Iwinaksi ko na lang ang isipin na iyon dahil unang-una sa lahat ay hindi naman niya alam ang bahay namin sa probinsiya at pangalawa ay hindi naman ako sigurado kung siya talaga iyon. Malay ko ba na nagpapahinga lang tapos akala ko nakatingin sa akin.
Tinapos ko na lang ang pagkain ko at pumasok na rin sa loob para bumaba na. Mailagay at mahugasan na ang mga pinagkainan ko roon sa ibaba.
Dumiretso lang ako sa kusina tapos naghugas ng mga plato. Wala pa rin akong naririnig na ingay.
May mga pinupuntahan ba sila Nanay Helen ng ganitong oras?
Lalabas pa sana ako kaso tinamad na rin na tumuloy dahil mukhang wala rin naman kasi tao roon. Wala lang akong gagawin kaya mas pinili ko na lang na pumanhik sa itaas. Exciting na 'yung story eh.
Nakangiti ko na kinuha ang story sa lapag at umupo sa ibaba ng kama. Ipinatong ko ang dalawang baro ko roon sa ibabaw pati na rin ang libro bago sana ipagppatuloy ang pagbabasa nang mahagip ng mga mata ko ang phone ko na naka-charge pa rin hanggang ngayon.
Nagdalawang-isip pa ako kung uunahin ko muna ang binabasa ko pero sa huli ay tumayo na lang ako at kinuha ko iyon.
Sakto rin na pagpindot ko sa power button noon ay full charge na kaya inalis ko na sa saksakan iyon.
Hindi na rin ako nag-abala pa na lumapit sa kama ko at doon na lang pasalampak na umupo. Hinintay ko pa iyon tuluyan na magbukas at nang tuluyan nga rin na mapunta iyon sa lock screen ay doon na nagsimula ang pagtunog ng notification ko. Sabog na sabog!
Agad ko iyon na pinahinaan at hinayaan muna sandali na pumasok na nang pumasok pa ang dapat na papasok donon. Hindi ko rin naman kasi magagamit iyon kung gayon na ganiyan naman na sunod-sunod ang pasok. Baka mag-log lang siya kapag pinilit ko pa rin.
Ilang minuto rin yata ako na naghintay na tumigil iyon. Nakapagbasa pa nga ako ng dslawang page na libro dahil sa dami talaga noon!
Tiningnan ko pa muna sandali kung may papasok pa at nagulat na lang nang mag-ring iyon bigla. Napahawak pa ako sa dibdib ko dahil sa gulat. L€che!"
Agad ko rin na binitawan nang makita ang pangalan ni Dave roon. Hinintay ko pa na matapos hanggang sa mawala kaya tiningnan ko na ang messages dahil iyon ang pinakamarami.
Mga messages galing kina Mich, Sev, Gia, Mommy, Daddy, Dave, Yumi, Liena, Yuna, at sa iba pa na mga co-workers ko sa DCC.
Literal na puno ang notifications ko eh pero ang nakaagaw ng atensiyon ko ay ang messages ni Dave na halos umabot na ng isang libo na messages! Akala mo hindi alam na nasa kaniya phone ko parang tänga lang gano'n.
Binuksan ko iyon at nag-scroll pa pataas pero tinamad din namam noong nasa kalahati na dahil sa sobrang dami. Kung saan na lang ako umabot ay doon ko na lang tiningnan ang mga messages niya.
Tadtad ng mga sorry, kumusta, kumain na ba ako at ayos lang ba ako ang mga messages niya roon. Sa bandang ibaba naman patawarin na raw siya kasi hindi naman daw niya sinasadya. Pasok na raw ako at nagpapaalam din siya na pupunta siya ng Villaflor. Mayroon pa na sinabi niya na nasa labas siya ng unit ko naghihintay sana raw kausapin ko siya. Natawa pa ako sa crying emoticon na ginamit niya. Kailan pa siya natuto na maglagay ng mga emoticon sa messages niya.
Natigil lang iyon last week. Hindi ko alam dahil mga recent na 'yung pumasok dito sa messages ko.
Dave:
Baby, where are you?Dave:
I'm going to your apartment, okay? Wait me there.Dave:
You weren't here, Abi. Where are you?Dave:
Your co-workers didn't know where you are.Sinadya ko. Sinadya ko na hindi ipaalam sa kanila lalo na kay Sev dahil alam ko na baka takutin lang siya ni Dave masabi lang kung saan ako pumunta.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...