Iba mag mahal ang babae. Oo, sobra sila mag mahal. Oo.. Nag a-assume sila minsan na gusto din sila ng gusto nya.
Kaya nasasaktan ng sobra ang babae eh.
Umaasa.
Hi, ako si Fibley. And my story is just very complicated, yet it's fun.
Grade 5 ako ng makilala ko si Kent. Unang kita ko pa lang.. I want him already.
Kaya nag stalk ako sakanya. Pero hindi ako nagpapansin.
Never.
Ayoko kasi ng ganon baka kung ano pang sabihin sakin ng ibang tao.
Nung makilala ko si Kent. Sobrang suplado nya sa iba. Masyado syang masungit.. He's always wearing his darn poker face. Pero sobrang gwapo padin nya. Nasan ang hustisya?!
Bukod don alam ko din ang Talent nya. Syempre, haha. Stalker nga eh since grade 5 ako. At grade 6 sya non.
Marunong syang mag gitara. Ang astig nga nyang tumugtog eh. One time sinundan ko sya sa music room. Tapos tumugtog sya.
Tapos kumanta. Yes, he can also sing. Sino ba naman ang hindi maiinlove sakanya diba?
Sobrang cold ng boses nya. Yet, sobrang ganda pakinggan. Pati ang pag gigitara nya.. Mukhang bata pa lang sya, nagaaral na sya mag gitara.
Nong lumipat sya sa high school building, mas lalong nahirapan pagiging stalker ko. Pero hindi ako nag give up.
Mahal ko na kasi sya non.
Nag babasketball sya kasama ng mga kaklase nya minsan sa gym ng HS Building. Minsan naman nandun sya sa may studio. Sumasayaw. Yes, he can dance too.
Package na sya. Sobrang naiinlove tuloy ako lalo..
At dahil nga bestfriend ng pinsan ko, syempre mas lalo ko pang nakikilala si Kent. Kung anong gusto nya, kung anong ayaw nya.. Kung anong klaseng tao sya.
At dahil dun lalo pa akong nainlove. Why?
He loves pizza. Like me, inlove ako sa pizza. Favorite ko yun eh!
He loves listening to music. At halata naman dahil lagi syang naka-earphones.
Matalino din sya, sobra. Pero 2nd honor sya.. Si Dave kasi ang 1st honor nila.. And may mga karanasan daw na--ugh. I dont want to talk about it.
Pero kahit na top 2 sya, for me he's top 1. Sobrang talino nito. Pero hindi sya nerd. Sobrang gwapo nya at ang talented pa.
Pero cold sya. Ang sabi sakin ni Yohan, sa classroom naman daw hindi. Kaya hindi ko sya maintindihan. Bakit ganon sya sa ibang tao? Cold.
-- I want to find out.
"FIBLEY!!!!" Muntik na ko malaglag sa inuupuan ko ng sumigaw si Shedry. "Grabe ka naman gurl, parang may sunog eh!" Sabi ko sakanya pag angat ko ng tingin.
"Gurl, kase naman. Si Bianca! Yung Girlfriend ni Kent?! Nandito na! Dito na mag aaral! Shocks!" Namumulang sabi ni Shedry. Galit na galit kasi sya kay Bianca. Ewan ko ba dito, sya ang bitter imbis ako. Hahaha.
Oo na Shed, sya na ang girlfriend ni Kent.
"Oh? Eh ano naman?" Sabi ko sakanya at nakakunot na ang noo ko sa pagtataka.
"So okay lang sayo?!" Sigaw nya sakin. Ang sakit sa tenga ha. Hindi naman ako bingi
"Oo, what's wrong about it naman dba" sabi ko sakanya at kinuha na ang notebook ko. Nag basa nalang ako ng formulas. May quiz pa kami mamaya eh.
---------
Naka 90 ako sa Quiz kanina. At proud na proud na ko don. Hahaha! Choss.Break time na ngayon at nag inat ako, sobra akong nangawit kakareview kanina eh.
"Hay nako! From now on, mag babaon na ko! Ayoko pumunta sa baba pag break time!" Pagmamaktol ni Shed kay Yohan. Hahaha, si Yohan kasi pumupunta dito kapag break.
"You need to eat now, Baby." Sabi ni Yohan sakanya at hinila ang wrist. Hahaha, ang sweet ng Pinsan ko ah?
Nasa likod lang nila ako dahil busy pa sila sa PDA. Ako lonely lan-- "Hi." Biglang sulpot ni Dave sa tabi ko.
"What?" Tanong ko habang nakatingin sa daan. Hindi ko sya tinitignan.
"Wala, lonely ka kase eh." Sabi nya saken. Nairita naman ako don. Nagmumukha akong lonely sa iba?! Aish.
"Umalis kana bago pa kita sapakin." Agad naman syang nawala sa tabi ko. Good..
Burger at fries lang ang inorder ko. Si Yohan ang bumili at kami ni Shed ay nag hintay lang dito sa table.
Until..
"Ano ba Bae!" Sigaw ni... S-sya ba?
"Hay nako, eto na nga ba sinasabi ko" Nadinig kong sabi ni Shedry. Hinila nya kamay ko at pinaharap ang mukha sakin dahil magkatapat kami sa table.
"Don't look." Sabi nya. Halata naman ang pag aalala ng bestfriend ko sakin.
"I'm totally fine. Don't worry bessy." Sabi ko sakanya at ngumiti para naman matanggal ang pag aalala nya.
Pero hindi ko maiwasan na mapatingin at marinig ang usapan nila dahil nasa likod ko lang sila.
"Bae, ang hirap ng lesson kanina sa math." Sabi nito.. uhm ni Bianca.
"Don't worry. I'll help you baby." Narinig kong sabi ni Kent.
Ganon pala sya? Ganon pala sya ka sweet.
Sayang.. Iba ang nakakaranas non.
[BIANCA]
I'm Bianca Quintos. Senior. Kaklase nila Yohan.
Nandito lang naman ako sa school na to para matuloy ang plano namin ni Tyler, my boyfriend. Si Tyler ang boyfriend ko 2 years na.
Dito sya nag aaral, naiinis sya kay Kent dahil sobrang yabang daw at pabida.
Tinatangka pa nitong agawin ang pagiging top one nya sa klase noon, kaya naghamon sya ng suntukan sa sobrang inis nya kay Kent at sa kayabangan nito.
Pero ang nahuli ay ang pag susuntok suntok nya kay Kent dahil wala nang laban si Kent sakanya.
Nahuli sya ng teacher at bigla na lamang syang pinaalis sa school na to. Napaisip ako kung dinaya sya, top one naman sya pero bakit kaya pinaalis agad sya sa school?
May baho ang school na to pati ang Kent na to.
Ayokong makita yung boyfriend ko na nag hihirap ng sobra. Sobrang naiinis ako, kaya tinulungan ko sya sa plano nya.
And yes, i'm here for the revenge.
BINABASA MO ANG
My Cold Hearted Hubby
FanfictionCold, Gangster, Moody, and Bad boy.. Enough to describe My Cold Hearted Hubby.