis ako o nag-iinarte lang at saka kung dito kasi ako parang hindi pa rin ako nalalayo sa mga stress at saka nakasasawa na rin tingnan ang apat na sulok ng kwarto ko pero bago ako uuwi roon ay dsdaan muna ako sa DCC.

Madalang na rin ang pagpunta ni Dave rito. Minsan ay halos hindi na rin siya pumupunta and that's good. Mas ayos na rin iyon. Mukha lang kaming t*nga na nag-eexplain sa isa't-isa gayon na hindi naman kailangan.

Nagsuot lang ako ng mini dress na white matapos ko maligo para malinis tingnan. Tinernuhan ko na lang din ng white na flat sandals. Itinaas ko rin ang buhok ko at ginawa iyon na bun. Hindi talaga ako natutuwa sa buhok ko na kasabog-sabog.

Nagkulot ako kanina ng buhok ko pero nauwi lang din sa malinis na bun. Nagsayang lang talaga ako ng oras. H-in-ighlight ko lang ang ibang feautures ko tapos liptint para lang hindi maging maputla ang mga labi ko.

Nang pasadahan ko pa ng tingin ang kabuoan ko ay napangiti na lang ako.

Perfect!

Hindi sobrang ganda hindi sobrang pangit at natural lang lahat!

"Mukha naman akong mabait masiyado," sabi ko at natawa lang din sa sinabi.

Nagpakawala ako ng ngiti at natuwa ako nang hindi iyon nagmukhang peke dahil masaya talaga ako ngayon. Sobrang saya ko at hindi ko alam kung bakit. Siguro marahil na rin isa sa mga iyon is nakalaya na ako sa kat*ngahan ko.

Nang makuntento na ako ay kinuha ko na ang ginawa ko na resign paper pati na rin ang bag pack ko. Iiwan ko muna sa reception babalikan ko na lang ulit mamaya 'pag nakauwi na ako.

Excited na ako makita sila Sev. Ang tagal din simula noong pumasok ako eh. Sana rin ay bati na sila ni Mich. Pag-uuntugin ko talaga sila kapag hindi pa rin.

"Esther, paiwan muna ako nito babalikan ko mamaya," sabi ko sa kaniya habang inilalagay ang bag ko roon.

"Sige po, Ate."

"Wala kang kasama?" Umiling siya sa akin.

"Mamaya pa po kasi ang uwi nila Kuya Bryan galing school," sabi niya.

"Ah. . ." sabi ko at tumango sa kaniya.

"Mauuna na muna ako," paalam ko sa kaniya.

"Opo, sige po. Oo nga po pala, Ate," tawag miya ulit sa akin kaya nakangiti ko siya na bialingan ng tingin.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon