Sa gilid ng mga mata ko ay tinitignan ko si Alek. Sa tingin ko ay nasa kaawa-awang sitwasyon ako ngayon dahil hanggang sulyap lang ang kaya kong gawin at hindi ko siya malapitan.
I want to talk to him, but I can't. I'm giving him a space to think why he had sent me that stupid message. Baka kasi sobrang gulo lang ng isip niya ngayon kaya nagawa niya iyon.
Or maybe he's just pulling a prank.
Or maybe... I'm too scared. I'm just turning myself into an optimistic one to pretend that we are still alright. Kakikilala lang namin last year, pero halos kilala ko na ang buong pagkatao niya. Alek is always serious and he never pulls any prank to anyone. Never. Kaya natatakot ako.
I have decided to give him two weeks. Baka kasi nabigla lang siya kaya nagawa niya iyon at baka bawiin niya pag hindi na clouded ang isip niya. Pero two weeks na... ni hindi man lang niya ako nilapitan at humingi ng paumanhin sa pag-aalala sa akin dahil sa ipinadala niyang mensahe. Hinihintay kong sabihin niya na may pinagdadaanan lang siya kaya ganoon. If he did, I'll gladly forgive him for that. As long as hindi kami maghihiwalay, ayos lang. If it's a prank, I'll gladly let his kapangahasan go.
But he never did...
And it's making me anxious.
Ibig sabihin ay seryoso talaga siya. Wala siyang balak bawiin ang sinabi niya kung nagbibiro lang ba siya o may prinoproblema siyang iba kaya nagawa niya iyon. Ibig sabihin ay wala na kami talaga.
Without any reason, sasabihin niya late at night na maghiwalay na kami. He didn't give me any reasons why. Tinadtad ko siya ng mga mensahe pero wala akong natanggap na kahit ano galing sa kanya. And he expect me to take this lightly?
Ilang katanungan ang tumatakbo sa isip ko simula nang naganap iyon. Hinahanap ko ang rason kung bakit umabot kami sa ganito. Kung taong bato ba ako pagdating sa kanya. Kung hindi ba ako naging affectionate sa kanya. Should I be showy before? O baka iniisip niyang nakipagrelasyon lang ako para sa mga libro niya? I'm not. Hindi ko nga iniisip iyon. Hindi ko nga hinahanap ang mga iyon dahil siya mismo iyong inaasam kong makasama.
All I want is for us to talk... or maybe beg him to come back to me and force him to tell me that it was all a mistake. The message, not our relationship.
Maybe when words start to spout out of his mouth, it can clear my clouded mind.
Nang tumingin ulit ako sa gawi niya ay hindi ko inaasahan na makita siyang tinitignan ako. I saw in his eyes the hesitation before he averted his gaze back to his desk.
Why is he hesitating? If he wanted to talk to me, he should do it right now. Hindi iyong hinihintay pa niyang masira ang utak naming dalawa sa pagpipigil sa sarili naming lapitan ang isa't isa. Hindi ba siya napapagod?
Malakas ang tiwala ko sa sarili ko na tutol rin siya sa desisyon niya kaya hindi ko alam ang dahilan kung bakit pinapahirapan niya kami. Hindi ko man makita ang laman ng utak niya, nababasa ko ang mata niya.
What's preventing you, Alek?
Umuwi ako ng araw na iyon na sobrang bigat ng kalooban. I swear, I've never been in depths of despair not until today. Hindi ko nakayanan ang level of stress na bigay ni Asher. Mas sobra pa ito sa exam days at kada hindi ko makontrol ang blood sugar ko.
🌻🌻🌻
I haven't gotten enough sleep yesternight. Not because of the everyday late night talks with Alek... well, it was still because of him but not like the usual routine we always do. Napuyat ako kaiisip kung anong magiging sunod na galaw ko ngayon. Ano na ang mangyayari sa aming dalawa?
BINABASA MO ANG
The Lost Helianthus (COMPLETED)
RomanceDiagnosed at 16, Myra Solanna's Type 1 Diabetes limits her to enjoy life to the fullest. She thought life would be dull and boring... and will remain the same every day. Not until Alekya enters her life without knocking. With guards down, she alread...