CHAPTER 46

1 0 0
                                    

Hindi na rin ako nagpatagal pa roon. Umuwi na rin ako kaagad dahil parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang nangyari.

Tulala ako na nakatingin sa bintana ng kwarto ko. Kanina pa ako nakauwi at hindi ko alam kung nasaan si David. Nang ihatid niya ako rito ay hindi ko na rin siya pinansin pa.

Hinawakan ko ang tiyan ko at hinayaan na tumuloy ang luha sa aking mga mata. Hindi ko inaasahan na ganoon ang mangyayari. Kung alam ko lang sana ay hindi na ako bumaba pa.

Sinabunutan ko ang sarili ko. Nang dahil sa kapabayaan na ko ay nawala pati ang anak ko.

"Nawala!" hagulgol ko.

Nang mahulog sa sahig ay hindi na ako nag-abala pa na umakyat mula sa aking kama bagkus ay doon lang ako sa ibaba na umiiyak.

Maging ang mga nakaayos na mga gamit ay nagkalat na sa sahig kasama ko.

Hindi ko alam kung ano ang dapat na maramdaman ko. Ang maawa sa kalagayan ko o magalit dahil sa kapabayaan na ginawa ko.

"Sorry," umiiyak na bulong ko.

Sumisikip na ang dibdib ko pero hindi ko rin naman mapigilan ang aking sarili na huwag na umiyak. Kinakapos na ako sa hangin. Akala ko pa ay malalagutan ako ng hininga dahil hindi na ako talaga makakuha ng hangin mabuti na lang din at may nakita ako na paper bag at doon pilit na huminga.

Lalo pa ako napaiyak habang kumukuha pa rin ng hangin sa loob ng paper bag. Muntik na ako.

Iyak lang ako nang iyak. Ayaw ko na sana pa pero kahit pagod na ang mga mata ko at ako mismo ay hindi pa rin ako natigil.

Hanggang sa sa nakatulugan ko na lang ang pag-iyak ko. Nagising na lang ako nang gisingin na ako ni Manang. Pinilit ko na ngumiti sa kaniya nang pagalitan niya ako bakit daw malala. Kung ano-ano na naman daw ang pinagagagawa ko.

Gustuhin man na tumulo ang mga luha sa aking mga mata ay pinigilan ko iyon. Hindi sa harapan ni Manang. Baka kung galit ako sa sarili ko ay mas magalit siya sa akin. Madissapoint dahil sa kapabayaan ko.

"Oh s'ya, sige na. Asikasuhin mo na ang sarili ko at saka ka bumaba nang sa gayon ay makakain ka na ng umagahan. Mahiya ka sa anak mo. Ang baho-baho mo na," aniya at patuloy na pinupulot ang mga nagkalat sa sahig.

Gusto ko sabihin na wala na siya pero mas gugustuhin ko na hindi.

Sinundan ko lang ang bawat kilos niya hanggang sa matapos siya.

"Manang... Ano po ang mara—" tumigil ako sa kalagitnaan ng pagsasalita. Gusto ko itanong kung ano ang mararamdaman niya kung hindi niya sinasadya na makunan.

"Ano iyon?" tanong niya pagkabalik dala ang mga damit na pagpapalitan ko.

"Wala po," sabi ko na lang at kinuha na ang damit sa kaniya upang tuloy na magbihis na roon sa banyo ko. "Maliligo muna po ako," paalam ko.

"Sige. Bilisan mo na lang. Hihintayin kita roon sa ibaba."

"Sige po," sabi ko na lang at tiningnan siya na patungo na rin sa pinto upang lumabas na. Doon naman nagsimula na magsigulo muli ang aking mga luha. Mga luha na hindi na kaya na pigilin pa. Maging ang lalamunan ko ah wari'y may nakabara kaya mas pinili ko rin na manahimik kanina dahil alam ko anuman na oras ay baka pumiyok o bumiyak na ang boses ko dahil sa halo-halong emosyon na nadarama ko ngayon.

Ibinabad ko ang sarili ko sa shower nang matagal. Wala pa sana ako balak na lumabas kung hindi lang ako katukin ni Manang sa labas. Humingi pa ako ng limmav minuto ngunit sadyang napakabilis yata ng oras dahil maya-maya ay muli siya na kumatok at sabi ay lumalamig na raw ang pagkain kaya kahit ayaw ko pa na magbihis ay mas pinili ko na lang din na magbihis na lang nang sa gayon ay hindi na muli pa na umakyat si Manang gayon na maganda na siya at nasa second floor ang kwarto ko ay sadyang mapapagod siya kung babalik pa siya muli.

Inayos ko ang namamaga ko na mga mata. Naglagay na rin ako ng kaunti na make-up para hindi sobrang halata na umiyak bago ako lumabas sa aking kwato. Pababa na sana ngunit natulala naman ako sa hagdan na napakahaba.

Ito 'yung dahilan kung bakit wala na ang baby ko."

"Abigail, ano pa ba ang ginagawa mo riyan na bata ka? Halika na at bumaba ka na rito. Malamig na ang mga pagkain mo. Sabi ko naman kasi sa iyo ay bilisan mo ang pagligo kanina."

Bago pa tuluyan na makita ni Manang ang mukha ko ay pinunasan ko na agad ang mga luha ko. Hindi tulad sa nakasanayan ay dahan-dahan lang ako na naglakad hanggang sa tuluyan ako na makarating sa ibaba. Si Manang na siyang nakatingin sa akin pababa ay napailing na lang.

"Nasobrahan ka naman yata sa pag-iingat?" aniya. "Pero sabagay ay mas mabuti iyan lalo na at may bata sa sinapupunna mo. Mas mabuti na makababa ng matagal o makarating sa paroroonan mo basta ang mahalaga ay makararating ka pa rin."

Ginawaran ko na lang siya ulit ng tipid na ngiti. Halos mauna na rin ako sa kusina dahil kinausap pa si Manang.

"Nagluto ako ng shell ngayon. Mas maganda iyan para sa tulad mo," aniya at iniabot sa akin ang mangkok ng ulam.

"Ako na po ang bahala. Umupo na po kayo rito upang sabay-sabay na tayo kumain."

"Ngunit ang sinabi ng iyong ama ay hindi maaari kaya sig ekumain na lanv diyan. Ako na lang ang sasama sa mga iyan," sabi ni Manang.

"Hindi niyo naman po ipagsasabi pero kung ayaw niyo ay ayos lang din sa akin," sabi ko. Hindi sila pinipilit. Tumango lang din sa akin si Manang bago ako iniwan dito mag-isa . May gagawin raw kasi siya roon sa likod kaya hinayaan ko na lang din. Hinfi ko rin naman kasi alam kung paano sila kakausapin gayon na ganito ang nangyari.

May napag-isip-isip na ako kanina habang naliligo ako at dahil na rin sa problema ko na ito ay parang mas nanaisin ko na lang talaga na gawin iyon kaysa naman ikulong ang sarili sa problema.

Hindi pa nga ako tapos kay David talks tapos ngayon naman ay ito. Grabe naman yata na kamalasan ang nakukuha ko. Wala naman din ako balat sa puwit pero bakit ganoon?

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon