CHAPTER 19

1 0 0
                                    

"Dito tayo," aya ko sa kaniya.

Sumunod naman siya agad sa akin. Sumisid siya hanggang sa makalapit na ng tuluyan sa kung nasaan ako.

"May mga korales doon," sabi ko at tinuro pa ng bahagya ang may kailaliman na parte ng dagat na 'yon.

"Let's go." Inabot pa niya sa akin ang kamay niya bago kami sabay na sumisid doon.

Namamangha ako na nakipagsabayan sa mga isda.

Ang galing!

Tiningnan niya ako habang nakangiti kaya sinuklian ko rin siya ng ngiti.

Ang ganda!

Hindi ako gaanong natatakot kasi hindi naman malalaki 'yung mga isda na nandito. H'wag lang talaga 'yung sobrang lalaki at ako mismo ang mag-aaya kay David na bumalik na sa bangka.

Nauna ako sa kaniya at hinila siya papunta sa mga korales na naroon.

Malalaki tapos 'yung iba nakabukas pa. Lalapit pa sana ako roon nang hilain niya ako bago umiling.

"It's dangerous," sabi niya bago ako hinila papunta pa sa ilalim.

Wow!

Sinundan ko ng tingin ang mga isda na bigla-bigla na lang magkakawatak-watak sa tuwing madaraanan namin sila.

Kaso nga lang biglang may lumabas na malaking isda kaya si napipilitan ako na ngumiti at nagtago sa likuran ni David.

Mukha naman siyang tuwang-tuwa sa ginagawa niya sa kaso ko hindi ako natutuwa sa malalaking isda na sumasalubong sa amin.

Minsan pa akong nakakita ng ahas kaya nahihila ko si David paakyat sa taas. Malay ko ba na nanunuklaw din 'yon!

"Chill," sabi niya nang mapadaan sa amin ang isdang malaki.

Napapalunok ako na tumango sa kaniya. Nagpahila lang ako sa kaniya nang nagpahila hanggang sa tuliyan kami na makarating sa mas magagandang coral reefs.

Mas magaganda na rin 'yung mga isda rito kaso hindi rin maiiwasan na matakot dahil kakaibang mga isda na 'yung mga narito. Idagdag pa na ngayon mo lang sila makikita.

Wala naman sigurong pating dito?

Iwinaksi ko na lang din agad ang iniisip ko dahil mas natatakot ako sa mga isipin na mayroon ako.

Aligaga ako na tiningnan si David nang bitawan niya ako.

Ito na nga ba sinasabi ko eh.

Agad ako na lumangoy at bumuntot sa kaniya. Ayaw ko naman na maiwan dito, aba! Mamaya may pating pala rito eh.

Ramdam ko ang pagtataasan ng mga balahibo ko nang sumagi na naman iyon sa isip ko kaya nang makalapit kay David ay ako na mismo ang kumapit sa braso niya para hindi na niya ako bitawan kapag may gusto siya na puntahan.

Mahirap na!

Hanggang sa umahon kami ay hindi na ako bumitaw pa sa kaniya.

Alam ko rin na nahihirapan siya lumangoy pero mas mahihirapan siyang hanapin ako kapag nalayo ako sa kaniya.

Nang tuluyan na kaming makarating sa itaas ay pagod ko na rinanggal ang tubo ng oxygen sa bibig ko.

"Abi," tawag niya sa akin dahilan upang tingnan ko siya.

"Ha?" tanong ko.

Inabot niya sa akin ang isang starfish. Kinuha ko pa 'yon sa kaniya pero mabilis din na ibinalik nang may gumapang sa daliri ko.

"Hold it," sabi niya pero iling lang ang isinukli ko sa kaniya.

"Just try it." Inilapit pa niya iyon sa akin pero mabilis ko lang siya na inilingan na umani ng tawa niya.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon