[SHEDRY]
1 week nalang, graduation na nila Yohan. Ang bilis naman ng panahon, iiwan nya na agad ako T^T
Bat ba kasi 2nd yr palang ako? Sya pupunta na sa University, sa mantalang ako maiiwan sa school na to. Naloloka na ako eh.
Maayos naman kami ni Yohan, ang kaso naging cold na sya sa iba. Sakin naman, okay parin sya pero nagiging moody sya samin. Minsan nga hindi ko sya nakikita, dahil yun sa gang nya. Inintindi ko nalang, girlfriend nya lang naman ako at hindi nya ko nanay para pahintuin sya sa gusto nya.
Natatakot rin akong masakal sya dahil baka iwan nya ko. Mahal na mahal ko pa naman sya.
Pero naging cold na sya at hindi na yung makwelang Yohan na nakilala ko.
"Shed. I don't want you to tell anything to her about me, okay? This is the last time na pag uusapan natin sya" narinig kong sabi nya. Busy ako sa pag ce-cellphone nang magsalita sya. Tapos na pala sya.
Nagpapicture kasi sya para sa graduation nila sa Friday.
"Paulit ulit mo namang sinasabi yan Baby. Ikaw ang laging nag o-open ng topic." sabi ko sakanya at nagpatuloy sa pag ce-cellphone.
"Well, this is the last time. And i'm serious about it." sagot nya. Seryoso na ang boses nya kaya tumango nalang ako.
Ganto naman sya eh, kunwari pa syang hindi nag ca-care kay Fibley pero halata namang nag aalala sya at minsan tinatanong nya kung kamusta na si Fibley kapag nasa mood sya na masaya. Pero mukhang iba na ngayon eh.
Seryosong galit si Yohan.
[FIBLEY]
Apat na araw.. Apat na araw na ang nakalipas at graduation na.. Graduation na nila bukas.
Last day na ng school ngayon at lahat ay nag eenjoy, well except mo na sa 4th year students dahil mag hihiwalay na sila.
Sa mga nakaraang araw at buwan, hindi tumitingin sakin si Yohan. Hindi ko nakikita eh, kapag ako naman ang mapapatingin, nakakatakot sya kaya hindi na rin ako tumitingin. Wala na yung makwelang Yohan na nakilala ko eh.
Yung palagi akong aasarin, wala na.
Si Kent? Ayon, sobrang suplado na. Kung cold sya dati, lalo na ngayon. Minsan makikita mo syang may pasa sa mukha pero ang gwapo parin nya-- Teka, pinupuri ko ba sya ngayon? Tss. Ayoko na sakanya no.
Ganon din sila Yohan, Gerald at si Zach. Pati yung iba nilang mga member sa section twelve. Makikita mo may mga pasa o injury.
Gusto nila yan eh, tss.
Break time na. hay, makakasalubong ko nanaman sila. Pero iba ngayon eh..
Eto na yung huling makakasalubong ko sila.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanfictionCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.