[NARRATOR'S POV]
Nakatulog na si Fibley sa pagod sa friendly date nila ni Kent. Ang layo rin kasi ng tinakbo nya, dahil hindi nya mahabol si Kent.
Habang patulog si Fibley ay palihim na tinignan sya ni Kent.
"I'm sorry" bulong nito.
Niyaya nya si Fibley na makipag date sakanya, oo date. Hindi naman talaga nya tinuring na friendly date yon, dahil date naman talaga ang inisip nya sa nangyari.
Sinabi nya lang na friendly date kay Fibley dahil ayaw nyang mag isip ito ng kung ano.
Niyaya nya si Fibley na makipag date sakanya dahil alam nyang yun na ang huling beses na magiging close sakanya si Fibley.
Kanina pa nya iniiwasan ang tanong ni Fibley, kahit isa ay wala syang gustong sagutin. Si Yohan na ang bahala na mag explain, sa simula hanggang dulo.
Kahit naman ay malaman na ito na Fibley at magalit pa sakanilang magkakaibigan ay wala rin syang magagawa kundi layuan si Fibley. Nararamdaman nya na gusto nya ang babae pero tinatanggi nya yon dahil ayaw nyang mag kagusto rito.
Iiwasan nya si Fibley dahil ayaw nyang makakita ng baho ang matinding kalaban nila na Phixo sakanya. Kalaban nilang gang yon na pinamumunuan ni Tyler, ang boyfriend ni Bianca.
Ayaw nyang madamay si Fibley sa kung ano man na kapahamakan. Alam nyang pagkatapos ng date nilang yon, ay lalayuan nya na ito.
Nakarating na sila sa tapat ng bahay ni Fibley pero hindi nya pa ito ginigising, nakatitig lang sya sa babae at ngumiti.
"You really make me smile Vie, you're doing nothing but look at me.. I'm smiling like an idiot here." Sabi ni Kent at napailing habang nakangiti.
Napasandal sya sa upuan nya, nagdadalawang isip pa sya kung lalayuan nya. Parang napakabigat sa dibdib ng gagawin nya, pero wala syang choice. Napasigh sya at niyugyog ang balikat ni Fibley.
"Vie.. Hey, Vivienne." sabi nya rito at inalog alog ang balikat nito. Napakusot mata naman si Fibley at nagising na.
"Ay, nandito na pala tayo. Pasensya na sa abala.." sabi nya at inayos ang sarili. Nakatingin lang si Kent sakanya dahil alam nyang yon na ang huling tingin nya sa babae ng malapitan.
"Sige Kent, salamat." sabi nya at ngumiti sya. Hindi alam ni Kent kung gano kasaya ang nararamdaman ni Fibley na kasama sya nito.
"Vie." Bulong ni Kent pero narinig to ni Fibley.
"Ha? Bakit?" sabi ni Fibley at nakatingin lang sa mata ni Kent. Hindi nya kayang makipagititigan sa lalaking kaharap nya ngayon, yung lalaking minahal nya ng sobra for years.. Pero sa pag kakataong ito, parang may tumutulak sakanyang wag alisin ang titig sa lalaki.
"Do you know why i always call you.. Vie? They call you Fibley, Fibs, Vivienne or whatever.. But i still want you to call Vie." sabi ni Kent sakanya at napakunot si Fibley, totoo naman kasi ang sinabi ni Kent.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanfictionCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.