Chapter Thirty

12 3 0
                                    

If Father Time is real, I wanted to plead that he'll easen the traffic. Nakaka-badtrip talaga ang traffic sa Pilipinas, hindi nakikisama. Sadly, he was not real so I had to deal with it.

Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kung ang oras ba o ang kalagayan ni Reva ngayon. All in all, magkakonekta ang dalawa. My heart was filled with concern all for her. Sana ay ayos lang siya.

I fondled my fingers to divert my attention to my predicament and be able to think critically. Sa mga panahong ganito, hindi mo lailangang magpadala sa emosyon mo at basta na lang kumilos ng padalos-dalos. Hindi iyon makakatulong na mapaayos ang sitwasyon, baka mapalala mo lang.

I was starting to relax for a bit, but it was cut short when water started to pour down from the sky. I can easily let it go if it's only a drizzle but no! It's raining cats and dogs.

"Putangina..." I said between gritted teeth.

Akala ko ay sobrang hina lang nang pagkakasabi ko no'n ngunit hindi yata nakaligtas iyon sa panrinig ni Kuya driver. Nakita ko ang biglang paglingon sa akin ni Kuya at ang nagtatakang tingin na iginawad niya.

"May sinasabi ka, Ma'am?"

Mabilis akong umiling at pekeng ngumiti. "Wala po, Kuya."

Hindi naman na nagtanong pa si Kuya at nagpokus na lang sa daan kahit na hindi naman gumagalaw ang linya.

Pinilit ko ulit na pakalmahin muli ajg sarili ko dahil sa kamalasan ko ngayong araw. Bakit kung kailangan kong makauwi agad ay doon pa bubuhos ang ulan? For sure ay aabutin pa ako ng siyam-siyam bago maasikaso si Reva.

I tried to call her but she's not picking up, making frantic. Pilit kong pinapatay ang nararamdaman ko dahil hindi iyon makakatulong sa akin. I tend to block things off when I'm panicking. Hindi ko matutulungan si Reva sa problema niya pag nagkataon.

Her not contacting me throws me back to the fear and pain that have consumed me before. I don't want that to happen again. Ayokong masaktan ulit.

Ilang beses akong huminga nang malalim para maayos ang paghinga ko. All I can for the moment was to pray na mapabilis na ang pag-usad ng trapiko at ayos lang ang taong naghihintay sa akin.

Thankfully, I arrived safely but it's not that good when I arrived after an hour.

Umuulan pa rin at wala akong payong. Wala akong nagawa kung hindi takbuhin ang distansiya patungo sa amin. I don't care if ever I get sick after this. Mas may kailangan pa akong alalahanin bago ang sarili ko.

Agad akong pumasok sa loob ng bahay. My clothes were drenched in water but that's not my concern right now. Tumutulo na rin ang tubig sa tiles ngunit mas pinili kong asikasuhin ang taong kailangan kong tignan ngayon. Mamaya ko na lang ima-mop ito dahil wala namang papasok sa bahay.

I roamed my eyes around the house. Tinignan ko si Reva sa kuwarto niya ngunit hindi ko rin siya nakita doon. The shivers I felt from the cold doubled up when I couldn't feel her presence inside the house.

Agad bumilis ang tibok ng puso ko at bigla na lang namasa ang mata ko. No. I wiped the water from my eyes. Hindi iyon puwedeng mangyari.

God, please no.

Binilisan ko ang paghahanap kay Reva at kahit na sa mga kuwarto namin ay tinignan ko siya kahit na napakaimposibleng mangyari na pumunta siya sa kuwarto namin.

Kahit na nanlalamig na ako ay pinili ko pa ring lumabas sa bahay para libutin ang labas. I'll never run out of hope to find her.

Natigilan ako nang makita ko siyang nakatayo sa likod ng bahay. Her arms were spread wide like a bird. Like she's freed from a cage. Sa ginagawa niya, para siyang malaya.

The Lost Helianthus (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon