"Excuse me!" sigaw ko dahil sa lakas ng music.
Nandito na kami ngayon sa dance floor at nahihilo na rin ako dahil palong palo si Coleen kaiinom ng alak.
"I'm sorry!" pasigaw naman na usal ni Gia na hindi ko na matingnan pa ang ginagawa niya.
Pare-pareho kami na lasing na nang magpunta rito sa dance floor.
"Abi, Here!" Sinundan ko ng tingin ang pinanggalingan noon pero hindi ko naman makita si Coleen.
"Saan ba!" sigaw ko.
"T*nga! Tumingin ka ng diretso sa harapan mo!" Itinaas ko ulit ang tingin ko roon pero parang mas umiikot ang paligid.
"Sandali hintayin ko si Gia!" sigaw ko.
Tumalikod ako ulit para tingnan si Gia pero ang babaita ay may kasayaw na agad.
P*nyeta!
Hinanap ko na lang ulit si Coleen. Nandoon siya malapit sa stage kaya lumapit din ako roon.
"Sorry," paghingi ko ng paumanhin sa mga tao na nababangga ko dahil sa pagka-out of balance.
Hanggang sa tuluyan na ako makarating doon.
"Si Gia?" tanong niya sa akin.
"May kasayaw na roon iniwan ko na," sabi ko.
Hindi na rin siya sumagot pa at mas giniling na lang ang katawan. Ginaya ko na lang din siya habang sumisigaw sigaw, sinasabayan ang lyrics ng tugtog.
Sa tuwing may dumadaan sa harapan namin na waiter ay kumukuha roon si Coleen at ibibigay sa akin at sabay na iinumin. Nasisiguro ko na talaga na pagsisisihan na naman namin 'to tulad noong huli namin na inom.
Sayaw pa rin kami ng sayaw na dalawa rito at kanina pa rin ako pinagpapawisan. Dumadami na rin lalo ang tao dahil anong oras na rin kanina noong pumunta kami rito.
Kung kanina ay medyo malayo pa kami sa stage ngayon ay nasa tabi na talaga kami ng stage dahil sa tulakan na nagaganap habang sumasayaw.
Muntik pa ako na masubsob sa sahig kung wala lang sumalo sa tiyan ko para hindi tuluyan na madapa.
"Be careful," usal noon at itinayo ako ng maayos.
"Thank you," usal ko bago tumingin sa kaniya. "Oh!" Tinuro ko siya.
"Sir David!"
"Miss Smith," tugon niya.
"Nice to see you again, Sir!" Hinampas ko pa ang braso niya para batiin. "Parang kahapon lang magkasama pa tayo sa opisina tapos ngayon..." Umiling ako sa harapan niya.
"You drunk," sabi niya.
"Hindi pa naman," sabi ko naman habang sumasayaw pa rin. "Dalawa ka na sa paningin ko oh!" Tinuro ko pa ang mukha niya. "Ganiyan talaga 'pag pogi. 'Di ba Sir?" nakangiting usal ko.
"Where are your friends?"
Tiningnan ko kung nasaan si Coleen pero wala na siya roon pati si Gia ay wala na rin.
"Ah, nandiyan lang sumasayaw din," sabi ko.
"You are drunk. Let's go."
"Saan?" takang tanong ko.
"I will drive you to your house."
"May kasabay ako, Sir."
"Who?" salubong na kilay na tanong niya.
"Mga kaibigan ko nga. Makulit ka rin pala."
"They are out of nowhere." Tinuro pa niya ang paligid namin.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...