[FIBLEY]
Ang tagal na nakadampi ang labi nya sa pisngi ko. Grabe, hindi ako makagalaw. Parang nayelo ako sa kinauupuan ko, unang una hindi ko alam kung ano bang dahilan kung bakit nya ko hinalikan.
Pagkatapos non, tumayo na siya at lumabas ng VR. Bakit nya yon ginawa? i mean, diba hindi naman nya ako gusto? Siya na nga ang nag sabi na umaasa ako sa wala for more than how many years na nag papakatanga ako sa katulad nya, pero what's the meaning of that kiss?
Naramdaman ko ang cellphone ko kaya sinagot ko ang tawag.
"Fibs! Mala-late ka na! Asan ka na bang bruha ka?!" narinig kong sabi ni Rose. Oh no, time na pala!
"E-eto na!" Binaba ko yung tawag at tumakbo palabas ng VR. Bago pa ko makalabas ay nadaanan ko ang malaking table ni Kent. Hindi ko sinasadyang makita ang picture frame na nandon, pero..
Nakita ko ang picture ko.
San nya to nakuha?
[KENT]
Argh! Kung pwede ko lang sapakin yung sarili ko, ginawa ko na!
Bakit ba hindi ko mapigilan? Woooh, napahawak ako sa ulo ko. Nababaliw na ko, hindi ko na alam kung bakit ako nagkakaganito.
Gusto ko tong ginagawa ko, ang saya saya ko. Yung moment na ganun kalapit ako sakanya? Ang sarap sa pakiramdam. No back off this time, kung mapapahamak siya sa ginagawa ko hinding hindi mangyayari yun kasi po-protektahan ko siya.
Papunta na ko sa room ko ngayon ng mag ring ang cellphone ko. Unknown number pero sinagot ko nalang din.
"Hello?"
"K-Kent.. Si Bianca to." Napahinto ako sa pag lalakad. bakit naman tumawag sakin tong babaeng to?
"Bakit?" tanong ko.
"I--I just miss you." Napangisi ako sa sinabi nya, nababaliw na ata to.
"Well, ako hindi. Wag mo na kong tatawagan." Binaba ko ang tawag at pinatay ang cellphone ko. Istorbo.
Palagi syang tumatawag o nagtetext. Kaya lalong nagalit si Tyler sakin eh, hay lintek na buhay.
Kapag hindi pa ko napalapit kay Vie, masisiraan na ko ng bait. She's my happiness, siya lang.
[FIBLEY]
Pagkatapos ng klase, nakasalubong ko si Yohan na kasama ni Shedry. Agad ko siyang binatukan sa inis.
"Woah, sakit nun ah! Hahahaha! Sorry na Fibleeey!" niyakap nya ko at kumawala ako.
"Bwisit ka talaga Yohan!" sasapakin kona sana siya pero inabot nya sakin ang isang choco baby.
"Akala mo nakalimutan ko? Haha, oh ayan dalawa nalang para mapatawad mo ko sa ginawa ko kanina. Hahahaha!" inirapan ko nalang siya at tinanggap. Hindi tinatanggihan ang chocolate okay?!
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanfictionCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.