MCHH - Chapter 5 : Shocked

5.7K 115 3
                                    

[FIBLEY]

3 days ago.. 3 days ago..

3 DAYS AGO SIMULA NUNG UNA KO SYANG NAKAUSAP!

At.. 3 days din akong walang maayos na tulog! Potek. Sobrang naiinis ako, prang kung mababalik hindi ko nalang hahayaan na mag usap kami, edi sana nakakatulog at nakakakain ako ng maayos!

Sobrang nakakahiya yong araw na yon. Alam na alam ni Shed kung gano ko napahiya. Lalo na yun pinsan kong si Yohan. Sobrang tawa sila ng tawa sa nangyare. Argh!!! Sobrang naiinis ako! HUHU. Kawawa naman ako.

At ngayon, walang nag bago. Wala padin akong gana pumasok dahil, hiyang hiya ako sa katangahan ko.Hays. Lamunin mo na ko lupa, tsk.

Nakwento ko na din kay Yohan yung mga feels ko nun, at pinag tatanong ko sya kung may sinasabi si Kent sakanya. Pero sabi nya, wala naman daw kasi di naman yun big deal sakanya. </3 Di ako big deal sakanya.

 Yun yung masakit dun eh. Yung hindi ka big deal sa taong mahal mo. Hayst.

"Hoy, ano? Lutang palagi girl?" Natauhan ako nang  nag salita si Shed. Sobra kasi akong nadepress hays! Pero cheer up! Ngayon pa ba ko mawawalan ng pag asa?! I waited for almost 3 yrs tas ngayon nakausap ko na sya! ! Di ako dapat mafail ulit pag nag usap kami!

Tama, tama.

I learned my lesson. Woooh! "Grabe girl, sobrang malungkot ako kase feeling ko matuturn off si Kent , pero okay lang. Nangyari na" sabi ko, tapos nag pout nalang. Kainis kasi naman.

"Pssst, don't do it. You're being cute again." Nagulat ako ng humarap tong nasa katabi  ko. He's Carl, the papansin one.

Siya si Carl Dela Cruz, kinasasawaan ko ang pag mumukha nya dahil palagi ko nalang nakikita. Naloloka na nga ako kung bakit ba nya ko kinukilit eh.

 Naloloka na nga ako kung bakit ba nya ko kinukilit eh

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"K." Maikling sagot ko, tapos nakita ko siyang nag wink sakin. Eww, aish! Simula Grade 6 ako, sinasabi nya na palagi na type nya ko, pero sorry nalang may Kent na ko. Psh.. Kaya ayun, palaging dedma sya sakin.

"Okay class, open your books on page--- Yes Mr. Ramos?" Napaangat ulo ko. Ano nanamang ginagawa ng loko lokong to dito? Nag poker face ako sakanya at tinuro si Shed, at sarili ko. Kung sino ba kailangan nya.

"Sorry ma'am, may i excuse Fibley for a minute?" sabi ni Yohan na sobrang seryoso pa mukha. Problema nito? Pagkatapos, tumingin sakin si Ma'am, and i get it. Pumunta ako sa door at sinara yon. Tapos humarap sak--

O_O

S-si Gerald, at... Kent kasama nya.

Natulala ako kay Kent ng sobra, parang pag nakikita ko sya parang lalamunin ako  sa sobrang saya at kilig. Yung pakiramdam na parang kaming dalawa lang? At siya lang ang nakikita ko? Fudge!

"FIbs." Natauhan ako sa tawag sakin ng Yohan, epal naman to -_- Tinitignan ko si Kent eh!! As usual nasa bulsa lang kamay ni Kent palagi at sobrang cool nya!!! Kaya sya gusto ng mga babae. Hays.

"Ano yun?" pawalang nraramdaman muna ko. Di papahalatang kinikilig. Psh, kase naman yung mukha ni Yohan sobrang seryoso. Nakakaewan ang feelings ko ngayon.

"Basta wag ka magugulat ah? Wag kang magugulat sa sasabihin ko okay?" Sabi ni Yohan at kinakabahan sya. tapos ako, weird lang ang tingin ko sakanya kase nag mumukha syang baliw. Kaya nag poker face nalang ako

"Ano ba yun antagal kase ayaw pa dir--" Natigil ako sa sinabi ni Yohan.

"Naaksidente Papa mo Fib.. Pumunta mama mo kanina pero di ka makita, kaya pinasabi nalang sakin.." Sabi ni Yohan.

Hindi ako agad nakasagot, parang hindi maprocess sa utak ko yung narinig ko. Pero ako nakatingin lang sakanya. Nakapoker face padin.

"Di ka nagul--?" Tanong ni Yohan tapos takang taka sya.

"Pwede kana magulat." sabi naman ni Kent.. Hindi ako nakareact agad pero bigla akong napahawak sa dibdib ko nang sumikip ito.

Dun na ko huminga ng malalim sabay.. "ANO?!" Halos mapasigaw ako sa kaba at sa takot na naramdaman ko.

"Fibs! M-masakit ba?" tapos nag aalala si Yohan nung nilapitan ako. Halata sakanya na nag aalala sya. Alam nya kasi na mahina puso ko, lahi na ng pamilya.

Halata din sa mga kaibigan nya na nag aalala sila.

"Bakit ba ang tagal nya--" Napahinto ang teacher sa nakita nya. Hawak kasi ako ni Yohan at nag papawis ako. Tapos nakahawak sa dibdib ko.. "A-anong nangyari?" Narinig kong sabi ng teacher namin.

"O-okay lang ako. K-kamusta na si p-papa?"Tanong ko kay Yohan, tapos agad naman syang sumagot. " Di ko alam Fibs, nasa ospital padin." Tapos ay napaupo ako. Shit, wag naman.

Then it came black.


My Cold Hearted HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon