CHAPTER 24

1 0 0
                                    

"Sev," tawag ko sa kaniya nang makuha ang ibang files sa table ko.

"Oh?" tanong niya.

"Pasuyo naman ako. Pakibigay na lang sa head niyo itong mga files. Dadalhin ko pa sa finance dept 'tong isa."

"Yeah sure. Ipatong mo muna riyan aayusin ko lang 'to."

"Thank you," sabi ko at bumalik na sa table ko para kuhanin ang ibang papers.

Bumaba muna ako sa department nila Mich para rito. Wala na naman po ang babae. Dumiretso na lang ako sa office ng Head at kumatok sandali bago binuksan.

"The papers po," sabi ko.

"Thank you," sabi niya nang mailagay ko na iyon sa table niya.

Umalis na rin naman ako roon agad nang matapos. Hinanap pa ng mga mata ko si Mich pero wala kaya bumalik na ako sa office namin.

"Nasa loob na ba si Sir David?" tanong ko kay Jessa.

"Alam ko kanina ba nandiyan hindi lang talaga lumabas."

"Weh?" Tumango siya sa akin. Hindi ko siya napansin.

Kinuha ko pa ang natitirang paper para sa kaniya bago kumatok doon.

"Come in," sabi niya mula sa loob.

"Good morning, Sir," bati ko.

"Morning," bati rin niya pabalik habang binabasa ang paper na hawak niya. Tumingin siya sandali sa akin bago napabuntong hininga nang bumaba ang tingin niya sa mga papel na hawak-hawak ko.

"What is that?"

"Papers?" patanong ko rin na sagot.

"Let me breath, please. Papers are too d*mn much."

"Kaya mo 'yan!" pagpapalakas ko ng loob sa kaniya. Ikaw ba naman kasi hindi pumasok ng halos isang buwan tapos mag-eexpect pa siya ng kaunti lang.

"By the way, Sir. I still have more there for you to sign-"

"Please, Abigail. Stop." Naitikom ko na lang ang mga labi ko.

Absent pa more.

Oh 'di ba wala naman naidulot na maganda ang absent. Aabsent-absent kasi kita mo naman ngayon stress na stress siya sa tambak na mga papel sa table niya.

Pasimple ko na pinadulas ang papel sa lamesa niya at mariin naman siya na napapapikit habang sinusundan iyon.

"Alis na ako, Sir. Sign well. Bye!" Halos murahin na niya ako pero hindi ko na hinintay pa at patakbo na umalis doon.

"Oh, ano'ng nangyari sa 'yo?" tanong ni Sev na takang-taka na nakatingin sa akin na kasasarado lang ng pinto.

"May nagwawala na halimaw sa loob. Marami raw kasi papel sa table niya. Kasalanan ko ba na enjoy na enjoy niya ang pag-aabsent." Lumakad na ako ulit palapit sa table ko para gawin na ang trabaho.

"G*qa marinig ka!" pabulong na aniya at marahan pa ako na kinurot sa tagiliran ko.

"Okay lang totoo naman."

"Okay lang din naman mawalan ng sahod, 'no?" nakangisi na aniya.

"Ay oo nga pala, tahimik ka lang ah," sabi ko at inilagay pa ang hintuturo ko sa gitna ng mga labi ko upang iparating na 'wag na lang siya maingay pero tinawanan lang niya ako bago ako hinawakan sa ulo at ginulo iyon.

Sobrang sama na ng tingin ko sa kaniya dahil sirang-sira na buhok ko. Ikaw ba naman kasi guluhin na lang bigla. Nang hindi pa rin niya inalis iyon doon ay tinanggal ko na iyon.

CHASING HER ENDLESSLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon