Chapter 14: The love ( 13+)
-
This chapter is for 13 above only, so kung gusto mo talagang basahin - edi basahin mo! Haha. Ngayon lang po ako gagawa ng ganito, pero hindi ko naman tataasan ang pagka-******* basta. Haha. Malalaman nyo na lang.
Wag masyadong kiligin.
~
Nadine's Pov
Bigla naman na may bumusina sa labas, agad silang sumilip.
"Siyaa na yoon bhebs. Dali na, go na. Pumasok ka na dun sa backseat." Sabi nila.
"Ih, parang ayoko ng ituloy." Sabi ko naman.
"Ano ka ba! Importante yung sasabihin nya, at please, wag na wag kang iiyak kapag nag salita sya nag pagka-haba haba." Sabi ni Shy.
"Bakit naman?" Tanong ko, at alam kong tanong rin nila yan.
"Masisira make-up mo teh, pinag hirapan namin yan." Sagot nya.
"Ay oo nga!" Sabi ni Donna at Van.
"Hahaha. Sige." Tumayo naman ako at lumabas na, kasunod ko rin ang mga kaibigan ko, pag labas ko naman nung gate, kinatok ni Shy yung window ni James.
"Papasukin ko na ang Prinsesa namin ha? Ikaw na ang bahala. Ingatan mo yan!" Sabi ni Shy.
Binuksan na ni Shy yung back seat. Bago ako pumasok, tinignan ko muna sila.
Ngumiti sila sa akin at pinapasok na ako, edi pumasok na ako at saka nila isinara yung pinto.
"Set your seatbelt." Sabi nya, medyo kinakabahan pa ako.
Agad naman nyang ipinaandar yung kotse nya, nilalamig pa ako - siguro sa kaba lang to.
"Nilalamig ka?" I nodded, bigla naman nyang inihinto sa tabi yung kotse at bumaba bigla nyang binuksan yung pinto sa kanan ko at pumasok, saka nya isinuot sa akin yung jacket nya.
"Just wear that, mamaya mo na tanggalin pag nandun na tayo." Sabi nya.
"O-ok." Sabi ko, ngumiti naman sya, ngumiti na lang ako ng mapait.
-
Kakarating lang namin dito sa - mansion nya. Ano ba kasing gagawin ko dito? Paano kung malaman ni Joseph na nandito ako sa bahay - mansion ni James? Saka kailangan pa ako nung mga bata.
"Nadine, were here. So you can go out." Sabi nya, tinanggal ko na muna yung seatbelt at saka lumabas at inialis yung jacket at kinuha nya.
"A-ano ba kasing gagawin ko dito? B-bakit mo pa ako dito pinapapunta?" Tanong ko.
"I have to tell something, pero duon ko na sasabihin." Sabi nya at pinapasok ako sa mansion nya. Huminga na lang ako ng malalim.
Nang makapasok na kami sa mansion nya.
"Good evening Mr. and Mrs. Reid." Lumakit naman yung mata ko.
M-mrs. Reid?
"Ah Ms. L -" Hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng nag salita si James.
"Yes you are Mrs. Reid. You are my wife. Isn't it?" Kumunot yung noo ko.
A-anong?
Hinila naman nya ako papunta sa hindi ko alam.
"Nadine. Alam ko na ang lahat." Hindi ako makapag sa salita, siguro sa saya,kaba,excited.
"Alam ko ng asawa kita. I know you are my wife. I know I have a family. Alam ko na ang lahat-lahat dahil sa tulong ng kaibigan mo. Last week ko lang nalaman, Nadine. I want to apologize cause it's been 2 years, 2 years akong wala sa tabi mo. I know it's --" Bago nya pa matapos yun eh yinakap ko na sya.
BINABASA MO ANG
She's My Bad Girl Wife | Book 2 | (JaDine)
FanficWhat if one day, you woke up. And you would know your past? The real you. The real Nadine Lustre.