"Abi," mahinang tapik ang gumising sa akin.
Bumungad sa akin ang mukha ni Gia na sobrang lapit.
"Ano ba," sabi ko at tinulak palayo ang ulo niya.
"G*ga ka bumangon ka na anong oras na."
"Anong oras na ba?"
"Alas otso," sabi niya.
"Maaga pa."
"Bumangon ka na." Hinila niya ako paupo sa kama at dahil binibigatan ko ang katawan ko ay bumabalik din ako sa kama sa tuwing bibitawan niya ako.
"Mamaya na inaantok pa ako."
Anong oras na kami nakatulog kagabi dahil sa pagdadaldalan. Gabi na rin kasi kaya hindi ko na siya pinauwi at wala rin naman siyang balak na umuwi pala dahil dito raw siya matutulog ending tabi kami matulog.
"Nagluto ako ng umagahan," sabi niya.
"Ilagay mo muna sa ref ima-microwave ko na lang mamaya."
"Bangon na kasi," inis na ani niya.
Minulat ko ang isang mata ko at tiningnan siya na nakapamewang na sa harapan ko.
"5 minutes," sabi ko.
"Bubuhasan talaga kita ng tubig Abigail."
"4 minutes," tawad ko.
"Bumangon ka na riyan," sabi niya.
"Sige 3 na lang," sabi ko.
Asta siya na tatalikod ay umupo na ako. Minsan ko na naranasan na mabuhusan ng tubig dahil ayaw ko pa bumangon at siya rin ang dahilan.
"Bumangon na nga 'di ba?" sarkastikong usal ko.
"Magtooth-brush ka na roon," sabi niya kaya naman antok ako tumayo at dumiretso sa banyo.
P*ste!
Nang matapos ay dumiretso na rin ako sa kusina kung sana ay naroon na rin siya. Nakahain na rin ang pagkain namin doon.
"Kain na," sabi niya.
"Magkakape ka?" tanong ko sa kaniya at dumiretso sa lagayan ng mga tasa.
"Sige," sabi niya.
"Anong oras ka nakatulog kagabi?" tanong ko sa kaniya. Ang alam ko kasi ay mas nauna ako sa kaniya. Nagisingan ko siya na nagcecellphone pa.
"Around 3 na 'ata?"
"Tapos nagising ng?"
"7 na rin."
"Aga," sabi ko.
"Gano'n talaga," sabi niya.
Doon na lang din ako nagtimpla sa table habang siya ay sumusubo na ng pagkain niya.
"Gala tayo?" tanong niya.
"Tinatamad ako lumabas," sabi ko.
"Kasama naman natin si Coleen."
"Ano'ng connect noon sa tinatamad akong lumabas?"
"Baka ayaw mo akong kasama."
"Buti alam mo," biro ko.
"Akala mo naman gusto kitang makasama. Ha!"
"Kaya pala nandito ka ngayon sa apartment ko," pang-aasar ko sa kaniya.
"Edi uuwi mamaya," sabi niya.
"Pwede rin naman ngayon," sabi ko.
Madalas kami magbangayan noon pa man kaya ang mga ganitong klase na asaran ay wala lang sa amin. Minsan ang mga nakakakita na lang sa amin ang umaawat kahit nagbibiruan lang naman kami.
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...