10 - The Clingy Drunk

7.1K 386 129
                                    

"Kiss me." Mahinang bulong ng isang babae sa kasama niya.

Awtomatikong nanlaki ang mata ko sa narinig. Mula sa pagso-scroll sa Facebook ay napaangat ang tingin ko sa mag-jowang nasa harapan ko.

Mahaba-haba ang pila ngayon sa bus stop dahil Friday rush hour. Long weekend pa kaya naman hindi magkandaugaga ang mga tao sa paligid.

Inabala ko nalang ang sarili sa aking phone bilang pampalipas oras para mabawasan ang pagkainip.

Hindi ko maiwasang maintriga sa babae at lalaking naglalandian sa harap ko habang nakapila. Kahit magbulungan sila diyan ay ang lakas pa rin naman ng boses nila.

Pasimple lang akong nakikinig sa kanila. Ano ba yan! Mukhang nahahawa na ata ako sa pagka-chismosa ni Sharmaine.

"Sige na love.. please?" Desperadong pakiusap ng babae sa jowa niya na nagpapa-bebe pa. Jusko!

"Later love, pag nasa loob na tayo ng bus."

Napaikot nalang ang mata ko. Ang eskalandoso naman ng dalawang 'to. Hindi ba makakapaghintay yan?! At mukhang may milagro pa atang magaganap mamaya sa loob ng sasakyan.

Naputol ang aking pakikiusyoso nang maramdaman kong nag-vibrate ang phone sa palad ko. Isang unknown number ang tumatawag.

Sino naman kaya ito? "Hello?"

"Hello po? Kaibigan po ba ito ni Madam Reiko?" Sagot ng nasa kabilang linya. Base sa boses nito ay parang matandang lalaki ang kausap ko.

"Katrabaho po niya ako. Sino po ba sila?"

"Si Mang Fred ito, yung driver niya. Sobrang nalasing po kasi si madam e. Nasa may bar kami malapit sa building niyo. Baka po pwedeng pumunta kayo dito?"

"Ho? E bakit hindi niyo nalang po siya ihatid sa kanila? Tsaka paano niyo po nalaman itong number ko?" Sunod-sunod kong tanong.

"Ito po yung ginamit na pantawag ni madam nung na-lowbat yung cellphone niya kaya nagbaka-sakali lang po ako. Wala kasi akong ibang kilalang kaibigan niya na pwedeng magbantay sa kanya."

Oo nga pala. Bigla kong naalala na hiniram pala ni bruha yung phone ko nung nakaraan para matawagan ang driver niya.

Ano naman kayang nangyari sa kanya? Bakit siya naglasing at manggagambala pa ng ibang tao?

"Ma'am, pasensya na po sa abala ah. Ngayon lang naglasing si Madam Reiko ng ganito. Kailangan ko rin kasing umalis kaagad dahil may emergency yung mag-ina ko. Pasensya na po talaga." Paulit-ulit na paghingi ng paumanhin ng driver niya.

Napahilot nalang ako sa aking sentido sabay buntong-hininga. "Sige po, nasaan po ba kayo?"

"Dito po sa The Tavern at 25th Street, ma'am. Ihahatid ko nalang kayo ni madam sa unit niya. Hindi ko lang kasi talaga siya maiwan hangga't walang mag-aasikaso sa kanya. Salamat po."

Okay. Medyo hindi pa ganun kalayo ang 25th St. mula sa kinatatayuan ko. Bigla naman tuloy akong nanggigil na ewan. Hindi ko alam kung nananadya ba itong si universe.

Andun na e! Nasa may unahan na ako ng pila. Konting hintay nalang malapit na sana akong makasakay. Pero may bagong kababalaghan na namang hatid si Miss Reiko.

Kahit mabigat sa aking loob ay iniwan ko ang pilang tyinaga ko ng ilang oras. Sinimulan ko nang tahakin ang daan pabalik sa building namin.

Sa pagkakatanda ko ay ilang beses ko na ring nadadaanan yung The Tavern. Isa itong posh na bar and restaurant para sa mga yayamanin.

Miss Devil (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon