1 - First Day Jitters

17K 462 84
                                    

"Oh, MRT! MRT! Isa nalang sa likod. Aalis na!"
Alingawngaw ng boses ni kuyang barker upang mapuno at makaalis na ang UV kung saan ako nakasakay.

Alas-singko ng umaga ngayon at ramdam na ramdam ko ang Monday rush, mula sa haba ng pila sa terminal hanggang sa mga taong nagmamadaling pumasok sa kani-kanilang trabaho.

Matapos iabot ang bayad kay kuya ay inilabas ko na ang aking earphones para makinig ng music. Ito ang favorite habit ko tuwing nagco-commute ako.

Nang magsimulang umandar ang UV ay bigla na akong nakaramdam ng nervousness.

First day ko kasi ngayon sa trabaho at hindi ko sure kung anong ie-expect ko. Ngayon ko pa lang din kasi mae-experience ang magtrabaho sa Pilipinas.

Pero hindi na ako fresh grad gaya ng iniisip niyo. Ang totoo niyan ay almost 3 years na akong graduate sa course kong BA Communication.

After ko kasi grumaduate ay dumiretso na ako sa Spain para maging isang assistant English teacher. Isa ito sa mga program na ino-offer ng university namin sa mga graduating students.

And yes, tama kayo ng nabasa. Spain. English teacher. Oo! Ako na nga! Ako talaga ang real life Teddie Salazar sa Four Sisters and a Wedding.

Pero hindi gaya ni Teddie na may apat na kapatid, ako naman ay only child at lumaking mag-isa. Hindi ko na nakilala ang tatay ko dahil pumanaw ito bago pa ako ipinanganak.

Nung maliit naman ako ay nagtrabaho abroad ang nanay ko upang maitaguyod at mapunan ang mga pangangailangan ko. Kaya naiwan ako sa pangangalaga ng aking lola at mga kamag-anak.

Habang nasa college ako ay nakapangasawa ulit ang nanay ko. Tanggap ko naman ito dahil deserve niyang sumaya ulit. Every year pa rin itong umuuwi pero doon na sila nakapirmi ngayon sa Canada.

Sa murang edad ay sanay na sanay na ako sa pagiging independent. Kaya naman ganun nalang din siguro kalakas ang loob ko na makipagsapalaran sa sobrang layong lugar after graduation.

Akala ko hindi ako maaapektuhan nung "homesickness" na sinasabi nila na laging nararanasan ng mga OFW. Pero ang hirap pala talaga malayo sa pamilya at nag-iiisa.

Bukod sa pagka-homesick ay nakaranas din ako ng depression. May mga times na halos araw-araw akong umiiyak for no reason.

Sobrang lost ko kasi sa life. Hindi ko alam kung tama ba yung career path na tinake ko at ano ba ang gusto kong gawin sa buhay.

Hindi ko naman kasi talaga pangarap maging isang teacher. Ginrab ko lang yung opportunity for the experience.

Grateful pa rin naman ako na pinili ko mangibang-bansa dahil marami akong natutunan lalong-lalo na pagdating sa sarili ko.

Pero na-realize ko rin na kailangan ko nang mag-change path kasi nagiging stagnant na ako. Gusto ko ng something stable na marami akong matututunan at alam kong mahal ko rin yung ginagawa ko.

Bago umuwi sa Pilipinas ay tinry ko rin naman maghanap muna ng trabaho sa Spain. Kaso limited lang kasi ang opportunities para sa tulad kong foreigner e, lalo na hindi naman ako ganun ka-fluent sa language nila.

Nanghihinayang yung mga tao sa paligid ko kung bakit ko pa raw pipiliing bumalik sa Pilipinas gayung nasa abroad na ako.

Maganda naman daw ang buhay dun. Hindi kagaya dito. Parang hindi rin naman lagi.

May mga nakilala kasi akong kababayan na gugustuhin pa ring umuwi at mag-for good sa Pilipinas upang makasama nila ang pamilya nila.

Deep inside, feeling ko rin meron akong dapat matutunan dito sa Pilipinas. Kaya kahit mahirap i-let go yung naging buhay ko doon, nagdesisyon nalang akong umuwi at maghanap ng trabaho dito.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon