"This project is very important and the lives of people is what we are talking about here. Is this how prepared they are Mr Del Mundo?" Napatingin ako roon sa isang matanda na halatang hindi na natutuwa sa presentation na naganap.
"They just wasted our time here. You even called our company that the meetings will be moved and now what? They aren't prepared yet! This is so. . ." Umiling na lang iyon bago binaling sa iba ang tingin.
Ang dalawa rin na naroon sa tapat ay pareho na mga nakatungo na lang. Nakikita ko na rin na nanginginig na sila sa takot.
I wish na hindi sila tanggalin ng boss nila mamaya. Siguro enough na muna ang pagalitan sila? May mali rin naman kasi sila na nagawa pero pwede naman siguro itama at huwag basta idaan sa pagsibak sa kanila?
"I'm sorry for this kind of meeting we had. For now I just want to adjourn the meeting and ask for an apology for what had already been done by my workers. I will make sure that the next meeting will be more prepared."
"You should! Our time was just wasted here!" Tumayo na iyon at nauna na rin na lumakad palabas.
"I'm sorry, Sir." ulit naman ni Mr Del Mundo roon pero hindi na siya tiningnan pa.
"Meeting adjourned," sabi nito sa lahat at kusa na rin nagsitayuan ang iba na naroon bago tuluyan na lumabas.
"Let's go," sabi ni Sri David.
"A-ah," usal ko. Tiningnan ko pa ang dalawa sa harapan na pinagagalitan na rin ng siguro ay head. Sumunod na lang din ako kay Sir David at umalis na kami roon.
Nakakasabay pa namin ang ibang nag-uusap na matatanda. Kahit sino ay hindi matutuwa sa paraan ng pagpresent nila kanina. Dala na rin sila ng nerbyos ay hindi na nila nagawa ng tama.
Baka intern.
"Do I have another meeting?" tanong niya sa akin.
"Just appointment, Sir." sabi ko at aligaga pa na kinuha ang cellphone sa bag ko para siguruhin kung tama.
Hindi na rin siya sumagot pa habang ako ay sumusunod lang sa kaniya.
Hnaggang sa makaalis kami roon at malabalik ng opisina ay dumiretso na rin siya sa loob ng office niya habang ako ay diretso sa cubicle ko.
"Bakla!" Lumapit sa harapan ko si Seb at pinakita ang papel na hawak niya.
"Yung ganto paano na nga ginawa mo?" tanong niya.
"Saan?" tanong ko dahil hindi na-gets iyon.
"Nakita ko yung ginawa mo noong nakaraan eh. Yung may pinindot ka lang na key tapos lumabas na lahat ito." Tinuro niya ang mga number doon sa papel kaya nakuha ko rin kung ano ang sinasabi niya.
"Isa-isahin mo na lang h'wag tamad," sabi ko.
"Dali na, ang damot naman."
"Joke lang," sabi ko at pumunta na rin sa table niya at itinuro iyon sa kaniya.
"Ayon thank you!" sabi niya. "Tingnan mo naman kasi!" Tinuro niya ang papel na patong patong doon.
"Ano 'yan?" tanong ko rin.
"Ganito rin." Tinaas niya ang papel na hawak niya kanina.
"Ang dami naman?" taka na tanong ko. Hindi lang naman siya nag-iisa bakit ang dami naman ata.
"May galit yata sa 'kin yung head. Kanina pa nagsusungit 'yon hindi ko naman inaano," sabi niya.
"Baka may gusto sa 'yo," biro ko at nandidiri naman siya na tumingin sa akin.
"Yuck!" nandidiri siya na tinulak ako. "Umalis ka na nga rito."
"Ay wow parang hindi ka tinulungan ah!"
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...