[KENT]
Sa totoo lang kanina pa ako naiinis, simula ng dumating si Zach sa table kung saan kakain si Vivienne, at first nagulat ako. Pero hindi ko yun pinahalata.
Pero habang tumatagal ay nag iinit na ang ulo ko kay Zach. Mag kakaibigan kaming tatlo nila Yohan at Gerald pero bukod dun may malaking grupo parin kami at kasama si Zach doon kaya close namin sya.
Alam ko ring nagiging protective lang si Yohan kay Vie, dahil nga alam namin na chickboy tong si Zach.
Inis na inis na ko habang patagal ng patagal at ng sabihin ni Zach na hindi nya sasaktan si Vivienne at natawa nalang ako sa isip ko. Imposible.
Hanggang sa..
"Kung magugustuhan ko sya, posible mo din naman akong magustuhan.. Diba Vie?"
"Diba Vie?"
...
"..Vie?"
Ako lang ang pwedeng tumawag sakanya nyan.
Ayoko ng may ibang tatawag sakanya ng ganon. Hindi ko na natiis at hinila ko na sya palayo.
To be honest matagal ko na syang gustong kausapin, hindi ko alam pero namimiss ko sya. Wala naman kasi sigurong masama kung aaminin ko sa sarili ko ang nararamdaman ko.
I don't know why, pero iniiwasan nya ko. For fucking 4 weeks. Nasanay akong nandyan sya at namumula kapag napapatingin ako sakanya dahil nahuhuli ko syang nakatitig sakin.
Nasanay na ako na nag sosorry ako palagi kasi may nasasabi akong masasakit sakanya at patatawarin naman nya ako.
"Kent?" I heard her. Pero nagpanggap nalang akong walang naririnig. I missed her calling my name. Damn it.
Ano ba tong nararamdaman ko?
Bakit simula ng lumayo sya sakin, hinahanap hanap ko naman sya?
"Kent! Mala-late ako sa math class ko, san mo ba ako dadalhin?" sabi nya sakin at huminto kami. Nandito palang kami sa gitna ng field, mainit pa.
"Kent, bat mo naman ako hinila?" sabi nya at hinawakan ang kamay nya.
"Did i hurt you?" I asked her, she looked hurt. Bigla naman syang umiling. Nakahinga naman ako ng maluwag.
"Kent, mauna na ko. Mala--" Hindi ko na sya pinatapos sa sasabihin nya dahil nyakap ko sya. Fuck, i miss this.
SImula ng una ko syang niyakap sa may puno nung umiiyak ako, gusto ko na syang yakapin araw araw.
Baka kasi namiss ko sya dahil mabuti syang kaibigan? Oo. Dahil mabuti syang kaibigan sakin.
[FIBLEY]
Pwede na bang tumili?
As in yung malakas talaga na maririnig hanggang mars kung may nakatira man don?!
Grabe!!! Yung niyakap ka nanamn ng crush mo? Teka, bat ba yakap ako nitong si Kent?
"Kent? May problema ba?" sabi ko at napasigh sya.
"Oo, namiss kasi kita." Parang binagsakan ako ng malamig na malamig na malamig na yelo sa narinig ko.
Ano daw? Namiss nya ko?
"Sorry for making things hard for you, Vie." sabi nya sa may tenga ko at humiwalay sakin.
"Namiss ko na yung kaibigan kong nandyan para sakin. Yung kahit ansasaktan ko at nagsosorry naman ako, patatawarin ako. Yung nag comfort sakin nung malungkot ako. Sobrang buti mong kaibigan Vie, i can't lose you. You know? Bihira lang ang kaibigang kagaya mo."
Lupa, kainin mo na ako please!
NAFRIENDZONED AKO!
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanfictionCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.