"Gitchie gitchie goo too?" He said kinda unsure. Pabulong pa ang pagsambit niya sa mga salitang iyon.
Kumurap ako nang sumakit na ang mga mata ko sa panlalaki no'n. Sinubukan kong alamin kung pinaglalaruan ba ako ng pandinig ko sa pamamagitan ng pagpapakita sa kanya ng nagtatanong kong mata ngunit hindi niya naman pinansin iyon. How could he when he's avoiding to have eye contact with me when he said those words?
"What did you say?" I said in a squeaky voice. Hindi ko pa naikakalma ang malakas na tambol ng puso ko. The silence of the library didn't help and now, I can hear the beating of my heart clearly.
"Bow chika, bow wow," mahina niyang anas. He really did just turned his head at me just to answer that question. Pagkatapos no'n ay umiwas na siya ng tingin at nakita kong kumalat ang pula sa pisngi niya.
My eyebrows converged. I was confused with the foreign language he used. Gumaganti ba siya dahil sa ginawa ko sa kanya last week? "Hindi na kita maintindihan," I admitted to him. "Anong masamang hangin ang nalanghap mo at parang ibang tao ka ngayon? At anong sinasabi mo nanaman, ha?"
"It's still me. And what you heard... is what your baby said." Pahina na nang pahina ang boses niya ngunit mahuli pa rin iyon ng tainga ko.
Pinagtritripan niya ba ako?
I was about to scold him for speaking nonsensical things when something hit me.
With my eyes wide open, I looked at him again. Tangina. Iyong kanta, he already knows it!
Pinanlamigan ako habang prinoproseso ng utak ko ang mga sinabi niya kanina. Nahiya ako bigla. I never should have said that and kept it as a secret. Or just send him a message of codes that he cannot decipher.
Now I'm stuck in this awkward situation.
Magsisimula palang sana akong maghanap ng excuse para makaalis muna at makaiwas sa kaniya dahil sa pagkailang ko ngunit nawala iyon sa isip ko maski ang ilang na nararamdaman ko kanina nang sumulyap ako sa mukha niya.
I laughed loudly without thinking that we were still in the library.
What the hell?
His reddened face became redder when he heard me laugh.
Tanginang pagmumukha iyan. Sa sobrang pula, para na siyang hinog na kamatis na puwedeng i-escabeche.
Hindi ko siya nilalait, I'm just descibing what I'm seeing right now.
Hindi pa sana ako titigil sa katatawa kung hindi lang niya ako sinamaan ng tingin. I tried to stiffle my laugh. Nakakahiya naman kasi at baka umiyak pa ang lalaking ito.
"Okay na?"
"Teka lang," sabi ko bago nagpakawala ng panibagong batch ng tawa. I raised my thumb and grinned at him after pissing him off.
He scowled at me. "Did you know that I gathered the courage to tell you those even if it's out of my character and here you are making it a laughing matter?"
Tumaas ang isa kong kilay sa narinig. "It's not my fault that you are experiencing the face of embarrassment right now. Stop blaming me. Puwede mong sabihin sa akin ang gusto mong sabihin sa lengwaheng alam natin at kung saan ka komportable."
Natigilan siya sandali at umawang ang labi. Wala siyang kakilos-kilos pero sa huli, naisuklay niya na lang ang buhok niya dahil sa frustrasyon. "Point taken."
Tumango ako at kinuha ang isang libro na wala akong balak na basahin talaga. Even without looking, I am well aware of Alek staring at me.
Iniangat ko ang ulo ko para salubungin ang mga mata niya. Hindi ko na kayang tiisin pa ang paninitig niya. "What?"
BINABASA MO ANG
The Lost Helianthus (COMPLETED)
RomanceDiagnosed at 16, Myra Solanna's Type 1 Diabetes limits her to enjoy life to the fullest. She thought life would be dull and boring... and will remain the same every day. Not until Alekya enters her life without knocking. With guards down, she alread...