Tama na siguro? Pigilan ko na ba?
Natuloy din kami na pumunta rito sa bar na ito. Medyo may kalayuan rin mula sa hotel kaya nababahala na ako dahil masyado ng marami amg nainom niya.
Hindi ako umiinom ng marami dahil baka pareho kami malasing walang mangyayari sa aming dalawa at uuwi pareho na hindi alam kung makauuwi pa ng matino.
Ikaw nag-aya Abigail panindigan mo!
Inuunti-unti ko na lang din ang nasa harapan ko dahil nilalagyan niya iyon kapag paubos na at kung hindi rin naman iinumin ay pipilitin ka.
"Do you have a boyfriend?" tanong niya.
"Ako?" hindi ko siguradong tanong. Hindi rin siya sumagot pero binalingan naman ako ng tingin.
"Wala?" patanong ko rin na sagot dahilan ng kaniyang pagtawa.
"Wala," ulit ko sa mas malinaw na paraan.
Tumango lang siya bago niya ibaling ulit sa harap ang tingin.
"Ex?" tanong niya.
"Meron naman," sabi ko.
"That's good," sabi niya. Taka ko pa siya na tiningnan pero hindi na rin siya pinansin pa.
"College?" tanong niya ulit.
"College na?" tanong ko rin dahil sa kulang-kulang niya na tanong.
"Your ex," sabi niya.
"Noon college pero ngayon hindi na," sabi ko. "Mas nauna pa sa 'kin grumaduate 'yon," dagdag ko.
"Oh? Did I know him?"
"I don't think so?"
Bumuka pa ang bibig niya na animo'y may sasabihin pa pero hindi na tinuloy pa at tumungga na lamang sa bote na hawak niya kanina pa.
Hindi ko alam kung mataas ang alcohol tolerance niya dahil mukhang maayos pa naman siya kahit na masyado ng marami ang bote sa harapan niya.
"Hi Miss," sabi ng boses sa likod ko. Nilingon ko pa iyon dahil bukod sa aming dalawa ni David ay wala ng iba pa na nakaupo rito sa counter island.
Nakangiti na mukha niya ang sumalubong sa akin.
"Ah, hello," sabi ko na lang din.
"Your brother?" tanong niya at tinuro itong katabi ko na halatang walang pakialam dahil nasa bote lang ang atensiyon niya.
"I see," sabi noong lalaki at ngumiti ng malapad.
"Hey, man," sabi niya roon kay David. Tinapik niya pa ito at hilaw na ngumiti sa akin ang lalaki nang hindi man lang siya binigyan ng atensyon nitong kasama ko.
"Just go with him," sabi niya nang hindi kami binabalingan ng atensiyon kaya napatingin na ako sa kaniya.
Anong just go with him!
"Okay naman pala sa Kuya mo, tara?" baling sa 'kin nitong lalaki.
"Ah, sorry hindi ako pwede ngayon."
"Ano, Bakit?"
Anong bakit!
"Hindi ko pwede iwanan," sabi ko at tinuro si David.
"Kasasabi lang niya na sumama ka na sa 'kin," sabi niya.
Pigilan niyo ako masasapak ko 'to. Hindi makuha sa isang salita.
"Hindi nga ako pwede bakit ba ang kulit mo," inis na baling ko sa kaniya.
"Sinabi na kasi niya na sumama ka na," pangungulit niya.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...