It was a week since that day. A week na nasa loob lang ako ng bahay at buong linggo na walang ibnag ginawa kung hindi ang umiyak nang umiyak. Isang linggo kung saan pare-pareho ang dahilan ko kay Yumi na mauna na siya dahil hindi pa ako nakakapag-ayos at alas otso pa talaga ang pasok which is true. She knew my schedule and I knew her too. Pakiramdam ko talaga anytime ay baka tanungin na niya ako kung ayaw ko na siya kasabay sa pagpasok.
Isang linggo kung saan ko inisip lahat ng mga bagay-bagay. Mga kamalian na nagawa ko sa buhay na ngayon ay pinagsisisihan ko. Mga bagay na isinugal ko para lang sa panandaliang kasiyahan.
I was so naive and an impulsive potato back then. Inisip ko lang ang present at hindi na inisip pa ang mangyayari sa akin sa future. I was so sure na kami pa rin sa huli without minding any obstacles and hindrances that might affect the things. I was so focused na kapag napaibig ko siya or if I will get his attention ay ayon na 'yon.
Wala rin naman ako gagawin dahil kahit phone ay wala ako na nakatulong din sa akin lalo na at walang bubulabog sa akin ngayon. Nakapagpapahinga ako ng maayos.
At ngayon ay tulala ako sa kisame. Tinatamad sa lahat ng bagay. Kahit maligo ay hindi ko magawa.
Lumabas ako sa silid ko at pumunta ng kusina para tingnan kung may pagkain at mukhang mayroon naman dahil may takip ang nasa lamesa.
Nakangiti ko iyon na binuksan at nakasimangot din na inilapag ang pansarado sa tabi ko nang makita na baboy ang naroon at manok.
Nakanguso ko iyon na tinitigan bago ako kumuha ng tinidor doon pero nang makabalik ako sa upuan at magsimula na tingnan iyon ay hanggang sa magsawa ako kababaliktad doon ay sinaraduhan ko na rin at hinugasan na ang tinidor.
Nagugutom ako at gusto ko ng pizza na maraming toppings.
Bumalik ako ulit sa silid ko para tingnan doon kung naiwan ko ang card ko na isa pa. Nagtatabi talaga ako ng isa pa dahil baka may magnakaw ng bag ko at nandoon ang card ko at least may isa ba. Joke.
Bigay ito ni Mommy noon pa na college. I don't know kung nilalagyan pa rin nila ito ngayon. Malakas lang talaga ang loob ko na gamitin dahin may natira pa ako rito na pera na ipmabibili ko sana ng sasakyan ko kaso natigil lang noong marami na rin akong naging bayaran at ayaw ko humingi Mommy.
Nagdalawang isip pa ako kung bubuksan ko ang pinto dahil baka kasi naroon pa rin sa labas si David. Naroon at naghihintay pa rin.
I am not ready yet pero baka kayanin ko na rin. Kaya mo 'yan, Abigail.
Straight 6 days din siya na nandiyan sa labas tuwing gabi minsan pa ay halos maghapon na siya riyan. Nakikita ko lang dahil tinanong ni Tita kung sino raw siya at halos dito na lang matulog sa tapat ng pinto. Kahapon lang talaga siya wala. Wala kasi sinabi si Yumi na may tao sa labas kaya wala. Wala siya. Baka nagsawa na.
Mas maganda na rin 'yon. Magsawa siya dahil ayaw ko na rin. Marami pa na lalaki ang kayang makakita ng halaga ko. Bakit ako magse-settle sa ganiyan na minsan na nga lang maipadama sa iyon na mahalaga ka, sagad pa. Ubos lahat, simot at wala man lang iniwan na choice.
Isang linggo na hindi man lang naisipan nila Mich na ibalik 'yung bag or kahit phone ko. Wala akong contact baka ipatapon na talaga ako ni Mommy sa States kapag hindi ko sila kinausap kahit sa tawag lang. Baka isipin nagrerebelde ako.
T*ng ¡na rin nila Mich. Pinagpiyestahan na yata 'yung wallet ko pambili ng mga pagkain nilang dalawa ni Sev.
Sana nga nagkaayos na sila.
Kahit gastusin na nila pera ko roon ay ayos lang. Last na pera naman na iyon galing sa kumpanya ng DCC. Next na sahod ko sa ibang company naman, kaya sige . . . waldasin na lang nila.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...