CHAPTER 8

2 0 0
                                    

"Here's the paper that you need to signed and this one is need of your approval," sabi ko at inilatag ang mga papel na hawak ko.

"Is this all?" tanong niya habang tinitingnan.

"Yes, Sir."

"You may leave now," sabi niya. Tumanho lang din ako at lumabas na.

Binigay ko na rin ang schedule niya para ngayon at mamaya ay puro appointment lang naman kaya rito lang din kami sa opisina.

"Abi paturo nga sa ganito," sabi ni Seb.

"Saan?"

"Ito." Tinuro niya ang papel na hawak niya.

"Kailan mo ipapasa?" 

"Next day pa naman," sabi niya.

"Wait lang tapusin ko lang 'to," sabi ko. 

Bumalik na rin siya roon sa upuan niya. Mabilis ko lang din tinapos ang akin at pumunta naman ako sa kaniya.

"Ito ilalagay mo lang siya rito. Then next just click this and boom ayan na," sabi ko.

"Ah sige thank you," sabi niya. Tumango lang din ako at bumalik na ulit sa upuan ko.

"Miss Smith," tawag ni Sir David doon sa pinto.

"Yes, Sir?" tanong ko.

"Follow me please," sabi niya bago pumasok sa opisina niya. Sumunod lang din ako sa kaniya.

"What is it, Sir?" tanong ko nang maisarado na ulit ang pinto sa likuran ko.

"Have a seat first." Nagtataka man ay sumunod na lang din ako.

"Then?" tanong ko ulit nang makaupo na roon.

"Explain this to me." Tinulak niya sa akin ang mga papel na binigay ko kanina.

"Sir?" pag-uulit ko.

"Did you already read this all right? Then Explain this to me," pag-uulit niya rin sa sinabi niya.

P*tangina?

Wala rin ako nagawa dahil siya ang boss ko. Inis ko na kinuha ang mga papel.

"Tamad," bubulong-bulong na ani ko.

"What?" Nakataas ang kilay na tiningnan niya ako pero hindi ko na rin pinansin.

Hindi kasi papasok-pasok tapos ngayon sa halip na may natatapos ako na trabaho ko nandito ako.

Gigil.

Pinaliwanag ko na lang din iyon sa kaniya at wala naman siya ibang ginawa kundi ang tumango sa mga sinasabi ko. Nagtatanong din naman siya sa tuwing may hindi siya naiintindihan.

Lumipas pa ang mga minuto at oras ay natapos ko an rin iyon. 

Great!

Tiningnan ko siya na nakapikit sa harapan ko.

"Sir," sinampal ko ng mahina ang pisngi niya.

"Tapos na," sabi ko nang nagmulat na siya ng mata niya.

"Yeah? Thanks," sabi niya. Tumayo na rin ako sa upuan ko.

"Mauna na ako, Sir." Tumango lang siya sa akin kaya naglakad na rin ako palabas. Iinat-inat pa ako na sinarado ang pinto.

Naubusan ako ng laway doon ah.

Lunch time na rin kasi noong natapos kaya kumain lang ako sa ibaba sandali bago ako umakyat ulit at pinagpatuloy ang trabaho.

Kumain na rin si Seb panigurado dahil ano'ng oras na rin noong makalabas ako.

Nagsunod-sunod din ang dating ng mga nay appointment kay David kaya heto ako nasa opisina rin niya dahil pinatawag.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon