Chapter 8: [ Invited ]
-
Nadine's Pov
Umaga na, at paniguradong nag tatampo pa rin siguro si Joseph sa mga nangyare nuong nakaraang araw, nakita nya kasing magka-yakap kami ni James.
Ewan ko lang kung may tampo pa sya ngayon sa amin.
Isang linggo na ang nakalipas at hindi pa rin ako mapatawad ni Joseph sa mga nagawa ko, palagi ko kasing kasama si James nung mga nakaraang araw, si Ericka hindi pa rin daw pumapasok, siguro mamaya papasok na yun.
Bumaba naman na ako.
"Mom!" Napatingin naman ako sa tumawag sa akin, yung dalawang bata ko lang pala.
"Yes?"
"Mall tayo mamaya mom." Sabi nila.
"Im not really sure kung makaka-mall tayo ha? I'll try na lang." Sabi ko at ngumiti.
Dumiretso na kami sa kusina, at umupo na sa tapat ng lamesa. Kumpleto na kami, ito na naman tahimik na kumakain. Ang tahimik, di tuloy ako sanay.
"Mom! Daddy Joseph! Mag bati na nga kayo! It's almost 1 week naman na, di maka-move on daddy Joseph? Daig mo pa si mommy nung di maka-move on ng isang taon ah!" Sabi ni Nath.
Nakita ko namang tumawa si Joseph.
"Ikaw talagang bata ka, your mom and I okay na kami. Busy lang ako sa trabaho ok? Kumain na nga kayo." Sabi nya.
Habang kumakain naman ako ~ di ko maiwasan tumingin kay Joseph. Nakita ko namang napatingin din sya kaya umiwas na ako ng tingin.
-
"Im going na." Sabi ni Joseph.
"Ah Jose --"
"Male-late na kasi ako Nadz eh. Kaialngan ko ng mauna ok?" Sabi naman nya at lumabas na.
Hays. Ganun pa rin talaga sya.
-
Kakarating ko lang sa campus, nakita ko na agad mga kaibigan ko kaya dumiretso na ako sa kanila.
"Bhe. Andyan na si Ericka. Maso-solo na nya ulit si James." Sabi ni Yassie.
"Girlfriend nya naman yun, kaya ok lang sakin." Sabi ko naman.
"Sus ok lang? Asawa ka naman." Sabi ni Shy.
"Balita ko kaya sya pumasok kasi iimbitahin nya lahat sa birthday party nya." Sabi ni Kath.
"Asuuus! Asa namang kasama tayo diba? Hate nya nga si Nadine eh. Lalo na rin tayo." Sabi ni Julia.
"So sinasabi mo bang kasalanan ko kaya di kayo makakasama sa birthday ni Ericka?" Sabi ko naman.
"Hindi naman sa ganun bhe. Saka mas mabuting hindi na rin kami kasama baka naman kung ano pa ang magawa ko sa kanya," Sabi ni Yassie.
"Asan si Donna at Van?" Tanong ko.
"Mamaya daw recess sila pupunta." Tumango na lang ako.
"Tara na mag si-trabaho na tayo." Sabi ko naman.
-
Recess na namin ngayon. At nandito na kaming lahat sa cafeteria, kasama sila Donna at Van.
"Uy? Ano ok na ba kayo ni Joseph?" Tanong nila.
"Hindi pa. Ayaw nya pa rin ako kausapin." Sagot ko.
"Hindi maka-move on ang loko. Hayaan mo na muna si Joseph." Sabi naman ni Donna.
Mamaya nakita naming papalapit si Ericka, kaya nag si ayos kami at nag kuwentuhan.
"Hello guys. I just want to give this invitation for my birthday party tomorrow." Sabi nya.
"Ha? Kasama kami?" Tanong namin.
"Oo naman, ang kill joy ko naman kung di ko kayo iinbitahan. Hindi rin naman ako nag sabi nyan si James ko. Mag pasalamat na lang kayo sa kanya. Pero mas ok na rin kung imbitado kayo. Ok bye's" sabi nya at umalis.
Ipinag diinan nya talaga yung James ko. Napailing na lang ako at kinuha yung card.
"So talagang seryoso sya? Bakit nya kaya tayo inimbitahan?" Tanong ni Julia.
"Baka naman may sasabihin pa syang importante na kailangang malaman natin, ng laaht." Sabi ni Yassie.
"May tama ka dyan teh!" Sabi namin.
"Pero ano naman yun?" Tanong ko.
"Mga atat lang? Hantayin nyo bukas." Sabi ni Van.
"Bukas na pala? Edi kailangan mag suot pa ng gown? Ay bongga gown. Ano ba naka lagay dyan teh kung ano isusuot?" Tanong ni Kath.
"Dress lang naman." Sabi ko.
"Ay bongga. Dress. Meron ako nyan! Ay bhe talbugan mo si Ericka ng dress." Sabi ni Van.
"Eh ang nakalagay dito gown ang susuotin nya." Sabi ko.
"Basta dress mag suot ka yung pinaka maganda." Tumango na lamang ako.
Itinago ko na yung card at tumingin muna sa direksyon nila James. Nakita ko namang masaya sya kasama si Erica.
Masaya na rin akong masaya sya.
-
Sorry late update. Ayan na muna. Bitin.
BINABASA MO ANG
She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)
FanfikceWhat if one day, you woke up. And you would know your past? The real you. The real Nadine Lustre.