Chapter Two

39 5 0
                                    

"Tayo na. Ang kupad mo," Asher said to me. Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi ko alam kung nabagok ba ang ulo niya kaya hindi na talaga tuluyang nagfufunction ang utak niya.

He was the one I was waiting, not the other way around. Hindi ako gumalaw kaya hinawakan niya ang kamay ko. Nagpumiglas naman ako para bumitaw siya. I really hate touchy people.

Sumimangot siya sa ginawa ko. "Parang bata. Naghihintay si Xander," pagrarason niya kaya nauna na akong maglakad palabas. Theo was probably waiting for us at the bus station. Kailangan na naming magmadali dahil baka maya-maya, punuan na. Ayaw pa naman namin sa standing.

We rode a jeep to take us at the bus station. Kung maghihintay kasi kami ng sasakyan papuntang Malasiqui dito sa Calasiao, baka wala na kaming masakyan o masikip na kapag hinintuan kami.

Pumara kami nang marating na namin ang paradahan ng bus papuntang Bayambang. Ang route naman kasi ay Dagupan-Calasiao-Malasiqui-Bayambang kaya walang problema.

We already spotted Theo waiting for us. Agad kaming lumapit sa kanya. He's wearing the same uniform I once wore last year. Kung hindi siguro grabe ang epekto nang T1D sa mental health ko dati, schoolmates pa rin kami hanggang ngayon, though different strands. He's taking HUMSS like Asher and Ami.

"Tara na?" He gently said to us.

Tumango naman ako at sumakay na kami. Kaaalis lang ng naunang bus kaya hindi pa puno ang sasakyan namin ngayon.

Nauna akong pumasok kaya ako ang pumili ng uupuan namin. I chose to pick a three-seater para magkakatabi kami.

Lumingon ako sa dalawa. "Dito tayo," I said before I sat next to the window, my favorite seat.

Ngumisi si Asher sa akin. "Ayaw mo sa gitna?"

"Bakit mo naman nasabi na gusto kong maupo sa gitna?"

'"Di ba pag ikaw lang babae sa gitna sila pinapaupo? Iyon napapansin ko sa napapanood at nababasa ko."

Umawang ang labi ko. "Sa gitna ka."

"Naks, bakit? Ayaw mo talaga? Hindi pa kami nakakaupo. Puwede pang magbago ang isip mo. Dali na."

Mabuti na lang at wala pang gaanong tao na pumapasok. They will surely complain why the two was still standing.

Tumaas ang isa kong kilay. Do I look like someone who changes her mind easily? "Hindi. Sa gitna ka na. Ayaw ko pang mamatay," I explained, referring to the superstitions of the elderly.

Kumunot ang noo niya sa narinig galing sa  akin. "Gusto mo akong mamatay?"

"Hindi rin. Natatakot ka ba? Wag. Masamang damo ka naman."

Narinig kong natawa si Theo sa sinabi ko. Tinulak niya si Asher para makaupo. I heard him scowl but Theo doesn't seem to mind. "Dali na. Daming arte."

Sinamaan niya ako ng tingin pero inilipat ko na lang ang atensyon ko sa bintana. Yes, it was much more beautiful to look at than this man beside me.

Nang makarating kami sa bayan ng Malasiqui ay inihatid nila ako sa paradahan ng tricycle. Nakatira kami sa magkakaibang barangay pero magkakatabi rin naman ang paradahan.

Seryoso ang mukha ni Asher ngayon. Napikon ko yata siya. "Ingat ka."

Only Theo gave me a warm smile. "Mag-chat ka sa amin."

I nodded at the two. "Okay. Ingat din kayo."

When I arrived at home, I chatted Theo. Ayaw kong magmessage sa group chat namin dahil may mang-iinis na naman. I only message there once in a blue moon.

The Lost Helianthus (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon