Jadine 4

4.4K 163 2
                                    

Chapter 4: [ First Convo - I miss his voice ]

-

Nadine's Pov

Kakatapos ko lang maligo, at kailangan na naming kumain. Bumaba na ako, nakita ko naman yung kids na kumakain na, kasama si Joseph.

"Oh - hindi niyo man lang hinintay si mommy para sabay na tayo kumain?" Sabi ko at umupo na.

"I told them to it - kasi gutom na sila kanina pa." Tumango na lang ako.

Kumain na lang rin ako, after naming kumain. Pinalabas ko na yung kids, pinahatid ko na sa school.

"Mahal, I'm going na rin. I need to work for the kids."

Ponyeta. Hindi ako sanay na tawagin niya akong ganun.

"You don't need to work for my kids kasi -"

"Kasi hindi nila ako yung tunay na ama? Kasi wala akong karapatan para alagaan sila? Kasi wala akong kaparatan para mahalin rin sila na parang anak ko na? Kasi ano?"

"Hindi naman sa ganun - kasi nag ta-trabaho na rin naman ako. Kaya ok lang naman sa akin na kahit hindi ka na mag trabaho."

"Pero sakin hindi ok na hindi ako mag ta-trabaho." Sabi niya at aalis na sana ng tinawag ko.

"Joseph. --"

"No. Mag ta-trabaho ako sa ayaw at sa gusto mo."

"Joseph -"

"Ano?!"

Binatukan ko naman siya.

"Lalayas ka ng hindi ayos yung neck tie mo siraulo! Akin na nga." Sabi ko at inayos yung neck tie niya.

"Sorry naman." Sabi niya at kumamot pa ng ulo. Napa-iling na lang ako.

"Hatid na nga kita sa campus niyo, baka mawala ka pa." Natawa na lang ako.

-

"I'm going mahal, love you. Ingat." He said and kiss me in my forehead.

"You too." Sabi ko na lang at ngumiti.

Pumasok na ako sa campus at didiretso na sana sa room ng may nabunggo ako sa korihidor.

"Ay sorry." Sabi ko.

Nagulat ako nung nakita ko ulit siya ng malapitan, yung mukha niya, yung mata,ilong,pilik-mata,kilay, at lalo na yung labi niya.

"Ah sorry ah. Wala kasi yung kaluluwa ko. Mauna na ako." Sabi ko at aalis na sana pero nagulat ako nung hinawakan niya yung braso ko.

Gusto kong hawakan yung malambot na kamay niya na nakahawak sa braso ko, pero hindi ko magawa. Bakit?

"Diba ikaw yung babae na pumasok sa room ko nung --"

"Ah oo. Sorry nga pala dun kung nag makulit ako, sorry talaga. Sige mauna na ako." Sabi ko at aalis na sana ulit nung hinawakan niya ako pero hindi ako nakapag pigil kaya nasigawan ko siya.

"Ano ba?! Diba kailangan ko ng umalis?! Bitawan mo nga ako!" Sabi ko at kumalas at tumakbo papalayo sa kanya.

Hindi ko na kasi kaya - hindi ko kayang makita lang siya ng harap-harapan, pinipigilan ko lang sarili ko na sigawan siya ng sobra kaya lumayo ako at ayokong umiyak sa harapan niya dahil alam kong wala namang maitutulong yun.

"Paasa ka James. Paasa ka!" Inis na sabi ko habang nakaupo sa isang bench.

"Hindi mo alam kung sino ang sinasaktan mo!" Sabi ko at humagulgol na sa iyak.

Ayoko ng sumikip yung dibdib ko - ayoko nang umiyak. Pagod na pagod na ako! Pagod na akong umiyak.

Naramdaman ko namang sumikip yung dibdib ko, sumasakit na naman. Agad ko namang kinuha yung gamot ko at saka ito ininom.

Nakahinga na rin ako ng maluwag, ayokong makita ako ng mga kaibigan ko na umiiyak, kasi alam kong masasaktan rin sila. Sana ganun din siya, kapag nakita niya rin sana akong umiyak, masaktan rin siya kasi siya ang dahilan kung bakit ako sobrang nasasaktan.

Sa totoo lang na-miss ko yung boses niya, I miss his voice so much. Siguro kahit masakit, ito yung the best na araw kasi naka-usap ko ulit siya. Pero hindi eh, may kulang.

Laging masakit.

-

"Bhe. Kanina ka pa tulala, may nangyare ba?" Tanong ni Shy.

"Ah - wala, may iniisip lang ako." Sabi ko naman at kumain na.

Break time na muna kasi namin, at napansin kong kanina pa nakatingin si James sa akin kahit na kinakausap siya ni Ericka.

"Nadz. Asan si Seph?" Tanong ni Yassie.

"Nasa trabaho niya." Sagot ko.

"Ha? Ba't nag trabaho yun?"

"Ewan ko nga eh, sinabi ko na rin na wag na siyang mag trabaho pero mapilit kasi siya. Hindi ko na pinigilan." Sabi ko naman.

"Bhe's napansin ko lang si James ha. Kanina pa naka-tingin sayo, parang dati lang. Yung collage life pa. Alam niyo yun guys - yung collage student pa tayo tapos may magugustuhan at liligawan siya yung ganun, tapos happily ever after na." Binatukan naman ni Donna si Julia.

"Duh - fairy tale lang ang peg? Saka ano naman kung nakatingin yang ex jowaers ni Nadine. Tsk. Kung nai-in love man siya. Ipag patuloy niya." Sabi ni Donna.

"Ewan ko sa inyo." Sabi ko na lang.

Nung tumingin ako kay James - parang may gusto siyang sabihin na hindi ko alam. Hay, guni-guni ko lang yun.

-

View the handsome face tho. of James. Sorry na late update.

She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon