CHAPTER 10

1 0 0
                                    

"Good morning," bati ko kay Seb nang madaanan siya.

"Morning," tugon niya. Dumiretso na rin namam siya sa upuan niya kaya dumiretso na lang din ako sa table ko.

Tamad ako na umupo sa upuan ko at tiningnan ang computer sa harapan ko.

"Birthday ni Maris bukas," sabi niya bigla.

"Ay oo nga pala," sabi ko.

Si Maris ang younger sister ni Seb. Close rin kami noon pati si Mich ay ka-close rin niya dahil madalas kami na nasa bahay nila Seb noong walang ginagawa at tamad na tamad sa buhay.

"Wala pa akong regalo," sabi ko.

"Sabay na lang kayo ni Mich bumili. Wala pa rin naman daw siya."

"Nakausap mo na siya?"

"Kahapon," sabi niya.

"Magkasama kayo?"

"Hindi." Taka ko siya na tiningnan. Iniwas lang niya ang tingin sa akin.

"Sige sabay na lang kami," sabi ko. Tumango lang siya at nagpatuloy na rin sa ginagawa.

"Ms. Smith." Tumayo ako sa upuan ko nang marinig ang boses ni Sir David na nanggagaling sa microphone at dumiretso sa opisina niya.

"Sir," sabi ko nang makalapit sa table niya. Humarap siya sa akin dahil nakatalikod siya noong makapasok ako.

"What is my schedule for the whole week?" tanong niya.

"I will give the copy of your schedule later, Sir. I can get it now to my table if you really need it."

"Can you get it right now. I want to see," sabi niya.

"Yes, Sir."

Matapos noon ay lumabas na rin ako agad at kinuha ang schedule niya para makabalik na rin agad.

Dala ang schedule niya na nakaprint sa paper ay inabot ko iyon sa kaniya.

"Is this all?" tanong niya.

"For the whole week? Yes, Sir."

"I want you to cancel all this," sabi niya.

"Sir?" Ano ulit?

"I want to take a rest for a whole week."

"Are you sure, Sir? Ah, yes I will cancel it all, Sir." Bawi ko nang tingnan niya lang ako.

"That's all."

"How about your schedule for today, Sir?"

"Cancel it too and you. I want you to be accompany me for the whole week. That is command from CEO."

Kusa na tumaas ang dalawang kilay ko.

Bakit ako?! Ayaw ko matambakan ng gagawin pagbalik!

"Okay, Sir."

"Good. Now you may leave."

Wala na rin akong nagawa pa kung 'di ang bumalik sa table ko at magtrabaho na lang ulit.

Wala naman gaanong ibang papers sa ngayon dahil puro tawag lang.

Lumipas pa ang mga oras at computer lang ang kaharap ko. Inaasikaso ang lahat ng mga pumapasok na emails.

Mag-inat ako nang sumakit ang likod ko.

"Tanghali na naman pala."

"Seb," tawag ko sa kaniya na lumingon din naman sa gawi ko.

"Tara lunch."

"Anong oras na ba?" Tumingin siya sa relo niya at tunayo na rin.

"Tara," aya niya kaya tumayo na rin ako.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon