MCHH - Chapter 41 : Cousin

3.5K 70 0
                                    


[NARRATOR]

Galit na galit si Kent ng makita ang huling ginawang pag buhos ni Tiffany kay Fibley ng putik.

"FUCK!" Sigaw nya.

Napakunot noo ang lahat ng myembro ng Vindemiatrix, lahat sila nakaramdam ng inis.

Tumakbo silang lahat papalapit kay Fibley. Tinulak nila ang mga babaeng nakaharang, kapag hindi karespe-respeto ang babae, hindi nila rerespetuhin.

"Are you alright?!" tanong ni Kent kay Fibley, hindi nya na inisip kung nahahalata na ba sya ng mga kasama nya. ANg mahalaga, kung okay lang si Fibley.

"Fuck! May masakit ba?! Fibley!" Nag aalalang tanong ni Zach. Napaatras naman si Kent sa ginawa ni Zach.

Yumuko lang si Fibley.

Napaclose fist silang lahat, pero sa ngayon.. Isang tao ang nag aapoy sa galit.

Si Yohan.

"WHY DID YOU DO THIS SHIT TIFFANY?!" Hinawakan ni Yohan ang magkabilang balikat ni Tiffany.

"Aww! Ang sakit Yohan, get off me!" pumipiglas si Tiffany pero hinigpitan pa nito ang pagkakahawak.

"FUCK YOU! STILL A BITCH HUH?! PAGBABAYARAN MO TO!" Tinulak ni Yohan si Tiffany, buti nalang nasa likod nya ang dalawang babaeng humawak sa braso ni Fibley kanina at nasalo sya kundi, matutumba sya sa lakas ng tulak sakanya ni Yohan.

"AND ALL OF YOU!" Sigaw ni Yohan sa mga babae at tinuro. "STOP MESSING UP WITH MY COUSIN OR I'LL KILL YOU!" Napakalakas ng sigaw ni Yohan, sobrang galit sya.

Nakatingin lang sakanya si Fibley, hindi makapaniwalang pinagtanggol sya ulit ng pinsan.

"DAMN IT! DAMN IT! PAGBABAYARAN NYO TONG LAHAT!" Sigaw ni Yohan at lumayo, may tinawagan sya sa cellphone.

"Dapat lang naman sakanya yan, she's a slut! Bat nyo ba sya kinakampihan--" Hindi na natapos ang sinasabi ni Tiffany ng sampalin sya ni Kent.

Napahawak nalang sya sa pisngi nya.

"Vie will never be a slut, like you." napatingin ang lahat kay Kent, even si Fibley na umiiyak na.

"What?! Pinagtatanggol mo din yan?" naluluhang sabi ni Tiffany.

"All of us, bitch." Inis na sabi ni James. "Lagot kayo ngayon sa president." bulong ni James at sinimulan ng tawagan ang Mommy nya.

"Tangina, pag to naulit pa. Kahit babae kayo, bubugbugin ko kayo." Halata ang galit sa sinabi ni Kris.

"Bakit nyo ba pinagtatanggol yang malanding yan?!" Sigaw ni Patricia. Isa sa nambato ng kamatis kay Fibley.

"She's not a flirt like you Patricia!" Sinampal ni Matthew si Patricia.

"Once na maulit pa to, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo." napahinto ang lahat ng babae sa sinabi ni Kent. Hinila nya na palayo si Fibley pero pinigilan sya ni Zach.

"Ako na, tol." sabi ni Zach habang hawak ang kabilang wrist ni Fibley.

Nakatingin lang si Kent kay Zach at ganun rin si Zach. Para bang napakainit ng tensyon sa kanilang dalawa. Naisip ni Kent na ipaubaya nalang, pero ayaw ng puso nya. Gusto nyang alagaan si FIbley.. Pero sabi ng isip nya, mahihirapan silang dalawa kapag sinunod nya ang puso nya.

Hindi parin sila gumagalaw, nagulat nalang sila ng hilahin ni Yohan si Fibley.

"Ako na mag aalaga kay Fibley." -Yohan.

[FIBLEY]

Kung naiiyak ako kanina sa pinag gagawa ng mga bruhang yon sakin, mas naiyak ako dahil hila na ako ni Yohan ngayon.

Huminto kami sa garden at nilabas nya ang panyo nya. Pinunasan nya ang mukha ko.. hindi ako makapaniwala.

Ayoko magdrama, pero nakakaiyak naman kasi talaga.

"I hate myself for letting you to be like this, fuck." Bulong nya..

Nag flashback lahat sakin nung mga panahong pinagtatanggol nya ko,sa kahit sinong umaaway sakin.

Nag flashback lahat nung mga panahong inaalagaan nya ako.

Nag flashback lahat nung mga panahong hindi nya ko pinapabayaan.

Yohan is a blessing in my life.

Habang tinitignan ko syang punasan ako, pinagmasdan ko ang magulo nyang buhok na bumagay sakanya, nakita ko rin ang silver nyang hikaw nya sa kaliwang tenga.. Pinagmasdan ko ang mukha nya, gumwapo sya lalo.

Nakita ko rin ang uniform nyang magulo, pati nga neck tie nya, hindi maayos.

"Y-Yohan.." Bulong ko.

"I missed you." Nagulat ako ng bigla nya kong yakapin. Napapikit nalang ako, grabe hindi ko mapigilan yung pag hikbi ko.

"Sorry.. Sorry sa lahat. Alam ko gago ako, sorry talaga Fibley. For leaving you behind. Fuck, hindi ko sinasadya. I know marerealize ko rin to pag dating ng panahon, at ngayon an yun Fibley. I'm so sorry for being a jerk. Naalala mo pa nung nag promise tayo na walang iwanan? Pero sinira ko yung tiwala mo, yung pangako ko. Wala akong kwentang pinsan, wala akong kwentang bestfriend sayo." Napasigh sya.

Eto parin ako hikbi ng hikbi.

"For more than ten years, we're together. Kabisado na natin ang isa't isa, hindi nga mabuo ang araw ko kapag hindi kita naaasar o nakakasama. I'm really sorry Fibley, alam ko namang naging ganon ka kasi nag aalala ka sakin, pero nagpadala ako sa galit. I'm a bastard." Humiwalay sya sa yakap.

Pati tuloy sya meron ng harina sa uniform!

"Stop crying will you? Hindi ko na hahayaan to. From now on, gagawin ko ang lahat para maprotektahan ka. And don't think it's because you saved my life.. It's because i love you. It's because you're my dearest cousin and bestfriend." Napangiti ako sa sinabi nya kahit umiiyak ako.

"Like what you did for me when you saved me, you did that because i'm your dearest cousin and bestfriend. Right?" tumango tango ako ng mabilis sa sinabi nya.

Finally, he got my point.

"Sorry and i love you Fibley." niyakap nya ko ulit.

"Wag ka mag alala, babawi ako sayo. Araw araw kitang bibilhan ng choco baby, it's our favorite right? Basta, babawi ako sayo. Kahit na araw araw ka pa magpalibre at ubusin mo pera ko. Sige lang" Ngumiti naman ako sa sinabi ni Yohan. Ghad, namiss ko sya.

"Namiss kita, Yohan." habang humihikbi, pinilit kong magsalita.

"I missed you more, Fibley. Halika na, mag shower ka sa shower room, ibibigay ko sayo yung P.E Uniform ko muna." Ngumiti sya at hinatid ako sa shower room. Ngayon pa lang ako nakapunta dito, malapit to sa gym and hindi pa kasi ako nakakapuntang gym.

Napangiti nalang ako kahit na alam kong may harina ako sa buong katawan.

My Cold Hearted HubbyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon