Pinagmasdan ko ang mga ibon na siyang dumadapo sa malaking punto rito sa tapat namin. Maingay iyon ngunit hindi naman masakit sa tainga.
Rinding-rindi na rin kasi ako sa katahimikan doon sa loob kaya napagpasiyahan ko na lumabas na lang dito. Dalawang araw mula ang nangyari sa akin at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makabawi.
Kagabi pa ay nag-impake na ako. Babalik na lang siguro ako ulit sa siyudad. At least naman doon ay kahit papaano malilimutan ko ang nangyari lalo na kung lalabas-labas muna ako. Dahil dito ay sa tuwing makikita ko ang hagdan parang ang hirap.
Months pa lang pero bata pa rin iyon. Naiisip ko pa lang na pumatay na ako ng isang inosente na bata ay hindi ko kinakaya.
Nang unit ang noo ko nang pumarada ang isang napakapamilyar na sasakyan sa harapan ng bahay namin. Hindi ako pwedeng magkamali dahil ilang beses ko rin iyan nasakyan.
Hinintay ko siya na makababa roon at saka lang din ako tumayo. Sa akin na agad nakadapo ang mga mata niya kaya napaiwas ako ng tingin at saka lumapit sa gate upang lumabas.
"Ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko.
"I'm sorry. Umalis kaagad ako after the incident but it was because the emergency in the office. Sorry," bulong niya.
"Bakit ka nag so-sorry?"
"Para sa lahat?" aniya.
"Umalis ka na baka maabutan ka pa nila Manang dito sa labas," sabi ko at tumalikod na ngunit hindi pa man ako nakakakalayo ay hinawakan na niya ako sa braso.
"You didn't tell me that you're pregnant," sabi niya dahilan para matawa ako ng sarkasmo.
"Hindi ko rin alam noon," sabi ko.
"Even before you give me your resignation letter?" tanong niya.
"Ano pa ba ang gusto mo? Wala na," sabi ko.
"I want you to come back to me. You promised. You promised that you won't leave but still you left me."
"Hindi ka rin naman papayag lalo kung hihintayin pa kita na magising at magpaalam sa iyo na aalis na dahil in the first place ay iyon ang ginawa ko. Iiyak-iyak ka pa sa harapan ko na para bang kayamanan ako at ayaw mo na mahiwalay sa akin." Hindi siya nakapagsalita.
Naiisip ko pa lang ang nangyari noong mga panahon na iyon ay kinikalabutan ako. Hindi ko alam kung bakit din kami napunta sa sa sitwasyon na iyon.
"Tapatin mo nga ako, gusto mo ba ako?" tanong ko.
Tiningnan ko siya pero pilit lang niya iniiwas ang paningin niya sa akin kaya napatawa na lang ako muli.
"Ano pa nga ba ang aasahan ko? Syempre hindi. Kapal kang ng mukha ko na magtanong 'di ba?" tanong ko sa kaniya. "Kahit nga magkaibigan ay hindi tayo. Ang namamagitan lang sa ating dalawa ay walang iba kung hindi ang sarili nating nga kaligayahan. Ay! Mayroon pa pala. Ikaw ang boss at ako ang secretary pero noon iyon. Noon," pagdidiin ko. "Umalis ka na. Papasok na rin ako," paalam ko.
"Abi, please..."
Iyon na lang ang narinig ko bago tuluyan na sinarado ang gate. Bumuntonghininga na lang ako bago pumasok sa loob. Narinig ko pa siya na sumisigaw pero hindi ko na pinansin pa.
Pakiramdam ko ay nauntog ako bigla sa pader at nagising sa katotohanan. Naging matured sa mga bagay-bagay. Siguro gawa na rin ng pagkalaglag ko sa hagdan.
Kinilabutan ako nang maalala ang pangyayari sa opisina bago ako umalis. Maging ang pag-iyak-iyak ko sa apartment ay kakila-kilabot talaga.
Napangiti na lang ako ng tipid nang dumaan muli sa hagdan. Ito 'yung dahilan kung bakit nawalan ako ng anak. Ito 'yon pero dapat hindi pa rin ako panghinaan ng loob dahil unang-una sa lahat ay marahil nangyayari sa akin ang mga ito dahil hindi pa para sa akin at may mas best pa na darating sa akin.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...