Chapter Nineteen

33 3 0
                                    

"How's your weekend?" Pangungumusta sa akin ni Alek. He took my hand and lightly kissed it. Hinayaan ko naman siya dahil kami pa lang naman ang tao sa loob ng room.

As usual, the two strands were mixed in the same room. Kakaunti pa rin ang students ng ABM or worse, nabawasan pa nga ngayong school year.

I sighed before smiling at him. "It's fine," tipid kong sagot, "but exhausting."

He shook his head disapprovingly. "Hindi pa rin ba ayos si Asher?"

Agad akong umiling. "Not yet, but I already knock some senses to him."

"I hope he'll be fine. It's tiring you."

Tumango ako. I know, it's tiring me but it will be better if he'll call me when he's feeling down again. College na sila at ayaw kong naabala nila ang isa't isa lalo na't sobrang busy na nila compared noon. Grade 12 pa lang naman ako kaya hindi pa masyadong marami ang pinoproblema ko. I can manage my time well.

Ang problema ko lang ay ang problema ni Asher. Before pa ng graduation nina Ami at Theo ang break up nila ni Freya at hanggang ngayon ay hindi pa rin siya nakakamove-on. His suffering has been long overdue and it's affecting his life and health.

Ewan ko kung alam niya na kahit masunog pa ang atay niya sa kaiinom, hindi siya babalikan ni Freya. Kahit nga masunog pa siya sa impyerno, wala nang pakialam si Freya sa kanya. Kung hindi pa siya aayos sa mga sinabi ko, baka kailangan ko nang suntukin siya para matauhan na talaga siya.

"You know, I've been thinking about something..."

Nawala sandali sa isip ko ang tungkol kay Asher at ang problema niya pagdating kay Freya. He suddenly got me curious. "About what?"

Umayos siya bigla ng upo nang nakita niyang nakuha na niya ang atensyon ko. Seryoso siyang tumingin sa mga mata ko. "Darating iyong kapatid ko this Christmas..."

"And?" I urged him to go on even if I have a bad feeling that I won't like where this is going.

"Balak kitang ipakilala sa kanya."

"No," matigas kong pagtutol sa gusto niyang iparating sa akin.

Pinanood ko kung paano siya sumimangot sa nakuhang sagot galing sa akin. Too bad I won't be swayed by that.

"Please? Kahit gift mo na for this holiday?"

"Hindi. Ayaw ko pa rin."

"Hindi naman alam ng parents ko. My younger sister will be the only one visiting me. She's spending her vacation with me. Hindi mo pa naman makikilala ang parents ko."

He did say that it was a younger sister. Iyon na iyong pinakarason para tumanggi ako. I'm pretty she's talkative and I don't have the patience to hear what she's going to say. Who knows if I'll tell her to shut the fuck up?

Ayoko naman mangyari iyon. Baka mamaya ay tutol na sila sa akin dahil sa mga kilos at salita ko. I should establish my relationship with his family, not ruin what was not yet built!

Gusto kong matanggap ng pamilya niya pero alam kong baka pumalpak ako dahil hindi pa ako handa.

"Hindi iyon ganoon kadali," giit ko.

He stared long at me before he could utter another sentence. "Wala ka pang napipiling regalo para sa akin 'di ba?"

I didn't answer and let him finish. Mukhang may plano siya.

"Nahihirapan kang mamili, right?" That I cannot deny.

I squinted my eyes at him. "Anong gusto mong sabihin? Can you please stop beating around the bush? Inaaksaya mo ang brain cell ko sa pag-iisip kung ano ang nasa isip mo."

The Lost Helianthus (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon