"Morning," bati ko sa kaniya nang makababa ako sa sala.
Kaya pala wala sa kwarto kanina nang nagising ako. Akala ko pa naman hindi na umuwi.
"Morning," bati niya rin pabalik. "Coffee?" Tumango lang ako sa kaniya.
"Anong oras ka umuwi?" tanong ko.
"I don't know," sabi niya. Pinagkunutan ko lang siya ng noo pero hindi na rin pinansin.
"I was planning to visit the secret place later," sabi niya.
"Sure ka?" tanong ko. Binaling niya sa akin ang tingin niya.
"Why not?"
"Sa dami ng ininom mo kagabi baka wala pa sa kalahati tulog ka na.
"Nah, I'm fine," natatawang aniya.
"Ikaw bahala," sabi ko at pinagpatuloy na lang ang pagtimpla sa kape ko.
"Ikaw may balak ka ba puntahan?" tanong niya.
"Ilang araw ba tayo rito?" tanong ko.
"1 week?"
"Bibili ako mamaya ng damit ko puro sweater dala ko. Magmumukha naman ako na siraulo kung iyon ang susuotin ko sa labas," sabi ko.
"Trendsetter," sabi niya.
"Ikaw na lang kaya mo na 'yan h'wag mo na ako idamay."
Sa huli ay sabay lang din kami na tumawa.
"Aside from that?" tanong niya.
"Wala naman gaano," sabi ko. "Bakit?"
"I was planning to go there around afternoon. Well it is good too, if we go there earlier."
"Samahan mo na lang ako bumili ng mga gamit tapos diretso na tayo roon."
"And who said that I will going to carry your things."
"Wala rin naman akong sinabi," sabi ko rin.
Napakagentleman naman pala nito.
"Mas maganda na yung malinaw."
"Ipagpatuloy mo pagiging gentleman mo panigurado marami mahuhumaling sa 'yo," sarkastikong ani ko.
"Sure," pang-aasar naman niya.
P*nyeta.
"Happy ka na niyan?" sarkastikong ani ko ng makita siya na ngingiti-ngiti sa gilid.
"I was joking!" natatawang aniya.
"Hindi ako mahilig sa joke pasensiya na," sabi ko at ininom na ang huling kape na nasa baso ko bago tumayo sa inuupuan para pumunta na sa lababo at hugasan ang tasa.
"Akin na," sabi ko at tinuro ang tasa na nilalaro niya lang sa harapan niya.
Kinuha ko iyon nang makalapit siya sa akin ng tuluyan.
"Maliligo ka muna ba?" tanong ko.
"Of course!"
"Ligo na para makapunta na tayo roon sa sinasabi mo," sabi ko.
"Opo, Mommy," sabi niya at tatawa-tawa na nang-aasar habang tumatalikod na paalis.
"Ganda naman ng Mommy mo," pang-aasar ko rin.
"She is!" sabi niya. Napangiwi pa ako ng kinindatan niya ako.
Napangiti na lang din ako dahil hind ko nararamdaman ang agwat namin ngayon. Unlike kapag nasa office kung ano ka ay ayon ang trato sa 'yo ng isa.
___________________________________________________
BINABASA MO ANG
CHASING HER ENDLESSLY
RomanceA girl named Abigail Quinee Smith like her boss, Davidson. A secretary who chose to work in David's company rather than in their own company. David, on the other hand, is a man who came from a broken relationship with his first love and drowning him...