MCHH - Chapter 54

3.6K 71 3
                                    

[BEA]

Nanditi kami sa isang sikat na pasyalan dito, una pa lang pag dating nila Fibley nakita na namin ni Kazer. Nagtaka pa nga kami kung bakit hindi sila nagstay sa park na to, i mean naglakad pa sila. Hindi na namin sinundan dahil nagmomoment pa kami ni Kazer, ahihihi.

Maya maya, pumasok sa isip ko kung bakit ba lumayo sila Fibs dito sa park. Baka may gagawin sila?! Ayy-- hindi hindi. Erase.

"You're spacing out, bi." Napalingon ako sa sinabi ni Kazer. Ah, hindi ko tuloy napansin na katabi ko nga pala siya. Kasi naman, curiousity aish!

"Eh, kasi diba nakita natin sila Fibs knina? Just thinking what they're doing." Napasigh ako. Bwisit kasing curiousity eh.

"Ah, ako rin naman eh. Gusto mo sundan natin sila?" Napalingon agad ako kay Kazer. Game ako diyan! Tutal kanina pa naman kami nag de-date.

"Tara! Gusto ko yaaan!" Napangiti nalang siya sakin at ginulo ang buhok ko.

"Ang cute mo, bi. Nakakainlove lalo eh." Nakita ko pang napahawak siya sa dibdib at nakangiti.

Napaiwas ako ng tingin kasi ayokong makita nyang kinikilig ako sa sinabi nya.

Naglakad na kami ng hawak nya ang kamay ko. Mga ilang minuto rin kaming naglalakad pero walang Fibley at Kent kaming nakita, tsk.

"Baka umuwi na sila bi." Malungkot kong sabi.

"Woah, giving up already? Haha, so ano yung nakikita kong yun?" Tinuro ni Kazer ang isang tree house at literal akong napa-nganga. Wow, they're kissing! It means, sila na?! Oh my! Ang saya ko for Fibley, knowing that she really loves Kent since elementary days nya.

"Wow. I'm happy for them." Nakangiting sabi ni Kazer. Hinawakan ko ang kamay nya at ngumiti.

"Ako rin, bi." Sagot ko.

Umalis kaming nakangiti. Syempre, kailangan nila ng moment haha!

Umupo kami dito sa bench malapit sa tree house.

"Kaninong tree house kaya yan? Tatlong beses na tayo nag date dito pero hindi ko nakikita yang tree house na yan, bi." Sabi ko kay Kazer. Natapos nga ang curiousity ko sa dalawang yon, napunta naman sa tree house na yun.

"Hindi ko alam bi, pero magandang spot yun. Mataas kasi yung puno, gusto mo ba dun minsan?" Nakangiti nyang sabi. Hay, pakiramdam ko natutunaw ako tuwing ngigitian nya ako eh.

"Sige, let's try next time."

-----

Maya maya, napansin namin na kaunti nalang yung tao dito sa park. Pano ba naman kasi, anong oras na. Binalak kasi namin na hintayin sila Fibs pero ang tagal nila eh.

"Gusto mo na bang umuwi, bi?" Napalingon ako kay Kazer, but wrong move.. Sobrang lapit ng mukha nya.

Hindi ako agad nakapagsalita. Osige, ikaw ba naman pag lingon mo sobrang lapit ng mukha ng boyfriend mo dba? Pero kahit naman nagkiss na kami ilang beses this feeling will be the same, ganun kasi kapag mahal mo. Hinding hindi ka mag sasawa, hinding hindi magbabago ang feelings na yan kung mahal mo talaga ang isang tao.

Napatigil ako ng bumaba ang tingin nya sa labi ko, i gulped. Smirk formed on his lips and gave me a smack.

"You're blushing, baby. Haha!" Ayan nanaman siya, aasarin kasi kinikilig ako. Bakit ba napakahilig nyang asarin at pag tawanan ako pag kinikilig sakanya?

"H-hindi kaya! Bwiset!" Umiwas ako ng tingin.

Hinawakan nya ko sa bewang at napalingon ako sakanya. When i saw  sincerity in his eyes,it made me stop for a while. Mahal na mahal ko talaga tong lalaking nasa harap ko eh. Since then kasi, mahal ko na siya. Actually mag kaklase kami. Simula pa nung elementary, like what i've said, mag kakaibigan na kami nila Diane noon pa, kaklase namin si Kazer at inlove na inlove ako sakanya noon.

Even though hindi nya alam, mahal ko parin siya. Habang tumagal, nung 3rd year high school kami, nalaman nyang mahal ko siya noon pa. Hindi ko inexpect na magkakagusto rin siya sakin. Hindi ko inexpect na mamahalin nya rin ako. And here we are, we bacame couple.

"Lika na, bi. Baka hindi na uuwi sila Fibley, hahaha!" Natawa naman ako sa sinabi nya, oh well baka nga sinusolo na ni Fibley tong si Kent.

Habang naglalakad kami pabalik ng kotse ni Kazer, i akbayan nya ako at hinalikan ako sa noo. To be honest, clingy kami sa isa't isa. Kahit nga nasa school kami, clingy na kung clingy. Wala naman kaming pake sa kahit anong sabihin nila. Haha, eh bakit ba? Masaya kami dito eh. Bahala sila sa buhay nila, bahala kami sa buhay namin. Right?

Hinawakan ko siya sa kamay pagpasok namin ng kotse, hatid sundo naman ako palagi ni Kazer eh.

Nang makarating sa bahay, tulog na sila mama kaya hindi ko na siya pinapasok.

"Bye na bi, goodnight." Sabi ko kay Kazer na ngayon ay nasa loob parin ng kotse. Nakababa ang bintana nya.

"Bye din, bi. Wag na magpupuyat ha? Matulog kna agad. May pasok pa bukas, by 6 tomorrow i'll pick you up. Okay? Don't be late." Sinamaan nya ko ng tigin pero ngumiti din.

"Wow ha, hindi kaya ako ang nale-late. Ikaw!"

"Hahaha, okay right. Pero ayokong pinaghihintay yung prinsesa ko eh, so i can't be late, got it?"

Tumango nalang ako kasi kinikilig talaga ako, sa totoo lang gusto ko na mag super jump kasi kilig na kilig na ko!!!

"Sige na, baka sumabog ka sa pula ng pisngi mo bi eh, goodnight na bi. Sweet dreams of me." Nakangiti nyang sabi.

"Ah, wait. One more thing, lika." Pinalapit nya ko sakanya, kahit tinatamad na ko sumilip ako sa bintana nya, pero nagulat ako ng binigyan nya ko ng smack.

"Ayan, para maganda ang tulog mo. Goodnight, bi." Pinaharurot nya agad yung kotse nya. Napahawak ako sa labi, aish! Lagi nya nalang ako pinapakilig eh.

Hay, ang saraaap mainlove.

----------------
Bea and Kazer's story, it's true story. :)

My Cold Hearted HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon