Oo na. Inaamin ko na.
Mabilis talaga ang balik ng karma dahil kinain ko rin ang sinabi ko. May paputi-puting uwak pa akong nalalaman noon.
There's really no point in denying, might as well just admit to myself the fact that..
I think I've been crushing just a teeny tiny little bit on our cold and ruthless editor-in-chief, hotter than hell but intimidating as ever boss woman, HNC's Miss Devil herself — Reiko Horie.
Girl crush lang naman yan. Wag kayong ano dyan!
I mean, sino bang hindi? Kahit naman ganyan siya at ipinanganak na may poot sa mundo, hindi maikakaila yung paghanga naming lahat sa kanya.
As a career woman, she's everything a young professional like me aspires to be.
At sa mga nagdaang buwan na pagkakaroon ko ng encounters with Ms. Reiko, I learned that there's really more to her than meets the eye.
Hindi ko alam kung sinong natulungan ko sa aking past life para madeserve kong makita yung ibang sides niya na hindi basta-bastang nalalaman o nakikita ng ibang mga tao.
Being able to witness her in her vulnerable states made me see her in a different light. She's only just a human with complicated emotions after all.
Wala naman akong mapapala sa pagiging in denial forever, so bakit ko pa papahirapan sarili ko? Sisimulan ko nalang sa pagpapakatotoo.
But of course, dapat professional lang tayo. Kung anuman ang natuklasan ko sa aking sarili, hindi ko na hahayaan pang makaapekto yun sa work.
At lalong hinding-hindi ko hahayaang makarating pa 'to sa kamay ng mga mapagmatyag na chismosa sa HNC.
Nabanggit ko naman na siguro kung gaano kabilis kumalat ang balita dun diba? Bago mo pa man marealize kung anong nangyayari, kinabukasan pinupulutan ka na sa headlines.
Ayoko lang na ma-involve sa kahit anong issue habang nasa kumpanya ako.
Wala rin akong balak na idawit pa ang nananahimik na reputasyon ng respetado pero kinatatakutang boss namin.
Ms. Reiko obviously has a lot of responsibilities on her plate right now. Plus, the constant pressure from her father. The last thing she needs is some useless gossip by her employees.
Napangiti nalang ako mag-isa dahil sa wakas naresolve ko na rin yung issue na matagal-tagal ding gumulo sa utak ko.
At least kahit papano mapapalagay na ako at mababawasan na ang aking mga isipin.
Hindi porket inamin kong may katiting na paghanga ako kay Ms. Reiko ay may magbabago sa pakikitungo ko sa kanya. Kakalmahan ko lang syempre para hindi tayo maging kahina-hinala!
Basta masaya lang ako ngayon dahil natunton ko na yung pinanggagalingan ng mga 'weird' kong nafifeel lately.
And I therefore conclude that.. this is nothing but a silly, harmless office crush.
*******
Simula nang abisuhan ako ni Ms. Reiko na pupunta kami sa Italy ay hindi na ako magkanda-ugaga sa paghahanda.
Malaking parte sa akin ang excited dahil makakabalik ulit ako sa paborito kong lugar sa Europe. Pero mas nangingibabaw ang pressure dahil hindi travel ang pakay namin doon.
We're going to Italy solely for work purposes. And the main agenda: interview Carina Montez.
Iniisip ko pa lang na makakausap ko ang sikat na violinist ay ganun nalang ang kaba ko. First time ko itong gagawin kaya todo research ako para magawa ko ng tama ang trabaho.
BINABASA MO ANG
Miss Devil (GxG)
RomanceSi Jazelle ay bagong hire na writer sa isang international publishing company. Nang mapabilang siya sa isang importanteng project ay kailangan niyang makatrabaho ang cold, mysterious, intimidating, at saksakan ng gandang editor-in-chief, si Reiko, n...