Chapter Thirty Four

13 3 0
                                    

HInintay niya akong matapos sa niluluto at pinanood lang ako sa may high chair. After that, kumain na kami. We just ate in silence that I enjoyed, opposing the bickering or explaining I once expect to happen today. Ayaw ko rin namang basagin ang maingay na katahimikan dahil baka hindi na maibalik.

Pinapakiramdaman ko na lang siya habang kapwa kami sumusubo. I already ate my breakfast before I went here because I needed to inject insulin inside my body, but when he invited me to eat breakfast with him, I didn't decline his offer. Ayaw ko na kasing dagdagan pa ang pagtatampo niya sa akin.

I only ate a portion of what I cooked, gaya nga kasi ng sinasabi ko ay nakakain na ako. Dahil kaunti nga lang ang inilagay ko sa plato ko ay mabilis kong naubos iyon. Pinanood ko na lang siyang ubusin din ang kanya. I don't have any plans to go yet. Wala naman akong trabaho ngayon kaya kung may gusto siyang puntahan, sasama ako. Gusto ko rin makabawi sa kanya. Iyong doon sa kahapon at iyong mga nauna. I really miss him. Weeks rin bago kami nagkita ulit. We never fail to communicate through phone, but still, hindi mo pa rin maipagkukumpara ang personal. I can only hear his voice then, but now I can finally hold him.

Nakatukod ang siko ko sa may table at nakasandal ang pisngi sa may palad ko. I was kinda sleepy but I can still control it. Hinahayaan ko na lang ang sarili ko na panoorin siyang maganang kumain na parang wala ako sa harap  niya. I can figure how he changed within a limited time. His white skin is now already tanned and even his hair is longer than the last time I noticed it. Despite all those changes, it made him manlier.

Naputol ang pagpuri ko sa kanya sa isip ko nang tumunog ang kanyang phone. Ibinaba niya ang kubyertos na hawak niya at tinignan ang phone niyang nakatabi sa  kanya. Alerto niya itong pinulot at kapansin-pansin ang pagpigil niyang pakawalain ang isang ngiti. It spiked my curiousity.

"Who's that?'

His lips that was trying to curved up suddenly turned into one straight line when he heard me throw that question. Pinaseryoso niya ang mukha niya at umiling. "Just a friend."

"Ross?" I'm pertaining to his friend that he usually mingles with. Marami silang magkakaibigan na naipakilala na niya sa akin ngunit siya lang ang sinambit ko dahil iyon ang palagi niyang sinasamahan.

He shook his head. "Hindi. A new friend," he said before reaching for a glass of water and emptying it in just one gulp. "Met before and we clicked."

Tumango ako. I'm glad that his world is now expanding. Kapansin-pansin ang matinding pag-babago niya simula noong shs hanggang ngayon. Kung dati ay ako lang ang nakakausap niya, ngayon ay sobrang dali na lang sa kanya ang makipagkaibigan kahit kanino. I'm happy for him.

"I'm glad to hear that." Tipid siyang ngumiti.

Ibinaba at itinaob niya ang hawak niyang phone at pinagtuunan ng pansin ang almusal. My eyes lingered on the phone for a while. Itinaas ko ang tingin ko sa kanya. "You changed your phone?"

Sandali siyang natahimik at parang pinag-aaralan pa yata kung sasagutin niya ang tanong ko. Hindi ko alam kung bakit pa niya pag-iisipan. Nakita ko naman na, bakit pa siya magde-deny? Parang tanga.

"Yes," he answered meekly. "I feel the need to."

I laughed out loud. I somehow felt I needed to do that to ease his tension. Hindi ko alam kung bakit siya ganoon. "Relax, your shoulders are stiff. I'm just asking. Hindi ko naman kailangang humingi ng explanation sa iyo. It's your own money and decision, labas na ako doon."

He stared long at me before he could finally smile. He leaned forward to give me a kiss. "I really love you." Itinulak niya ang pinggan at tumayo. Nagtataka ko siyang tinapunan ng tingin. Where the hell is he now going?

The Lost Helianthus (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon