Nadine's Pov
2 days ng wala si James dito sa bahay. Bihira na lang din siyang tumawag, at bukas na ang anniversary namin.
Hindi ko alam kung anong isu-surprise niya. At ewan ko kung ano, kasi nga surprise so hindi ko alam.
"Kanina ka pa tahimik diyan." Sabi ni Zeo.
Napahinga na lang ako ng malalim. "Miss mo na asawa mo?" Napatingin ako sa kanya.
"Bakit kasi hindi mo tinanon kung saan siya pupunta? At saka gawain ba ng asawa ang sagot na 'may aasikasuhin lang' kaya umalis for 3 days?" Napaisip ako.
May point naman siya dun, pero bakit kasi hindi ko naitanong? Ang tanga ko rin pala.
"Ewan ko Zeo. Hangga't kinakamusta niya kami, alam ko sa sarili ko na may inaasikaso talaga siya." Sabi ko at sumandal sa sofa.
"Ano inaasikaso niya?"
Natahimik ako. "Oh hindi mo alam kung ano? Hindi mo kasi tinanong."
Napairap ako. "Whatever Zeo." Sabi ko na lamang at tumayo, nang biglang may nag text sa akin.
'Bes, later sunduin kita dyan, mga 7pm. Mall tayo, please?'
Si Yassi lang pala. 'Got it.'
"Sino?"
"Si Yas, inaaya akong mag mall."
Tumango na lamang siya, pumunta ako sa kusina para uminom ng tubig.
Nuong tinanong ko si Zeo about kay Ericka kung may nasagap siyang balita, wala naman daw, pero malalaman at malalaman niya rin naman yun dahil magaling siya dun.
Eh kung pahanap ko si James?
Pag labas ko sa kusina, kita kong napapasigaw si Zeo sa kausap niyang telepono pero habang tumatagal kumalma naman siya.
Pagkatapos niyang kausapin, tinawag ko siya.
"Zeo."
"Oh?"
"Diba magaling ka naman sa hanapan?"
"Oh bakit?"
"Eh kung hanapin mo si James?" Umiwas naman siya ng tingin.
"May inaasikaso yun."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Kanina inis na inis ka about sa asikaso na pinag sasabi ni James tas sasabihin mong may inaasikaso siya, ang gulo mo!" Sigaw ko sa kanya.
"Eh totoo naman kasing may inaasikaso siya." Napairap na lang ako dahil ang gulo niyang kausap.
-
James' Pov
Tinawagan ko si Zeo.
"Hey."
(Nasan ka?)
"Somewhere, hows my property?"
(Tsk, nasa kusina umiinom ng tubig. Nasaan ka?)
"Here at Ericka's Guest room of her own hotel."
(WHAT THE FUCK?!)
"Huwag mong sabihin kay Nadine."
(AT BAKIT HINDI?!)
"Subukan mo, at hindi lang sapak maabot mo Zeo. May plano ako."
(Ano na naman yang lintek na plano mo? At tama nga akong iba ang inaasikaso mo? Babae pa.)
BINABASA MO ANG
She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)
FanfictionWhat if one day, you woke up. And you would know your past? The real you. The real Nadine Lustre.