Jadine 3

5.1K 173 12
                                    

Chapter 3: [ Mahal ]

-

Nadine's Pov

Here we go again, naaalala niyo pa ba ako guys? Siguro oo. Chos.

Ito na naman ako, tulala at parang wala sa sarili habang pinag ma-masdan si Ericka at James sa garden, ang saya ni James - sobra.

Nami-miss ko yung ngiti,tawa,yakap,lambing,pagka-seloso, at halik niya.

Gusto ko lahat ng yun, sakin niya lang ginagawa, siguro nga - hindi kami yung para sa isa't isa. Ito ba yung sinasabi nila na -

"Nadine!" Napatingin naman ako sa sumigaw ng pangalan ko. Si Julia.

"Bakit?" Tanong ko.

"Nakikinig ka ba? Wala na naman yang kaluluwa mo? Hay naku. Malala na yan, saka alam mo namang may sakit ka tapos tititigan mo pa talaga sila. Nadine - ayaw namin na laging kang umiiyak or nae-stress. Gusto mong atakihin ka diyan ng sakit mo?" Huminga na lang ako ng malalim.

Iniwas ko yung tingin ko nung tumingin siya sa akin, kailan nga ba yung panahon na makaka-sama ko ulit siya? Yung tipong mag mamahalan ulit kami.

Napangiti ako nung naalala ko yung sabi niya after malaman nung gender nung baby namin 5 years ago. Yung mag aanak pa ulit kami After 5 years.

Hindi na ata yun mangya-yare. Kasi kung sakaling mag babalikan kami ni James - kung sakaling maaalala niya ulit ako, yun yung panahon na - hindi na kami mag papakasal dahil ayoko ng maulit ang nakaraan. Hindi na talaga.

Naalala ko na naman yung mga katagang sinabi niya sakin na 'Hinding-hindi kita iiwan. Pangako.'

Asan na yung pangako mo James? Asan na? Napako lang?! Ayun yung mahirap sa amnesia, hindi mo maaalala lahat-lahat, mag hahantay pa ng tamang panahon para maalala yun. Ang sakit tanggapin. Sobrang sakit, </3

"Nadine.. Umiiyak ka na naman. Ano ba.. Paano ka ba namin mapipigilang umiyak? Sa bawat patak ng luha mo alam kong may sakit. Pero tandaan mo Nadine. Walang maitu-tulong ang pag iyak. May nabago ba nung umiyak ka? Naalala ka ba niya? Pinatahan ka ba niya? Nandito naman ako eh. Andito pa ako, na nag mamahal sayo. Pero bakit ni isa na mag papasaya sakin wala. Lalo lang akong nasasaktan tuwing umiiyak ka." Sabi ni Joseph.

Yinakap ko na lang siya.

"Bakit hindi na nga lang ikaw? Bakit hindi na lang ikaw? Bakit siya pa? Kahit kasi subukan kong mag mahal ng iba hindi ko magawa. Kasi alam ng puso ko kung kaninong hawak hawak nito." Sabi ko.

Yinakap niya lang ako ng mahigpit.

"Darating rin yung araw na mamahalin mo ako, at makakalimutan mo siya." Sabi nito.

-

Ericka's Pov

I saw her crying, mabuti lang yan sayo Nadine. Sinaktan mo ako ng todo, babalik rin sayo ang sakit na ibinigay mo. Kahit na nagka-anak man kayo - wala pa rin siyang kinikilalang asawa at anak sa buhay niya dahil AKO lang ang mamahalin niya.

"Hey babe." Napatingin naman ako sa kanya.

"Yes?" Tanong ko.

"Wanna some date later?" Tanong nito.

"Sure, why not?" Ngumiti naman siya at saka niya ako binigyan ng mabilis na halik. Ngumiti na lang ako.

Alam ko naman gusto ng halikan ni Nadine si James pero sorry hinding-hindi niya magagawa yun. Kasi ako lang ang mahal niya.

-

Balang araw mag sasawa ka rin Ericka. Punyeta ka! Nakiki-echos lang. Buwahaha!

-

Nadine's Pov

Uwian na namin ngayon at susunduin ko na yung kambal, pina-bili ko na si Joseph ng makakain namin, saka pina-diretso ko na siya sa bahay.

"Susunduin mo pa ba yung kambal mo?" Tanong nila.

"Oo. Mauna na ako ha." Sabi ko at nag paalam na sa kanila, at dumiretso sa paaralan ng mga kids.

Pagkarating ko naman duon nakita ko naman sila at saka ko na sila linapitan.

"Hello kids, how school?" Tanong ko at saka sila hinalikan sa pisnge.

"It's good mom." Sagot nila.

"Oh tara na kids." Sabi ko at saka sila hinawakan sa kamay nila at pumasok na sa kotse.

-

Kakarating lang namin sa house at agad na sinalubong ni Joseph yung mga kids saka nakipag kiss sa pisnge.

"Daddy Joseph - ano po yung binili niyo?" Tanong ni Prince.

"I buy your favorite food - Lasagna. And for you Nath - Spaghetti." Sabi ni Joseph.

"Yehey! Thank you dad!" Sabi nung dalawa, at pumasok na sa tatlo.

Parehas naman kaming natulala ni Joseph. Seryoso? Dad na lang ang itinawag nung dalawa, samantalang dati laging Daddy Joseph.

"Oh - baka tumulo laway mo diyan ha." Sabi ko naman at papasok na sana nang hinug niya ako patalikod, bumilis naman yung heart beat ko. Nagulat lang ako! Wag kayong mag alala!

"Ang saya lang sa feeling na tawagin kang dad noh? Siguro mas masaya lalo kung, puwedeng tawagin kitang - mahal?"

"Bakit? Magkano ba ako para tawagin mong mahal?" Bumitaw naman siya at humarap sa akin.

"Nadine naman eh - common sense." Natawa na lang ako.

"Ikaw bahala." Sabi ko at pumasok na at sumabay na sa pagkain nung mga bata, narinig ko naman na sumigaw ng 'yes' yung lalaking yun. Napa-ngiti na lang ako.

~

Nadine on the right side, yung picture nya nandyan lang yun. Haha.

She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon