JaDine 9

4.2K 171 10
                                    

Hindi sana ako mag a-update. Dapat bukas pa, pero natuwa ako sa isang Fan. Vote sya ng vote and comment din ng comment. So I dedicate this story to you.

Thank your dor voting and comment bhe.

@shanesilva2121

-

Chapter 9: [ Birthday party ]

-

Nadine's Pov

Uwian na namin ngayon, nauna na akong umuwi sa kanila. Kakarating ko lang sa bahay with kids. Pinaakyat ko na muna sila at dumiretso na ako sa kuwarto, nakita ko naman si Joseph.

"Joseph." Tawag ko.

"Bakit?" Tanong nya habang may ginagawa sa phone nya.

"Pwede bang mag usap muna tayo?" Tanong ko.

"Nag uusap na tayo diba?" Huminga na lang ako ng malalim.

"Sorry kung ginabi ako nung isang linggo, sorry kung nakaka-sama ko si James kasama ang mga bata, pero kung akala mo naman na nag balikan na kami ni James hindi pa. Ni-hindi nya pa nga ako naalala eh. Mag kaibigan lang naman kami. Wala naman kaming relasyon." Sabi ko naman.

Pero wala syang sagot.

"Hoy? Nakikinig ka ba?" Tanong ko.

"Ouu." Sabi nya.

"Sige nga ulitin mo sinabi ko." Sabi ko naman.

"Ah? Ano nga ulit yun?" Agad ko namang hinagis sa kanya yung unan.

"Uy - joke lang. Oo na! Oo na. Ok na!" Sabi nya at tumawa pa.

"Baliw ka. Siraulo talaga." Sabi ko naman.

Ngumiti na lang sya.

"Sorry rin kung may nasabi akong mali. Sorry kung hindi rin kita napapansin nung mga nakaraang araw." Sabi nya naman. Ngumiti na lamang ako.

"Payakap nga. Saglit lang." Sabi nya edi lumapit na ako at yinakap sya.

"Na-miss kita ah." Ngumiti na lang ako.

-

*Kinabukasan

Yesss! Umaga na. Birthday party na nga pala ni Erica ngayon. 10 am daw kasi ang simula, matatapos daw ng 3 pm.

Mabuti na lang at walang pasok ngayon dahil holiday. Agad naman akong tumayo at nakita kong naka-bihis na si Joseph.

"Oh saan lakad mo? Holiday kaya ngayon." Sabi ko naman.

"Depende kasi samin kung holiday, mapa-holiday kailangan pumasok. Kaya ok na rin." Tumango na lang ako.

"Oo nga pala. Mag a-attend ako ng party nila Erica mamaya. 3 pm ang tapos, hindi ko maisasama yung kids maybe ipapa-bantay ko na muna sila sa mga yaya's." Sabi ko naman.

"Ah ok. Sige mag iingat ka." Sabi nya at hinalikan ako sa noo, sanay naman na ako kaya di na ako naiilang.

"Ikaw rin. Sige bye." Sabi ko naman saka sya bumaba. Kakatapos nya lang ata kumain dahil dumiretso na sya.

Agad naman akong naligo, mag re-ready na kasi ako para sa mamaya. Hindi naman sa excited. Haha.

Namimili ako ng damit habang naka bathrobe pa ako, di ko alam kung anong isu-suot ko eh. Hmm.

"Bheee!"

"Ay bakla!"

Nagulat naman ako sa mga ito, nakita ko namang naka dress na agad sila. Kaso ang hahaba ah.

She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon