CHAPTER 42

1 0 0
                                    

"Sulit?" tanong ko sa kanila nang matapos na kami kumain.

Sabay sila na tumango. Malamang na sulit talaga. Sulit na sulit 'yung nabawas sa card ko, eh. Mga l*che.

"Ano'ng ulam mo kanina?" tanong ni Mich sa akin.

"Lunch?" Tumango siya.

"Steak?" tanong ko.

"Yaman! Dapat ganoon na lang lagi ulam mo, huh? Para laging libre!" sabi niya.

"T*nga," natatawang usal ko. "Sabay ako sa inyo pag-akyat," sabi ko.

"Oh? Baka sisantehin ka na lang bigla ng CEO," sabi ni Sev. "Araw-araw pa naman parang ang laki-laki ng problema. Minsan aalis pa bigla."

Sensatehin? Oh, that's a favor for me. Mas ayos 'yon kaysa mag-resign ako.

"Araw-araw na lasing?" tanong ko.

"I mean, parang amoy alak lang lagi lalo na kapag umaga," sabi niya na mas lalong nagpakunot ng noo ko.

"Baka may problema nga," sabi ko na lang din. "Nandiyan ba siya?" tanong ko.

"Pumasok siya kanina. Mabuti nga hindi na amoy alak eh. Parang pagod naman."

"Baka nakipagjugjugan muna bago pumasok," sabi ni Mich na dahilan upang mapaiwas ako sa kaniya ng tingin. "Tara na. Baka tayong dalawa ang masesante wala ng mga tao rito," dagdag niya at tumayo na.

Sumunod na rin si Sev kaya ganoon na rin ang ginawa ko.

"By the way, ganda mo," sabi ni Mich. "Nanibago ako kanina eh. Ang soft bigla ng features," sabi niya.

"G*qa," natatawang sabi ko.

"Oo, Abigail. Kanina ko pa napapansin na puro mura lang sagot mo sa akin. May galit ka ba?" sakastikong aniya at umirap sa akin kaya natawa ako bago siya inakbayan.

"Dalaga na Mich natin, Sev, oh?" asar ko kay Mich.

"T*ng ¡na ka layu-layuan mo akong babae ka," sabi niya.

"Magsitigil kayo!" suway ni Sev.

Parehontuloy kami na ngumuso ni Mich. Umikot ako papunta sa kaliwa ni Sev at pilit siya na pinauurong kaso nga lang ang l*che ay umurong palikod tuloy mission failed na pagtabihin ang dalawa.

Nginisihan lang niya ako sa reflection ng elevator pero napangisi lang din ako nang may maisip na naman na kalokohan.

"May boyfriend ka na, Mich?" tanong ko sa kaniya.

Dinig ko ang sunod-sunod na pag-ubo ni Sev sa likuran namin.

"Uhm. . ." Bahagya pa na tumingin si Mich sa harapan at sinundan ko iyon hanggang sa tumingin siya kay Sev.

Teka naman. Teka lang. Hindi yata ako ready.

"Uhm?" tanong ko waiting for her to continue it.

"Mayroon na?" patanong din na sagot niya.

"Sino?" usisa ko.

"Hayaan mo na lang siya, Abi," sabi ni Sev na medyo humuhupa na sa pag-ubo.

"Sino nga? Kilala mo? Bakit hindi mo sinabi sa akin!" reklamo ko.

"Hindi pa naman daw kasi niya jowa kaya ayaw pa niya ipaalam," sabi ni Sev.

Kakausapin ko pa sana si Mich kaso lang bumukas na angelevator at bumukas na sa floor niya.

"Bye! Mamaya na lang ulit!" sabi niya at nagtatakbo na umalis.

"Wala akong alam," pangunguna ni Sev nang ibubuka ko pa lang ang mga labi ko para tanungin siya.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon