[ZIA WILLIAM]
It's been 4 years ng mamatay si ate Nicole, kuya Zach's girlfriend. Simula ng magkasakit palang si ate Nicole 7 years ago, nasa tabi na nya si kuya Zach. Magkababata silang dalawa,lagi silang magkasama. Back before then, si kuya Zach spoiled na talaga. Pero ate Nicole is there to teach him if he's wrong, sakanya lang naman kasi nakikinig si Kuya.
Simula ng mawala si ate Nicole naging patapon yung buhay ni Kuya, actually hindi lang patapon eh. Patapon na patapon! I don't know what to do na nga eh!
To be honest, to see my brother's life is like that it really hurts. Syempre naman naaawa ako sa kuya ko no! Matagal din syang naka-move on sa pagkawala ni ate Nicole, pero hindi pa dun nag end lahat eh.
Laging galit sya sa mga katulong namin, minsan pati kila mommy pa nga eh. Minsan din sakin, kahit na nasasaktan nya rin kami ni Kuya Zeke sa mga sinasabi nya, kuya Zeke always there to comfort me. Sabi nya intindihin ko nalang daw si kuya Zach, mahirap daw mawalan eh.
Well, i imagined someone important will be gone, at naiisip ko palang masakit na. How much more kung nangyari na sayo dba? So that, pinilit ko nalang intindihin kuya ko.
Paulit ulit nalang na ganon, yung uuwi si kuya na may pasa sa mukha o minsan pa lasing sya.
Pero nagulat kami nung unti unting nag babago si kuya, bumabalik sya sa dati. Hanggang sa nag dala na sya ng babae daw sa bahay. Busy ako sa school ko eh, and ganun rin si kuya Zeke kaya wala kami nun lagi sa bahay.
Mom told us about that, every detail kwinento nya samin. I really hoped na si ate Fibley na ang tuluyan na mapagpabalik nung dati kong kuya.
And hindi ako nabigo, kasi kung ano si kuya dati.. Ganun na rin sya ngayon.
Thanks to ate Fibley.
[FIBLEY]
Nakakahiya nang maupo ako sa tabi ni Zach kasama ang family nya sa pagkain. Pakiramdam ko hindi ako mapakali eh! Lahat sila nakangiti sakin at napakasaya nila.
Kumain kami ng masaya, maraming kwentuhan, tanungan at kung ano. Mababait naman talaga sila, pero sa unang tingin akala mo napakasuplado o suplada nila. Aakalain mo na mga matataas na tao na hindi nag papaabot.
Pero sa totoo lang mababait sila at simple lang kahit mayayaman sila.
"Ate, swimming tayo later!" aya sakin ni Zia, tumango naman ako habang nakangiti kaya natuwa naman sya.
"Syempre kasama kami no! Hindi namin kayo pwede iwanan!" Zeke said, tumango naman si Zach.
"He's right. Hindi pa rin safe sa labas." sabi ni Zach at ngumiti sakin.
"Dito lang kami ng papa nyo, mag paparelax kami sa baba. May nag mamasahe dyan eh, masarap daw!" sabi naman ni Tita Zandra na excited pa.
"Uhm, napansin ko lang po tita, lahat po ng anak nyo Z ang first letter ng name no?" sbai ko sakanya at natawa ng kaunti.
"Yun kasi ang gusto nya, nakapangalan ang first letter ng name nya sa mga anak namin" sagot ni tito.
"Hahaha, honey naman. Nakakahiya!" nagtakip ng mukha si tita, hala ang cute! Hahaha.
"Nahiya ka pa mom, nabigay mo na names namin eh!" Sabi ni Zeke na ikinatawa namin.
Matapos kumain nag bihis na kami ng panligo at dumaretso sa beach, nag volleyball muna kami bago maligo.
Ang harot nga ni Zia eh, ang kulit nya at napakaenergetic! Nakakahawa tuloy!
"Booo!"
"Ahhhh! PAKSHET NAMAN ZACH!" Nagulat ako ng biglang hawakan ni Zach ang dalawang balikat ko habang nag bababad sa tubig. Nandito pa kasi ako, nauna na sila Zia sa swimming pool dahil gusto daw nila i-try.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanfictionCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.