Tumigil kami sa paglalakad nang matapat na kami sa classroom ko. Asher and I study in the same school. The reason why I need to keep my patience even if he's so annoying. Sa kanya ako ipinagkatiwala ni Mama. Asher smiled at me and patted my head like I'm a fucking dog. "Pakabait ka."
I rolled my eyes. He can command me everything, but not this. Ang hirap gawin iyon lalo na't wala iyon sa vocabulary ko. Inis kong tinanggal ang kamay niyang nakapatong sa ulo ko bago siya binigyan ng isang irap. "I'm not an animal."
Natawa na lang siya. "Basta. Wag kang ma-o-office. Ako ang ipapatawag, sige ka."
"I'm not a warfreak. At saka bakit ikaw ang ipapatawag?"
"Parang ako ang guardian mo dito. Ako lang ang kakilala mo."
"Magkasing-edad lang tayo."
"Grade 12 na ako."
Sa inis ko ay itinulak ko na siya papalayo. "Alis."
Humakbang naman siya paalis pero binigyan pa niya ako ng huling habilin. "Kumain ka mamaya. Make friends."
I watched him enter their class first before I decided to go inside my classroom too.
Hindi pa nagsimula ang klase ay halos sira na ang araw ko. How dare him act like an elder just because he was ahead of me? Immature iyon. Isa pa, sabay sana kaming maggragraduate kung hindi ako nag-drop out last year. I just felt the need to focus on my health first because I lost the will to live when I was diagnosed with Type 1 Diabetes.
My weight after that drastically went down from 48 to 32 kilos. Mabuti na lang at ngayon ay naibalik ko na sa 50 kilos ang bigat ko. I also lost the interest to study even when it's what I love the most. Na kahit na exam ay wala na akong ganang mag-review pa. For almost a year, the favorite spot of my back is the bed. Ni hindi ko kayang lisanin ang kama ko kahit pa ang kumain. I couldn't pinpoint the reason why, kung nawalan ba ako ng interes sa lahat ng bagay o dahil takot lang akong tumaas ang blood sugar ko kung kumain ako.
I have suffered for a year and I don't want to walk back to that hell again. Nakakatakot. I couldn't believe that a stomach pain could change my life 180°. Of course, kung 360° kasi, babalik ka lang sa pinagmulan mo dahil full circle. Parang tanga.
Pumasok na ako at nakita kong dalawa lang kami na nasa loob ng kuwarto. The other one was Alekya Obregon, or Alek, whichever you prefer to call him.
Tahimik akong nagpunta sa likuran kung saan ako nakaupo. After putting down my bag, I sat and just stared at his back. Nasa bandang unahan kasi siya. I don't know what he's doing and I don't want to find out.
Alekya Obregon was not famous, but a lot knows him. Siya kasi iyong walang spectacular na ginagawa pero napapansin pa rin ng karamihan. I just don't know why. Hindi ko alam kung bakit maraming nagkakagusto sa kanya samantalang sobrang tahimik niya. How could someone likes him kung hindi naman kilala ang buong pagkatao niya dahil hindi siya nagsasalita? Ako nga na isang buwan na siyang kasama sa klase ay hindi ko pa tuluyang nakikilala.
Crazy how human mind works.
I shuddered when he slowly turned his head and looked at me. Did he feel my heavy stares and it slowly bore his back? Hindi ako nakakilos agad dahil ininspeksiyon niya ako na para bang nahuli niya ako sa akto.
I badly want to look away, but if I did, it will look like I am guilty of examining him. Itinapon ko na ang planong umiwas ng tingin at nakipagtitigan sa kanya. I don't want to quit and lose in this staring battle. Ilang segundo ring nakasentro lang ang tingin ko sa mata niya bago ako bumigay.
I sighed.
Hindi ko alam pero parang nadaya ako dahil mayroong sa tingin niya na kakaiba. It's making me uncomfortable. Hindi ko na siya tinignan pagkatapos kong bumitaw pero siya naman ang pumalit sa paninitig sa akin. I didn't meet his stare anymore. I was a bit embarrassed and disappointed that I failed myself.
BINABASA MO ANG
The Lost Helianthus (COMPLETED)
RomanceDiagnosed at 16, Myra Solanna's Type 1 Diabetes limits her to enjoy life to the fullest. She thought life would be dull and boring... and will remain the same every day. Not until Alekya enters her life without knocking. With guards down, she alread...