Chapter Twenty Two

32 4 0
                                    

Tulala lang ako habang nakaupo. Many people flocked here in Ami's residence. Ang daming nakikiramay... I bet they are not even close with my friend. Knowing Ami, she won't spend her life trying to get along with many people.  A few of them may give their deepest condolonces, but I know, some of them are just here to know what happened, why it happened, and what caused all of this. Bilang lang sa daliri ang sincere, karamihan ay nakikibalita lang.

Kanina pa ako nakaupo at hindi tumatayo. Naiisip ko palang na tumayo para lapitan si Ami, nanghihina na ang tuhod ko. Ayokong magtungo sa may kabaong at makita doon ang payapang mukha ni Ami, para makumpirma na wala na siya. Ayaw ko pang tanggapin. I can't accept the truth that she's no longer here with us...
She's already gone.

I may act tough, but honestly, I'm really the weakest one of us all. Parang hindi ko kayang makabangon dahil dito. Without her anymore, parang hindi na katulad ng ibang araw ang mga mangyayari sa susunod. I don't know how I can handle this grief I am feeling.

My lips trembled as I looked in front, where I could see the coffin surrounded by flowers. Natatakot ako dahil nag-iisa ako ngayon. I no longer have her. I feel so helpless that I couldn't help her get out of her misery. I couldn't help but blame myself. Siguro kung hindi ko hinayaan na masaktan ang sarili ko, hindi ko makakalimutan ang iba at mas mababantayan ko siya. It might even be better if I haven't met Alek and let him enter my life, I won't forget about my priorities and might save a life. I could have tell her how much I valued her before she left this world... I was hurt during the time that she was hurting as well. I couldn't save us both.

All I could do was ask for an apology to her.

Naramdaman ko ang presensya ng kung sinuman sa tabi ko. Hindi naman iyon mahirap dahil tumunog ang upuan nang iayos iyon ng tao para makaupo.

Wala akong nagawa kung hindi lumingon sa tao at nakita kong si Jade iyon. Mataman siyang nakatingin sa akin.

"Bakit? May problema ba?" Mahina kong tanong sa kanya.

Marahan naman siyang tumango. "Yeah."

"Ano iyon?" Naalala kong wala pa pala akong naitutulong kanina pa at nakatunganga lang sa kawalan. Baka makatulong ako kahit papaano.

"You need to go home."

Natigilan ako sa sinabi niya. Akala ko ay nagbibiro lang siya pero masyadong seryoso ajg pagmumukha niya.

"I don't want to..."

"But you needed to. Kanina ka pa nandito at hindi ka pa kumakain. You also need to go home dahil maghahapunan na. Wala dito ang meds mo. I don't want to suffer any lost again."

I stared long at her before I sighed. "Sige," I submitted. Hindi ko ito ginagawa dahil gusto ko, kung hindi dahil ayaw ko na silang pag-alalahanin pa. They are already exhausted for helping Ami's parents to accomodate these people.

Nakita ko ang maliit na ngiti na lumabas sa labi niya. Iyon yata ang unang ngiti na nakita ko sa araw na ito. "Sige. Sasamahan ka ni Xander."

Tumango na lang ako. Hindi ko rin yatang umuwi mag-isa lang dahil nanghihina pa rin ako sa sitwasyon na nakikita ko ngayon. Kung titignan mo rin si Jade at Theo ang pinaka-stable sa amin ngayon. Si Reva ay hindi rin matanggap ang nangyayari at pinapakalma ni Asher ngayon. Si Bri ay wala pa dito at hindi ko alam kung makakarating dahil busy sa pag-aaral niya sa Metro Manila. Hindi ko rin alam kung papayagan siya ng mga magulang niya na lumuwas. Malamang si Theo ang pinapasama niya sa akin dahil mananatili muna siya dito para tumulong.

Saglit akong nagpaalam muna sa mga magulang ni Ami bago ako umalis doon. Sa labas ng gate ay agad kong natanaw si Theo na naghihintay sa akin. Nang makita niya akong palabas ay agad siyang umayos ng tayo at naglakad papalapit sa akin.

The Lost Helianthus (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon