MCHH - Chapter 47 : First Kiss

3.7K 75 1
                                    


[FIBLEY]

Nang makita kong natumba si Kent, kahit una hindi ako makagalaw, pinilit kong tumakbo papunta kanya. Naramdaman kong nakasunod sakin si Charles.

"KENT!" Sabay sabay naming sigaw ng makitang tuluyan ng napahiga si Kent.

"Kent! Kent!" Hinawakan ko siya sa balikat at niyugyog.

"Wha--what the-- Shit. Umalis ka dito, f-fuck." Halatang namimilipit siya sa sakin ng tama ng baril sa may tiyan nya. Shit, Kent ano bang ginawa mo.

"Oh, sino to Kent? Girlfriend mo no? Hahaha! Sa wakas nakilala din kita." nagulat nalang ako ng biglang hilahin ng lalaking to ang buhok ko kaya napatayo ako. Aww! Shit, ang sakit ng paghila nya sa buhok ko. Ang sakit sa anit!

"Fuck! Get off her!" narinig kong sigaw ni Kent kahit na iniinda nya ang sakit.

"Fuck! Get off her!" narinig kong sigaw ni Kent kahit na iniinda nya ang sakit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Nagulat ako ng itapat ng lalaking to ang baril nya sa ulo ko..

Is this what trouble you are reffering to.. Charles?

Sana pala nakinig nalang ako sayo..

"Ano ba! Hindi ako girlfriend ni Kent." Gusto kong sabihin yan pero walang lumalabas sa bibig ko, kahit na nandito si Yohan, o kahit pa si Zach at buong Vindmiatrix, natatakot parin ako.

"Bitawan mo siya! Tangina Kristoffer!" Napalingon ako kay Charles, lumapit siya at hinila ako pero hawak parin nung lalaking yon ang buhok ko kaya lalo pa kong nasaktan. I got teary eyed, i'm so scared.

"At anong ginagawa mo dito lil bro? Haha, gusto mo bang sumali ulit?" sabi nung lalaking may hawak ng buhok ko.

L-lil bro?

"Yung business, hinawakan na ng tita ko. It's save because of her, wala naman akong problema kay Tita Karen. Pero sa kuya ko meron.."

Nagflashback sakin ang sinabi ni Charles kanina.

H-hindi kaya..

"Fuck off, wala akong kasing samang kapatid na katulad mo!"Hinila ako ni Charles at sinapak nya yung kuya nya.

Y-yun pala.. Ngayon naiintindihan ko na.

Agad kong nilapitan si Kent at inalalayan.

"K-Kent.." Tumulo ang luha ko nung sinabi ko ang pangalan nya.

"Kent!" sigaw nila Yohan at lumapit, si Gerald ay akay akay si Kent.

"Hindi pa tayo tapos, Vintrix. Pasalamat kayo hindi ko tinuluyan yang leader nyo." pagkatapos nung sinabi nung Kristoffer na yon ay umalis na sila ng gang nya.

Wala nang ibang pumapasok sa isip ko kundi si Kent.

Hindi ko alam kung bakit parang tanga ako kakaiyak nung nasa ambulansya ako, dahil ba sa kalagayan ni Kent?

My Cold Hearted HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon