[FIBLEY]
Mahaba ang byahe pauwing Manila. Pero hindi naman ako ganun na bored dahil sa iisang kotse kami sumakay ng family ni Zach.
"Goodbye ate, i'm gonna miss you" malungkot na sabi ni Zia.
"Wag kna malungkot Zia, magkikita naman din tayo." nakangiti kong sabi sakanya. Pati rin naman ako mamimiss ko yung kakulitan nya eh! Nakakahawa kaya yung energy nya.
"Visit sometimes if you have time." sabi ni Zeke at tinanguan ko sya.
"Oo naman!" sagot ko at tumawa.
"Salamat po pala sa pag hatid sakin." sabi ko kay tito. Sya kasi ang nag da-drive.
"You're always welcome." ngumiti sakin si tito at ganun rin ako.
"Sige na, gabi na at marami ka pang gagawin bukas right?" sabi ni tita sakin.
"Ay opo! Ang hirap kasi aayusin ko pa mga form ko. Sige po, salamat ulit. bye bye!" sabi ko sakanila at nag wave na.
"Wait for me okay?" bulong ni Zach, tumango naman ako sakanya at ngumiti.
Kasama ko kasi sya bukas sa pagpasa ng form sa East High.
Pumasok na ko sa loob at tulog na sila. Gabi na kasi, hay. Nakakapagod ang byaheee!
Dumaretso na ko sa kwarto ko at nakatulog agad sa pagod.
***
Kinaumagahan nag handa si Mommy ng masasarap na agahan kaya sobrang ginanahan talaga ko kumain.
"Si Zach nga pala dumating kanina pero umalis ulit eh." sabi ni Mommy, nagtaka naman ako. Bat kaya?
Tinignan ko yung cellphone ko at nag text sya
From: Higanteng Zach
Be right back, wait for me.
***
1 PM na pero wala parin si Zach, hapon na pero wala pa sya. Nabadtrip na ko kakahintay, kanina pa kasi ako naligo at nakahanda na gamit ko.
"Ma, magda-drive nalang po ako papunta sa East High." sabi ko kay Mommy habang kinukuha yung bag ko at yung envelop ko.
Gagamitin ko yung isnag kotse ni Kuya Fobby, mabait naman yun eh.
"Okay, be careful while driving okay?" Kiniss ko si Mommy sa pisngi at tumango nalang.
Bahala si Zach, puputi na mata ko kakahintay pero wala pa sya. Baka magsara na yung East High at wala pa papeles ko don.
Nag drive na ko papunta sa school, kinakabahan pa ko dahil second time ko tong mag drive mag isa. Nag aaral palang ksi ako, isa pa wala akong lisensya kaya mahirap mahuli. Ang akala kasi nila Mommy kumuha ako ng student license. Pero ang totoo nahirapan ako kumuha kaya hindi ko na tinuloy.
"Aish, traffic pa." bulong ko. Dumagdag pa sa inis ko eh! Hay nako.
Napatingin nalang ako sa bintana, napansin ko ang isang magandang black sports car na nasa tabi ng kotse ko. Heavily tinted ang kotse nya, ang ganda ng kotse. Hay sana bigyan ako ni Daddy sa debut ko.
Hindi tumagal ang traffic kaya nakarating na rin ako ng East High. Literal na napanga nga ako, nasa harapan ko na ngayon ang pinangarap kong school.
Sa wakas, makakapag aral na rin ako dito! Matagal ko na inimagine na makakapunta ako dito. Sobrang thankful ako kay Daddy dahil pinagbigyan nya ko na dito mag aral!
Dumaretso na ko sa office nila, medyo nakakalito buti nalang meron akong guide.
***
After kong ipasa ang forms ko dumaretso na ko sa kotse ko at pag karating ko nag ring ang phone ko.
Calling: Higanteng Zach
Sinagot ko ang tawag pero hindi pa ko nakakapagsalita, sumigaw na sya.
"Where the fuck are you?! I texted you to wait me right?!" Nilayo ko ang tenga ko sa cellphone ko, ang sakit sa tenga.
"Wag ka ngang sumigaw Zach. Ano bang gusto mo? Maghintay ako hanggang sa maging puti ang uwak? What the heck, Zach. ANong oras na sa tingin mo maghihintay pa ko?" Iritang sabi ko sakanya.
"Alright, i'm sorry for making you wait okay? Now, tell me where are you?" napairap nalang ako.
"Kakapasa ko lang ng form. Pauwi na ko" Binaba ko na yung tawag. Hay nako, nakakaloka na kasi tong si Zach eh.
Papasok na sana ko sa kotse ko pero may babaeng matanda na kumausap sakin.
"Lilipat ka ba rito iha?" Sabi nya sakin. Mukha syang isang nagtatrabaho dito.
"Opo la, bakit po?" magalang na sabi ko sakanya at ngumiti.
"Wala lang iha, sana mag enjoy ka sa pag istay mo dito sa school na ito, pero nakakalungkot dahil hindi mo na naabutan nung payapa pa ang eskwelahan na ito." napakunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Hindi ko po maintindihan la, bakit po?" tanong ko sakanya. Na-cucurious ako.
"Marami na kasing gulo ang nangyayari sa school na to, hindi katulad dati na ang mga estudyante dito ay magagalang." Ah, so estudyante pala ang problema sa school na to? Sayang maganda pa naman yung school na pinag aaralan nila tas ganon lang yung ugali nila.
"Wag ka mag alala la, hindi ho ako ganon." ngumiti ako sakanya at ganun rin sya. "Mauna na po ako." ngumiti ako ulit at pumasok na sa kotse at nag drive.
Naisip ko ano kayang mangyayari once na naging kolehiyo na ko? Siguro sobrang laki ng pag babago. Hay, sana naman hindi ako masyadong mahirapan.
Pero kahit mahirap, titiisin ko nalang. Pangarap ko talagang makagraduate sa East High at makapagtapos, syempre.
Pero bakit kakaiba ang feeling ko? Hay, sguro i'm just over thinking. Pero kahit anong mangyari once na pumasok ako sa East High University..
Well, i'm ready.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanficCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.