Chapter 30: The surprise tho
-
Nadine's Pov
"Malapit na, anniversary natin, one week na lang. May surprise ako sayo." Sabi ni James, kakauwi lang namin dito sa manila, dito na rin muna naki-stay yung mga kaibigan namin.
Hindi na ako umangal, saka mga puyat rin yun.
"Ano naman yang ka-echusan mo ha?" Sabi ko.
"Surprise nga diba? Stupid." Aba.
"Hoy, ano? Anong sabi mo?" Sabi ko sa kanya, tumawa na lang siya at saka ako hinalikan ng mabilis at saka siya maingat na tumayo dahil nasa gitna namin yung dalawa, si Dimitri at Trinity.
"James, mag timpla ka na ng gatas nitong dalawa."
"Why would I?"
"Cause your the father, baka gusto mong sipain kita diyan may pa-why would I, why would I ka pa." Ngumiti na lang siya at nag timpla na habang iniingatan ko naman 'tong dalawa kong anak.
Maya't maya nagising na rin si Dimé kaya siya ang una kong pina inom ng gatas, habang nag titimpla si James, agad akong tumayo. "Hubby, bantayan mo muna si Tiny, punta lang ako sa baba." Sabi ko at nakita kong tumayo na siya at tumabi kay Tiny.
Bumaba naman na ako, at yung iba nanunuod.
"Oh bakit di pa kayo nakain?" Tanong ko.
"Hinahantay namin kayo. At pabuhat na nga muna si Baby Dimitri." Sabi ni Shy at lumapit sakin saka kinuha.
"Kanina pa ba kayo gising?" Tanong ko.
"Hindi naman, mga 1 hour lang naman." Sabi nila.
"Ano? Talagang hinintay niyo kami ni James? Ay nako, sige na kumain na kayo." Sabi ko naman.
At nag si-puntahan na sila sa kusina, naiwan na muna kami ni Shy sa salas dahil hindi pa tapos pa dedeen si Dimitri.
"Anong feeling ng may asawa't anak?" Tanong ni Shy.
"Medyo masakit sa ulo, pero okay na rin naman kasi ang saya magkaroon ng masayang pamilya." Sagot ko.
"Kasi Nadz, huwag kang maingay ah." Sabi nya.
"Bakit ano yun?" Nae-excite kong sabi.
"Eh kasi, hindi ko pa 'to sinasabi kay labs, pati na rin kayla Yassi, sayo ko pa lang balak sabihin, tutal may asawa't anak ka naman na."
"Oh ano nga?" Sabi ko pa.
"I'm pregnant." Bulong niya.
Kaya hindi napigilang sumigaw, at tumalon pa. Kasi naman yang si Shy, hindi naman siya mahiyan. Eh walang hiya nga yan, charot lang. Si Shy. Masayahin yan, saka palabiro. Joker parang ganon, tas di ko alam buntis na pala ang gaga.
Mabuti na lang di ako napansin nung mga busy na kumakain sa loob, kasi medyo malayo naman kami dun.
"Ano ka ba, huwag ka ngang maingay. Kaya pala minsan di ka na masyadong nakiki halo biro, ilang weeks na?"
"Kakapa-check up ko lang kahapon, bago kasi ako mag pa-check up. Gumamit muna ako ng PT. Tapos nuong nakita kong positive napangiti ako, hanggang sa ayun nga nalaman ko na, 3 weeks na pala."
"Shocks! Bakit di mo sinasabi kay Aj?" Tanong ko.
"Ih, hindi pa naman kami kasal. Mag bf-gf lang kami, mamaya kapag nalaman nya layuan nya ako."
"Ganon? Hindi yan, akong bahala" Sabi ko naman. At tatayo na papuntang kusina ng nag salita ulit si Shy.
"Nadine, huwag. Aksidente lang kasi na may nangyare samin." Huminto naman ako at humarap sa kanya.
"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko.
"He's drunk that time. Nag lasing siya ng dahil may kasama akong lalaki, nag selos siya parang ganon. Tapos, nuong dinala ko naman siya sa hotel niya, may galit pa siya kasi nga may kasama akong iba. Pero kinabukasan naman nun, nagulat pa siya. Pero humingi rin naman sya ng sorry kasi nga ayun."
Naupo naman ako sa tabi nya nung biglang lumungkot yung face niya.
"Ano ka ba, maiintindihan din yan ni Aj. Siya pa. Bait kaya niya. At saka akin na nga yang si Dimitri, kumain ka na dun." Sabi ko naman.
"Thank you Nadz ha, kasi kung hindi dahil sayo hindi gumaan pakiramdam ko." Ngumiti naman ako.
"Basta kapag may problema ka, I'm here for you." Ngumiti siya at saka ko kinuha si Dimitri at pumunta na siyang kusina hanggang sa dumating si Donna at Van na tapos ng kumain.
"Basta talaga walang love life ang bilis kumain, shucks." Sabi ko.
"Excuse me teh, nao-OP lang kami dun, pero I'm sure naman na sakin mapupunta si Zeo." Sabi ni Donna.
"Ang kapal mo. Sakin sya may gusto." Sabi naman no Van.
"Maupo na lang kayo, oh ako naman ang kakain hawakan nyo na muna si Dimitri."
"Ay mabuti pa nga." Natawa na lang ako at saka ko muna sila ipinabantayan at nakita kong bumaba na si James kasama si Tiny, alam ko namang gutom na si James kaya pinabantay konna rin kay Van at Donna.
Kaya pumunta na kami ng kusina.
"Oh ang mag asawa." Sabi nila naman, kasunod naman nun si Xalve at Nathalie na kakababa pa lang din.
"Oh ang mga anak." Sabi pa nila, natawa na lamang kami.
Naupo naman na kami, may puwesto pa naman. Nang makaupo kami at kumakain habang nag kukuwentuhan.
Nagulat kami ng biglang tumayo si Kath at tumakbo papunta sa? Banyo. Basta nakita kong nakahawak siya sa bibig nya, para bang nasusuka.
Nagkatinginan kami ni Shy at napangiti. Mukhang nagka sabay ata ang dalawa. Makausap nga si Kath mamaya.
-
EDITED.
BINABASA MO ANG
She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)
FanfictionWhat if one day, you woke up. And you would know your past? The real you. The real Nadine Lustre.