Jadine 6

3.8K 150 5
                                    

Chapter 6: [ Naks naman ]

-

Nadine's Pov

Kakarating ko lang sa campus namin, medyo paika-ika ako mag lakad kasi hindi ko masyado magalaw yung kabila kong paa.

Nakita ko namang sinalubong ako ni - James? Eh?

"Oh - tulungan na kita. Nahiya naman ako sa mga friends mo, hindi ka tinutulungan." Sabi niya at saka inilagay yung kamay sa may waist ko at inilagay niya yung kamay ko sa waist niya.

"A-ah kaya ko naman -"

"Oo na lang. Samahan na kita dun sa room niyo ng mga friends mo." Sabi niya.

Sana kaibigan ko na lang siya, yung wala akong feelings para sa kanya, sana makaya ko nga. Hay.

Nang makarating ako sa pinto, bumitaw na kami sa isa't isa.

"Baka gusto mo ipasok pa kita sa luob?" Ngumiti na lang ako.

"Hindi kaya ko na, sige salamat ha." Sabi ko at ngumiti.

Pumasok naman na ako sa luob, at nandun na sila. Hindi talaga nila ako hinihintay sa garden, ang dadaya ng mga ito.

"Uy - bakit hindi niyo ako hinihintay sa baba?" Tanong ko at saka lumapit sa kanila.

"Oh? Ba't paika-ika ka mag lakad? May nangyare ba sa inyo ni Joseph?! Oh my god bhe! Hindi ka pa nga ano sa dalawang bata, gum - aray!" Binatukan ko nga si Shy.

"Tanga. Kagabi to, kasi nag lakad lang ako kagabi para sunduin yung dalawang bata. Eh yung dadaanan ko mga bato, napatapilok ako kasi takong pa suot ko." Sabi ko naman.

"Ahh." Sabi nila.

Kung ano ano pinag iisip, sarap tadyakan ng mga ito. Pumwesto naman na ako at saka na nag trabaho.

Habang nag ta-trabaho naman ako, hindi ko maiwasang ngumiti kasi kaibigan ko na si James sana - sana ano papunta na rin yung time na maaalala niya ako.

Napa-hinga na lang ako ng malalim. Maya't maya nag bell na rin naman na.

"Mamaya diretso tayo sa mall papabili kita ng aklay ha, dapat si Joseph ang bumibili sayo niyan." Sabi ni Shy.

"Eh gabi na nga yun umuuwi kasi nga nag ta-trabaho hayaan mo ng ako na lang." Sabi ko naman.

"Alalayan na nga kita. Oy mga bhe, alalayan natin si Nadya, baka masubsob ang mukha, sayang ang peslak." Sabi ni Shy. Natawa na lang ako.

Pag labas naman namin, dumiretso na kami sa cafeteria para kumain - nakita ko naman si James na papalapit sa akin.

"Nadine!" Tawag niya ng ika-bigla naman ng mga ito.

"Bakit?" Sabi ko.

"Sabay na tayong kumain. Ah girls - puwede ko bang mahirap muna si Nad -"

"Oh iyong-iyo na."

"Aray!" Itulak daw ba ako kay James.

"Mauna na kami bhe, ikaw na munang bahala diyan James ha. Ingatan mo yan, inaalagaan namin yan!" Sabi nila

"Inaalagaan pero may pilay? Oo inaalagaan niyo nga." Sabi ni James.

"Tse." Umalis naman na yung tatlo.

-

Kasabay kong kumain si James - sanay naman ako na kasabay ko siyang kumain, after the years na magka-sama kami syempre masasanay ka talaga.

Nagulat naman ako ng may tumawag sa akin.

"Mom!" Agad naman akong napatingin.

"Hey kids, ba't nandito kayo?" Tanong ko sa kanila at agad na hinawakan sa ulo.

"Ah - wala lang po, we want to visit you lang naman po. Hello dad - este Hello tito James." ^_^ Sabi ni Salv.

"Oh you can call me dad if you want to." Lumaki naman mata ko.

"Totoo?" Sabay-sabay naming sabing magi-ina.

"Yeah, bakit may masama ba dun?" Napa-iling naman ako.

"Ahm - Nadz. Saka naka-bili na rin ako ng aklay mo, nag pa-bili pa lang ako mamayang uwian saka ko na sayo ibibigay." Sabi nito at ngumiti.

"Ha? Nag abala ka pa." Sabi ko naman.

"No it's fine." Sabi naman

"Ahem!" Paparinig nung dalawa.

"Kids - bakit ba kasi kayo napa-punta?" Tanong ko.

"We want to visit OUR DADDY JOSEPH samahan mo naman kami mom." Pag diinan talaga.

"Ah -" bago ko pa matapos eh yung mga kaibigan ko lumapit.

"Mga kids, hindi puwede si mommy niyo mag lakad kasi pilay siya ha, maybe next time na lang kids ha, tara laro muna tayo." Sabi ni Yassie, at kinindatan ako. -,-

Tapos naman na ako kumain - pero teka - nasaan si Ericka?

"Ah James - nasaan si Ericka?" Tanong ko.

"Ah absent, may pinuntahan daw siya - ayaw naman niya akong isama, ok lang naman." Sabi nito.

Tumango naman ako. "Ah tapos ka na pala, baka gusto mong puntahan kaibigan mo. It's fine to me." Sabi niya at uminom.

"Ah hindi, mas gusto kong kausap ka." Ay ano bang sinasabi ko.

Ngumiti naman siya at tumango na lamang.

-

Ayan muna.

She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon